N/N: mukhang natuwa kayo sa nakapapak ng asukal ah??? ahahaha..try niyo din minsan. matamis ! lels XD
Another thing.. babae po si Kikka. Kapag kasi lalaki, Kikko. Chos! Basta, ayun, babae po siya ^_^
Picture of Juliane, Murray, Gio Martin, and JM on the side...
CHAPTER 8 ~~~ AWKWARD
Kikka's POV
Haixt... Its been a long long long week simula nung huling pag-uusap namin ni Piks. Hindi niya ako kinakausap na. Hindi ko rin naman siya kinakausap. Nagpapakabusy nalang ako sa ibang bagay.. rather, busy na rin ako sa ibang bagay. Kumbaga, wala akong takas, busy na talaga sa school.
Hindi naman ako galit sa kanya ee, ang gusto ko lang, magsoory siya o humingi manlang ng pasensya sa akin sa sinabi niya. Medyo nasaktan lang din kasi ako that time, wala naman akong ginagawang masama.
Sinusubukan ko naman nang iwasan si Jeth, bilang hindi na pagsimulan pa ulit ng away namin. Hindi pa nga kami nagbabati, away na naman?
Pero in some ways, pumapasok sa isip kong ako nalang mag-a-approach sa kanya, kesa ganito kami.. Like duh! four years pa kami magsasama or baka hindi lang four years!
"Uhm, Miles." sabi ko, katabi ko kasi si Miles ngayon, nasa klase kami ng Filipino. Obviously, hindi ako nakikinig at lumilipad lang utak ko sa kung ano ano.
"Yeah? Why?"sabi niya habang busy siya sa ginagawa niya. Naka naman! Makaenglish! haha..Hindi rin siya nakikinig, nakita ko siya naglelettering lang kanina pa ee, pero di ko makita kung ano yung mismong sinusulat niya, medyo nakatakip kasi.
"Ah, pwede mo ba akong tulungan? Nakikita ko kasi, kayo yung laging magkasama nitong mga nakaraang araw." sabi ko ng pabulong lang. Siyempre ayoko naman lakasan, respect pa din dapat sa professor.. ^_^
"Ha?" sabi niya na biglang napahinto sa ginagawa niya at medyo napaisip.
"Sino ba? Saka anong itutulong ko sayo?" tanong niya ng nakatingin na sa akin.
"Ah, si Piks. Hanggang ngayon kasi, hindi niya pa din ako kinakausap."sagot ko.
"Kung pwede sana, tulungan mo ako makausap siya, kahit mamayang break lang." patuloy ko pa.
"Ah, eh.." parang nag-aalangan siya. Ayaw niya siguro ('n')
"Ahm, ok lang kung hindi pwede. Sige, salamat nalang." sabi nalang at saka tumingin nalang ulit sa harap. Sa iba nalang ako magpapatulong. Sa ibang girlfriends namin.
"Okay, sige, next week nalang ulit tayo magpatuloy, yung mga reporters, be ready." sabi ni Mr.Assimo, professor namin sa Filipino.
"Sir, yung group 3 po ba?" tanong ni Gio Martin, obviously Classmate ko.
"Ay hindi, group 2 nagreport kanina di ba? Baka group 4 na yung sunod!" sabi nito.
"Ah Sir, kailangan po ba may visual aids pa?" tanong ulit nung isa ko pang kaklase, si Murray.
"Ay hindi! Pwede na magsalita nalang kayo ng magsalita sa harap, hiyang hiya naman yung group 1 and 2 sa inyo! Pati na rin mga kaklase niyo! tiyak na tiyak makikinig sila sa inyo! Ang gaganda niyo magsalita ee. Ang lalakas pa." bara nalang ulit ni Sir.
"Sir talaga, malakas boses namin?" sagot pa ulit nito.
"Ay oo! Lalo na kapag nagdadaldalan kayo! Dinig hanggang dun sa kabilang building! Pero kapag nasa harap naman kayo at nagrereport, kulang nalang bigyan namin kayo ng mic para marinig namin maganda niyong boses!" sabi pa ni Sir na mukhang nasusura na. Yung kaklase ko naman, mukhang timang lang, hindi pa magets si Sir na namimilosopo nalang sa kanya.
"Sir, magdadala kayo mic next week?" sabi pa ng kaklase ko ulit.
BOOGSH! Binatukan na siya ni JM, kagroup niya. Kung ako man si JM, pareho lang gagawin ko.
"Ay sige na!!! Hiyang hiya naman ako sayo noh!" sabi ni Sir saka umalis na.
Tawanan ang buong klase kay Murray, pati ako, natawa nalang din.
Lumapit nalang sa kanya si Gio Martin sabay batok din dito at sinabing, "Yan kase! Hilig mo pa magtanong kung ano ano."
"Hiyang hiya rin naman ako sayo noh? Ikaw una nagtanong ee, ginaya lang kita." sabi ni Murray na parang nanlulumo na sa kahihiyan.
"Whahahahaahhahahahahahah!!!!" grabe namang tawa yon! Napatingin nalang kami lahat sa likod, sa tumawa. Si Juliane pala, barkada rin nila.
Alam mo nararamdaman ko ngayon? May libreng comedy show sa harap.
"Makatawa wagas ah!" sabi ni JM.
"Whahahahahahah.. Okay lang yan Murray, that's part of growing up. Tara na, ikain mo nalang iyang kahihiyan mo, baka gutom ka lang. Whahahahahahahaha." sabi ni Juliane habang patuloy pa din sa pagtawa.
"Oh? Talaga? Ang galing pala noh?" sabat na ni Murray. "Sura! Tara na nga!" sabay hatak pa ni Murray yung dalawa at iniwan na si Juliane, pero sumunod din naman na tumatawa pa din.
And that the end of the show, madami pa din tawa ng tawa sa scene na iyon pero nag-umpisa nang umingay at magsilabasan yung iba. Napansin ko naman bigla si Piks, nasa upuan niya lang siya, ni hindi ata nakitawa. Mukhang malayo ang iniisip.
Napagpasyahan kong 'wag nalang din munang umalis, baka kasi matatagalan pa siya dito at makakuha na ako ng tyempo para kausapin siya.
***After 12minutes and 34seconds and 56milliseconds.
Dapat ko na siguro siyang lapitan, konti nalang ang tao dito sa room, wala nang sampu. Kasama na doon ako, siya at si Miles.
"Piks! Tara na!" sigaw ni Miles kay Piks. Medyo napapitlag naman ito, para talaga siyang wala sa sarili.
"Teka!" biglang sigaw ko din. Oh Ow! Biglang napatingin silang dalawa sa akin. Mukhang kailangan ko na talaga siyang kausapin, ito na yung pagkakataon.
Hingang malalim. Malalim na malalim. WOOOH!
"Ahm, pwede bang mag-usap muna tayong dalawa? Saglit lang." sabi ko ng nakayuko kay Piks. Hindi ako makaharap sa kanya, nahihiya ako.
"Yeah, sa tingin ko nga kailangan natin mag-usap, pero hindi tayo lang, isama natin si Miles." sagot niya sa akin.
Mas kinabahan ako. Bakit kailangan kasama pa si Miles? Hindi ba pwede na magkahiwalay muna kahit saglit? Its some kinda private kaya.
"Ha? Ah, okay sige." sabi ko nalang. Ayoko naman i turn down si Miles sa harap niya mismo. Pwede siguro talikuran, joke!
Pumunta nalang kami sa likod ng campus. Sa tabing ilog, may mga benches naman kasi doon at mukhang makakapag-usap naman kami ng maayos. Sana. Hope everything will be okay after this.
**************to be continue**************
BINABASA MO ANG
IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?
Teen FictionA teenage love story? Pagkatuklas sa maraming bagay, LOVE, PRIDE, HAPPINESS, SADNESS, FRIENDSHIP.