CHAPTER 3

83 5 1
                                    

N/N: Salamat sa nagbabasa ng nito ^_^

READ>LIKE>VOTE>COMMENT

(~~^_^)~~

Picture of Pixel on the side...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 3~~~ SHE IS MY EX

Piks' POV

"Inagaw niya ang mahal ko."

"Inagaw niya ang mahal ko."

"Inagaw niya ang mahal ko." paulit-ulit iyan sa utak ko simula pa nung masabi ko iyan kay Kikka. Di ako makapaniwala, nasabi ko iyon? Eh ni minsan nga hindi ko nasabi sa 'kanya' na mahal ko siya nung kami pa at wala naman talaga iyon sa akin.

***Flashback

"Eh bakit ba ang init ng dugo mo don kay Jeth?" iritableng tanong ni Kikka sa akin.

Napaisip ako, bakit nga ba? Matagal na iyon ah, saka dapat wala naman iyon sa akin.. wala lang siya sa akin. Wala naman akong pakialam doon kay Jeth, wala talaga. Naging sila nung girlfriend ko habang kami pa? Wala lang sa akin yon, kasi wala lang sa akin yung babae na iyon.

"Ui! Ano?!" pangungulit niya pa.

Haixt... 

"Ahm, inagaw niya yung taong mahal ko."

Hala! Anong sinabi ko?? Panic mode! Bigla akong tumayo at tumakbo. Walk out, takas! So girly ba? I dunno what to do, sorry >_< Punta muna ako sa tahimik na lugar.. I have to think. Think. Think. Think.

"GOD! Bat ako lumabas?! May klase pa kami! I need to go back, kunwari wala nalang nangyari. Tama! Tama!" sabi ko sa sarili ko habang pabalik ako ng classrom.

***End of Flashback

"ANAK! Kain na!" sigaw ni mama mula sa kusina. Nasa kwarto pa kasi ako ngayon, gumagawa ng homeworks. I have to be busy with other things, or else, baka masiraan ako ng ulo.

"OK MA! KAKAIN NA PO! WAIT LANG!" sigaw ko habang inaayos ang mga gamit ko sa kama.

"WAG KANG SUMIGAW! NAPAKALAS NG BOSES MO!" sagot ni mama. Haixt. Akala mo siya hindi nakasigaw eh noh? Makapunta na nga lang ng kusina. Love ko naman si Mama ee, di ko na sasagutin, bad yun ^_^

~~God gave me you to show me what's real, there's more to life than just how I feel... And all---~~

May tumatawag? Number lang? Classmate ko siguro, naghingian na kasi ng number kanina sa room habang nagkaklase yung prof namin. Ang babait di ba? Anyway,

"Hello?!"

"Hello?!" sabi sa phone, at sabay pa kami nagsalita at pareho pa tono namin ha. Babae yung tumawag, sounds familiar ang voice.. Hmmn..

"Pwede ba kitang makausap?" sabi sa kabilang linya. Ang hina ng boses niya!

"Duh! Magkausap na po tayo. Sino po ba itey?" tanong ko.

"Ako ito, si Phine." sabi niya. Phine? Hmmn.. pagkakaalam ko, wala akong classmate na Phine ah? Pero familiar ee. Baka palayaw niya lang yung phine? Luphine? Tephine? Saphine? Phineya? Sino ba ito? Classmate. Classmate. Classmate. Hirap >_<

"Uhmmm, sinong Phine? sorry, di ko pa kasi kabisado names niyong classmates ko ee." nahihiya kong sabi. Ikaw ba naman kung may tatawagan ka at sinabi mo na pangalan mo, ayos ba sayo yung tanongin ka ulit kung sino ka? Like duh!

"Ako ito, ahmmm." sinong siya???

"Ki...nalimutan mo na ba t-talaga a-a-ako?" garalgal na boses niyang pagkakasabi. Biglang nagclick sa utak ko ang pangalang niya. Si Phine Mercadal. Ex ko. 

"ANAK! KUMAIN KA NA SABI! PUMUNTA KA NA DITO!" sigaw ulit ni Mama na nakapagpagulat sa akin kaya napindot ko ang end call sa cp ko. >_< tungu lung kunti.

Baka isipin non, pinatayan ko siya. Haixt.. Bat ba siya tumatawag pa kasi? Bakit gusto niya pa akong makausap? Bakit ginugulo nila ako ngayon?! Bakit! Haixt! Makakain na nga lang, baka magalit pa si Mama.

Pumunta na akong kusina at kumain kasbay ni Mama, hinintay niya pa talaga ako bago kumain noh? How sweet. Kaya love ko yan ee!

Kami lang ni Mama kumakain ngayon, si Papa kasi, nasa trabaho pa, gabing gabi na siya lagi umuuwi, minsan inaabutan ko siya, madalas hindi, mga 9pm onwards na kasi siya umuwi, isa siyang taxi driver. Yung mga kapatid ko naman, lahat may asawa na kaya nakahiwalay na sila ng bahay, paminsan minsan naman umuuwi pa din sila dito, once a month ganun, at ako ang bunso sa amin 4 na magkakapatid.

Yum. Yum. Yum. Delisyoso! hahaha. Sarap talaga magluto ni Mama, kaya love ko yan ee. hahaha. Paulit ulit na ba? Eh kasi nga love ko yan si Mama ^_^

"Bunso, kamusta pasok mo?" tanong niya.

"Ayos yang po Ma~~, menyo nyakakahagard nya lang magpunta tsa 5th floor na classroom nyamin." sagot ko habng ngumunguya pa.

"Kaya pala mukhang gutom na gutom ka -_- Aral ka lang maigi ha. Wag muna mag lovelife. Alam mo na, sagabal sa pag-aaral iyon." puno ng concern niyang bilin sa akin habang nakangiti naman siya.

"Opo Mama." medyo seryoso at kabado kong sagot. Hindi naman kasi alam ni Mama na nagkaroon na ako ng gf dati. Wala naman kasi talaga iyon sa akin.

Nang matapos kami kumain ni Mama, ako na naghugas ng pinagkainan at saka bumalik sa kwarto ko para tapusin yung ginagawa kong homeworks kanina.

Pero parang nahihirapan ako, kung ano ano pa kasi nasa isip ko ee. Makatulog na nga lang. Bukas na ito, tutal wala naman akong pasok bukas.

***Kinabukasan

~~God gave me you to show me what's real, there's more to life than just how I feel... And---~~

Ano ba yan, aga-aga may tumatawag. Huh? Number lang? Ulit? Haixt.. Ayoko na mag-isip masyado. Pikit mata muna, hindi naman kailangang nakadilat kapag may kausap di ba? Antok pa ako ee.

"Hello?"

"Hello Piks! This is Miles, gora tayo! habang hindi pa masyadong busy.. SM Sta. Mesa lang!" aya niya. Aba! kay aga naman ata? Anong oras na ba? Hmmmn..Tingin sa orasan habng isang mata lang dilat o.- HA? O_o 10am na? Usually, 7am ako nagigising ah?! Napuyat kasi ako kakaisip sa kanya kagabi ee at baka tumawag siya ulit sa akin >_<

"Hey!" sabi ulit niya sa kabilang linya.

"Ah, sige sige, sunod nalang ako sa inyo. Kakagising ko lang ee. Text text nalang kung saan kayo." sabi ko.

"OWKIE!" puno ng energy niyang sabi at saka inend niya na yung call.

**************to be continue*************

DO COMMENT, VOTE, AND BE MY FAN IF YOU WANT (~~^_^)~~

~~(^_^~~) THANK YOU FOR READING!

IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon