Phine’s POV
Nagising nalang ako na nakahiga at nasa gilid ko si PJ.
Nakatulog na siguro ako kakaiyak kanina.
Anong oras na ba?
“Gosh!” 8pm na. Andito pa din si PJ. Tiyak papagalitan na siya ni tita kapag hindi pa siya umuwi. Saka pauwi na din sila Mom.
“PJ???! Uy. Gising ka na. Kailangan mo nang umuwi. UY!” paggising ko sa kanya.
“AY SYEMAY! Ay, sorry Phine, nakatulog na pala ako. Nakakainggit ka ee, sarap ng tulog mo, lakas pa din humilik.” sabi niya na tonong tatawa-tawa pa pero hindi tuumitingin sa akin.
“Kapal ha! May malakas ka pa nga humilik sa akin, kaya nga nagising na ako. Sarap pa naman nga ng tulog ko.” pagbibiro ko din.
Humarap naman na din siya na kita ang pag-aalala sa kanyang mukha, “Hay… ang panget mo na. Iyak ka kasi ng iyak.” sabi niya sa akin habang pinupunasan ang pisngi ko.
“Ano ka ba. Okay na ako. Kaya umuwi ka na, tiyak hinahanap ka na sa inyo.” sabi ko sabay ng pagtanggal na ng kamay niya sa mukha ko.
Laging ganyan si PJ, inaalala ako. Kaya din siguro naging close kami.
Miss ko na siya, yung ganitong pag-aalala niya.
Nag-umpisa kasi siyang lumayo nung naging kami na ni Jeth.
Nagselos siguro, although hindi ko naman siya ineetchapwera noon pero iba kasi si Jeth, mahal ko siya. Sobra.
Ano bay an, naiiyak na naman ako.
“Oh? Akala ko ba okay ka na? Eh paiyak ka na naman ah. Tsk tsk. Samahan nalang muna kita hanggang pagdating ni tita, tawagan ko nalang si Mama.” sabi niya.
“Hindi. H’wg. Okay na ako. Promise!” sabi ko sabay ngiti ng malaki. ^u^
“Hay.. tingin mo ba maiiwan kita ng ganyan ka? Nako nako! Basta hindi ako aalis dito.” Sabi niya sabay lakad palabas ng kwarto ko.
“Eh? Saan ka pupunta?” sabi ko. Sabi niya kasi hindi siya aalis dib a? o mali ako ng dinig?
“H’wag ka mag-alala, hindi pa ako aalis, magluluto ako pagkain. Hindi ka pa ba nagugutom?” sabi niya habang nakatalikod pero ramdam ko na sinasabi niya iyon ng nakangiti.
“Ah, gutom na din. Tulungan na kita. Wait mo ‘ko.” Sabi ko sabay takbo papunta sa kanya at yakap.
“Oh?!” gulat niya.
“Saglit lang. Miss na kita.” Sabi ko habang nakayakap pero mahina na yung sa bandang dulo, sapat para hindi niya marinig.
“Ano yun? Saglit lang ano?” tanong niya din agad.
“Wala.” Sabi ko pagkakalas nng pagkakayakap ko sa kanya at bilis na paglalakad papunta ng kusina.
BINABASA MO ANG
IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?
Teen FictionA teenage love story? Pagkatuklas sa maraming bagay, LOVE, PRIDE, HAPPINESS, SADNESS, FRIENDSHIP.