N/N: Sounds eng-eng lang.. hahaha.. Boplaks!
Ahm,just want to note, kathang isip lamang po itong lahat. Kung sakali man pong may naipareho sa ibang bagay o kung ano man, at nagkaroon ng maling impormasyon ukol doon, inuulit ko po, kathang isip ko lamang ang isinusulat ko. Naisip ko lang, then, poof! Sinulat ko na. So I think it's okay if I don't mension some detailed infos about the places and dates, etc.
READ>VOTE>COMMENT>FAN>MWAH>TSUPS!
^_^
Photo of Anjanette, Geneve, and sheryl on the side...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 4~Part2~~HE’S A JERK
Piks’ POV
Papunta na akong SM Sta. Mesa para gumala. Lakas kasi makaaya ni Miles ee. Pero ayos lang, bonding na din ito with my classmates.
BUZZ. BUZZ.
BUZZ. BUZZ.
Ayan, nagtext na si Miles.
FROM: Miles
[Piks! I’m here na sa SM. Saan ka na? Intay nalang kita sa McDo ha.]
Okay. Hindi ko na rereplyan, malapit naman na ako. Pero bakit parang may mali, wala siyang ibang kasama? Ahm, wala pa siguro yung iba. Bagal kumilos ng babae ee.
**Sa McDo
Hmmn.. Asan na ba yung mga yon? Rather asan na siya kung wala pa siyang kasama? Hanap. Hanap. Wala naman dito ee! Matawagan na nga, nakakapagod maghanap at maglakad mag-isa noh.
Kringggg..Kring!
Kringggg..Kring!
Kringggg..Kring!
Kringggg..Kring!
Aba! Ubod ng tagal naman sagutin! Naiinip na ako.
Kringggg..Kring!
Kringggg..Kring!
“Hello Piks,”sawakas sinagot din!
“saan –“ sabi niya sa kabilang linya pero hindi ko na siya pinatapos.
“Hoy bruha! Nandito na ako sa SM. Asan ba kayo? Andito na ako sa McDo, hindi ko kayo makita tapos ang tagal mo pa sagutin itong tawag! Nako!” iritang iritang irita kong tanong sa kanya.
“Ah, sorry >_< di ko kasi narinig yung phone. Andito ako sa Jolibee, sa pinakaloob pa. Lalabas nalang ako.” sabi niya. Jolibee? Eh ang text niya sa McDo ah. Malayo layo pa iyon ditto, lalakad na naman ako? Hay…
“Bakit ka nandyan? Akala ko ba McDo? Saka bakit ikaw lang? Asan yung ibang gurls?” sabi ko na irita pa din. Aba! Sino ba naming hindi maiirita di ba? Ang tinext McDo tapos nung nasa McDo ka na, sasabihing nasa Jolibee. Aba lintek!
“Ah..Ah..Ahm,” sabi niya na parang hindi alam ang sasabihin.
“ANO?!” tanong ko ulit ng pasigaw. Aba. Nasusura na kaya talaga ako nagmadali ako pumunta dito tapos wala pa pala yung iba.
“Hindi daw sila pwede ee. May kanya-kanyang lakad. Lalabas nalang na ako dito sa Jolibee. Kita tayo sa labas nito.” Sabi niya. Ayos ah. Hindi manlang sinabi sa akin na ako lang pala naya niya, dapat pala kanina palang tinanong ko na kung sino-sino kasama. =_= At ito pa, ako talaga ang pupunta na naman sa kanya.
“Hay.. Ano ba yan!” sabi ko ng mahina pero enough na para marinig niya at pinatay ko na din yung tawag.
Ano pa nga bang magagawa ko? Ako yung sumunod lang ee at ako ang lalaki, makapunta na ngang Jolibee.
***Sa tapat ng Jolibee
Buti hindi masyadong madaming tao ngayon dito, mas madali hanapin yung bruhang iyon, sabi niya naman lalabas na siya.
At ayun siya, nakatayo at palingon lingon, nang bigla siyang napahinto ng tingin sa isang direksyon at medyo gulat ang ekspreyon ng mukha niya. Napatingin na din tuloy ako kung saan siya nakatingin.
That guy. Jeth. Kissing a girl in public. Di na nahiya. At mukha matagal na sila sa sitwasyong iyon ah, medyo madami nang nakatingin sa kanila ee. Hindi na ba sila ni Phine?
“Piks!” sigaw ni bruha. Napalingon na ako sa kanya.
“Oh. Hanep yung lalaki noh? PDA much.” Sabi ni Miles.
“Oo, hanep talaga siya, parasite.” nasabi ko nang mahina. Anu ba iyan, kung ano ano nalang talaga minsan lumalabas sa bibig ko.
“Ano yun sabi mo?”tanong niya. Hindi niya narinig. Buti naman.
“Ah wala, kumain ka na ba lunch?” pag-iiba ko ng usapan, saka gutom na din ako. Lunch time na kaya.
“Ahm,hindi pa. Hindi pa. Tara kain tayo!” energetic niyang sabi sabay pulupot ng braso niya sa braso ko at hila sa akin.
“Wait, saan tayo kakain?” tanong ko habang tinatanggal ang malaahas niyang braso. Makahatak naman kasi akala mo kami. Like duh! Hindi ko siya type.
“Kenny Rogers nalang tayo!” hatak niya ulit sa akin. Okay. Lakad lakad na naman. Hindi ko na tinanggal braso niya, ayaw matanggal ee, kung ayaw, eh di wag! Aalisin din naman niya yan mamaya, hindi naman siya habang buhay nakapulupot sa akin.
***After 2hours
Tapos na kami kumain, andito naman kami ngayon sa National Bookstore. Bibili kami columnar at ledger para sa subject naming Fundamentals of Accounting pati na din index cards, halos lahat kasi ng subject namin nagpapapasa ng index cards plus picture daw para madali kami maalala ng professors namin.
Habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng columnar, nakita namin si Kikka, bibili din siguro nun. Pero teka, akala ko ba may kanya kanyang lakad? Ito ba yung lakad ni Kikka? Dito rin ang punta? Bakit hindi pa siya sumama sa amin.
“Huy!” tawag ko sa kanya na mukhang nagulat ata siya ng bongga. Nabitawan ba naman lahat ng hawak ee. Mga ballpen at columnar and ledgers.
“Ay! Ano ba. Bakit ka naman nanggugulat. Saka andito pala kayo? Kayong dalawa lang? What’s this? De---“ sabi ni Kikka habang pinupulot ang nalalaglag niya at biglang tinakpan ni Miles ang bibig niya.
I knew it. Pinlano ‘to Miles na kaming dalawa lang.
“Di ba sabi mo sa akin kanina, may lakad ka kaya hindi ka makakasama.” Sabi ni Miles sa kanya habang takip takip pa din nito ang bibig ni Kikka na para bang sinasabi dito na “sumakay ka nalang”.
“Miles, stop that. I kew it already, huli ka na ee. Bitiwan mo na si Kikka.” Sabi ko na medyo inis pero okay lang din naman sa akin, andito na kami ee, saka pwede ko naman na siyang iwan ngayon, kay Kikka nalang ako sasama. Hahaha.
Binitawan na din siya ni Miles.
“Sorry.” Sabi ni miles sa akin. Sa akin talaga ha? Kay Kikka nalang. Mukhang hindi siya makahinga kanina sa ginawa nito ee.
“Kay Kikka ka magsorry, tignan mo ginawa mo oh!” turo ko kay Kikka na mukhang hinihingal.
“Sorry Kikka.” Sabi ni Miles. Ayan! Very good!
“Okay lang.” sabi ni Kikka na medyo nakarecover naman na sa ginawa sa kanya ni Miles.
“Kikka, may kasama ka ba? Sino?” tanong ko. Kung wala itong kasama. Ako nalang! I volunteer myself ateng!
“Andito ka lang pala.” Sabi ng isang lalaki sa likod ko. Napalingon naman ako agad at nakita ko siya. Si Jeth. Siya na naman. He’s such a jerk.
***************to be continue***************
THANKS TALAGA SA MGA NAGBABASA T_T tears of joy T_T
BINABASA MO ANG
IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?
Teen FictionA teenage love story? Pagkatuklas sa maraming bagay, LOVE, PRIDE, HAPPINESS, SADNESS, FRIENDSHIP.