CHAPTER 5

124 6 4
  • Dedicated kay Angelica Mendoza
                                    

N/N: Unti-unting dumadami ang nagbabasa kaya mas ginaganahan na akong magsulat at ipagpatuloy it.. salamat!!!!

READ>VOTE>FAN>COMMENT>FAN>PARTY>CELEBRATE> AND DO WHAT EVER YOU WANT!

~~(^_^~~)

 Picture of Rachell and Angelica on the side...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 5 ~~~ IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?

Kikka's POV

"Andito ka lang pala." sabi ni Jeth na nasa likod ni Piks na kasunod na rin ng pagharap nito sa kanya.

Hala! Paktay na. Ayaw ni Piks sumama ako dito kay Jeth ee, malamang magalit o mainis siya sa akin >_< Do something Kikka! Do something!

"Ah..Ah.. Piks, si Jeth kasama ko, nagkakita lang kami kanina dyan sa labas nitong National habang papasok ako. Saka maghihiwalay na din naman kami mamaya ee, pagkabili ko, pauwi na din naman siya, sinamahan niya lang ako bumili kasi siya mas may alam sa ganitong mga kailangan natin for accounting." paliwanag ko pa ng mahaba kay Piks. 2nd year na kasi si Jeth.

"Ah, ayos pala ee." sarkastikong tonong sagot ni Piks sa akin pero nakatingin siya ng masama kay Jeth. Saka niya hinatak na si Miles at may sinabi pa siya ng mahina noong pagdaan sa akin.

"I told you, 'wag ka masyado maglalalapit sa kanya, bahala ka." bulong niya sa akin ng mabilis.

"BYE!" habol pa ni Miles habang patuloy na hinatak na siya palabas.

Ako? Wala, natunganga nalang sabay paalam na kay Jeth na uuwi na ako pagkabili ko ng gamit.

GOD! I feel guilty >_< pero bakit? wala naman akong ginagawang masama ah... Is Jeth too dangerous? At kailangan ko talaga siyang layuan? Well, now I think I have to, malalaman ko din sa tamang panahon kung bakit. Haixt...

******

YAWN! Aga ng pasok today >_< It's Satuday! Last day ng pasok for the week pero itong araw yung sinasabi nilang kasumpa sumpa daw at para kang binibitay...

Today is the day that we're having a 6hours subject! Just imaging, 6hours? Yung 1hour na subject nung highschool halos buryong na buryong na ako sa nangyayari, ito pa kayang 6hours? Ow.Em.Gee!

Makabangon na nga at makapag-ayos na. Baka malate pa ako for that 6hours. Sana hindi talaga 6hours yun tapos sana may breaktime. I don't have time to eat my breakfast na ee.

****

"Ma! Alis na po ako! Malelate na ako ee." sigaw ko habang tumatakbo palabas ng bahay namin.

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang maidlip habang nag-iinit ako ng tubig pampaligo? T_T Dahil naidlip ako, late na talaga ako nito!!! Kailangan ko nang bilisan talaga.

Para ng jeep.

Sakap ng jeep.

Upo sa jeep.

Bayad sa jeep.

Abot ng bayad ng kasabay sa jeep.

Abot ulit ng bayad bg kasbay sa jeep.

Abot ng sukli ng kasabay sa jeep.

Para kay manong driver ng jeep.

Baba sa jeep.

Sa wakas! I'm here na sa PUP.

Takbo takbo din pag may time.

WHOOOSH!

Nasa harap na ako ng gate.. Whot da??? May pila pa T_T Checking ng ID isa-isa T_T

IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon