𝐒𝐇𝐎𝐔𝐓
Diko alam kung ilang oras ako nagkulong dito sa loob ng kwarto because i spent the time doing something para mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Nasa kalagitnaan ako ng pagguguhit nang may pumasok sa kwarto ko.
"Andito ka pala Clarisse ang akala ko di pa kayo umuwi"
Tinigil ko ang ginawa ko at tumayo.
"Di naman ako masyadong nagtagal, tinignan kolang iyon"
Tumango ito.
"May kailangan ka ba Ate Inez?"
Umiling siya. "Wala naman Clarisse gusto kolang icheck tong kwarto mo, nagkaproblema kasi sa aircon mo napansin ko kanina nung naglinis ako"
Kaya pala napakainit di pala naka-on yung aircon.
"Tayo muna sa labas Clarisse ipapatawag ko si Manong Jud para ayusin ang aircon"
Niligpit ko na ang mga ginamit ko at isinauli sa lalagyan.
I smiled at her."Hindi na po kailangan Ate matitiis ko naman siguro"
"Hindi makakapayag si Senyor na matulog ka ditong walang aircon Clarisse"
Lumaki ang mga mata ko. Gabi na? Diko manlang namalayan?
"Oo Clarisse gabi na nakahanda na ang hapagkainan"
"Si Daddy?"
"Di siya makakauwi ngayon eh may importanteng meeting daw kaya tinawagan ako kanina para tignan ka"
"Ganun po ba. Bababa na lang ako mamaya ate di pa naman ako masyadong gutom"
"Nako ayaw ni Senyor ng ganyan Clarisse, mabuti pa ay kumain kana at kanina pa nasa baba si Sir Xav"
Nasa bahay na pala siya.
"Maiwan na kita pero susunod karin hah?"
Tumango at pinanood siya umalis.
Dapat ipakita ko sakanya na di ako kabado pag nasa harap siya. At ayokong ipakita sa kanya na lagi akong nablablanko pag nasa harapan ko na siya.
Nag shower nako at nagsuot ng pajama bago bumaba para kumain. Diko alam kung bakit pinaghahandaan ko masyado ito dahil si Xav lang naman ang makakasabay ko.
Naupo na si Xav at may binabasa sa dyaryo, mukhang di talaga kakain ito pag siya lang mag-isa.
Napatingin siya sa akin at di ko alam sa mga oras nayun nararamdaman ko ang panghihina. Ano bang meron?
Napalunok nalang ako at dire diretsong umupo s upuang katapat niya mismo.
Nagsimula na kaming kumain at di ko namalayan na mabilis ko itong naubos samantalang di pa nakakahati si Xav. Napakamot nalang ako, gusto ko pa man ding kumuha ulet ng ulam pero diko alam kung bat ako mahihiya. Hihintayin ko nalang siguro siya kung medyo maubos ubos narin niya ang sakanya.
Napansin ni Xav ang pagtigil ko sa pagkain. Tumaas ang kaniyang isang kilay at bumagsak ang tingin nito sa aking pinggang wala ng ulam.
Napatingin ako sakanya at napailing nalang at siya na mismo ang naglagay ng ulam para sa akin.
Nakakahiya naman.
"Ammm..."
"You should eat a lot... Pano ka magkakalaman kapag nililimitahan mo ang pagkain?"
Napaiwas nalang ako ng tingin. Gusto ko talagang kumain Xav nahihiya lang akong kumuha.
"Tss"
BINABASA MO ANG
Strange Feelings
RomansaYsabela Florencia is a woman with a sad past. She never thought that a quite and a beautiful place can be the reason for her to change her thoughts about life. One of her goals in life is to get revenge from the family who makes her vulneralble bef...