𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10

19 4 0
                                    

𝐓𝐔𝐍𝐀𝐖

"Xavier Help me!"

Pinaikot ko ang mga mata ko at diko maalis ang tingin kinila Chloe at Xavier. Seryosong kinakausap ni Xav ang isang lalaki at may binubulong siya rito na nasisiguro kong tungkol ito sa kanilang planta habang si Chloe naman ay hinihintay siya para tulungan itong makasampa sa kabayo.

Bumaling naman si Xav sa kinaroroonan ko at agad akong nag-iwas ng tingin. Huli kong napagtanto na kanina pa pala ako kinakausap ni Arturo.

"A-ano yun?"

Gaya nga ng  sinabi ni Chloe, pinasama ngs nila ako kay Arturo pero wala namang kaso dahil magiging third wheel lang ata ako dito.

Napakamot siya sa ulo.

"Sabi ko po.... Mauna na tayo mukhang magtatagal pa ang mga yan"

Sumulyap ako sa banda nila at nakita ko kung paano hinawakan ni Xavier ang nagkabilang bewang ni Chloe at inangat para makaupo sa kabayo.

Umiling ako.

"Hintayin na natin sila"

Tumango naman ito at hinawakan ang kabayong sinasakyan ko. Muli kong tinignan ang banda nila Xav at nagulat ako dahil nagtama ang tingin namin. Nagkunwari akong abala sa pagsusuri sa paligid para naman wala lang sa akin iyon.

"Akala ko ba Atlas pagod ka ngayon? Nung pinakain kita wala kang gana tapos ngayon anlakas lakas mo"

Dumungaw ako kay Arturo at pinagmamasdan kung paano niya kausapin ang kabayong sinasakyan ko ngayon. Ngumiti ako at naabutan ni Arturo iyon.

"Sabagay maganda naman ang gumagamit kaya walang problema hindi ba?"

Nag-iwas ako ng tingin pero nakaramdam ng kilig. Buti pato nagagawa akong bigyan ng complimment.

Gaya nga ng sinabi ni Chloe ipinatawag niya si Arturo para iguide ako. Napansin kong hindi rin madalas si Arturo dito at nakikita kolang siya kapag may ipapautos.

Ilang minuto ang lumipas hindi nako nakapaghintay ay iniya kona si Arturo para humayo. Hindi naman sila ganun kaimportante kaya bat ba ang haba ng pasensya ko para hintayin sila. Pero bago pa kami aalis ay narinig ko na ang boses ni Xav.

"Just wait a minute"

Umirap ako.

"Kanina pa kami naghihintay diba?"

"I'm just fixing the issue about the field......baka may mangyaring masama sainyo"

Sumulyap siya kay Arturo.

"Ihatid mona si Chloe"

Tumango naman si Arturo.

Nagtaas ako ng kilay at supladang tumingin kay Xav. Ang buong pagkakaalam koba sasama si Chloe samin?

"At pano naman ako? Hindi mo ba ko papauwiin?"

Umiling siya at may tinatagong ngiti.

"We'll spend the whole afternoon here"

"Really? Wala kana atang balak kanina"

"Sinabi kong sasamahan kita.....You think.........i eat my own words Clarisse?"

Kumabog ang puso ko. "Nasan pala si Chloe?........bat mo siya pinauwi kay Arturo?"

"Her parents called.....babalik siya mamayang gabi sa Ilocos"

Tumango naman ako.

"Mabuti naman kung ganon.... i'm not that comfortable when she's around"

Strange FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon