CHAPTER 12

40 1 0
                                    

Phine's POV

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Ang sakit na din ng ulo ko.

Kakaiyak siguro.

Ang dami ko pang iniisip.

Mag-iisang taon na sana kami.

Pero wala ee, marami pa daw siyang bagay na gusto pa ayusin at ayaw niya na daw muna ng commitment.

Ang bigat bigat sa kalooban na pakawalan siya.

Pero wala na akong magagawa, ayaw niya na ee.

Sabi niya nalang sa akin.

Kung kami talaga para sa isa't isa. Kami.

Hindi lang daw muna ngayon yung panahon na iyon para umpisahan agad namin maging seryoso sa isa't isa.

Maalaga siya sa akin dati, lalo na nung panahon na nililigawan niya ako kahit na kami pa ni PJ noon.

Masyado akong nadala sa sobr sobra niyang pagsuyo sa akin na hindi naman naiibibigay ni PJ kaya nahulog na ang loob ko sa kanya at hiniwalayan ko si PJ.

Pero sa nangyayari ngayon, nagpapasalalamat nalang ako at nandiyan yung apat kong Matalik na kaibigan since high school.

Si Jhoana, Jolina. Jamme, at Jhella.

Alam nila kung paano papaganin ang mga sitwasyon kahit na halos pasan mo na ang daigdig.

Hindi naman sa hindi nila tinatanggap ang mga bagay bagay ng seryoso, sadya lang sigurong hindi sila ng papadala ng sobra sa problema.

Tulad ngayon, hinatid nila ako dito sa bahay tutal mamayang 6pm pa next class namin.

Hinatid nga nila ako, kaya ngayon, nagkakagulo nalang sila dito sa bahay ko. Wala naman kasing ibang tao ngayon dito, ako lang.

Nakakain pa kami ng lunch ng sabay-sabay.

Tinext ko na din si Jeth.

TO: BEY

[Kain ka na po. Andito nga pala sa bahay yung apat na J. Kamusta ka na?]

Message Sent

Nasanay na kasi akong itext siya kapag ganitong kakain ako at pinipilit ko iyong pahabain. Kahit na hindi na siyang masyadong nagrereply sa akin, araw-araw ko pa din siyang tinetext.

Bey pangalan niya sa phone ko kasi Bey-Bhie tawagan namin. Bey tawag ko sa kanya, Bhie naman siya sa akin.

BUZZ.BUZZ.

May nagtext. Sana siya.

Pagtingin ko sa phone ko,

1MessageReceived from BEY

Agad kio itong binuksan. Naexcite ako. Tila nagskippa sa pagtibok ang puso ko.

FROM:BEY

['WAG MO NA AKONG ITEXT PARA HINDI KA NA LALO MAHIRAPAN.

BUSY DIN AKO> WALA AKONG ORAS PARA SA MGA TEXT MO.]

ouch lang. Yung taong mahal mo, itetext ka ng ganyan, anong feeling?

Pagkabasa ko niyan ay agad akong pumunta ng kwarto.

Dumapa sa higaan ko at saka nalang biglang lumabas si taksil na luha.

Hindi ko mapigilan pero napahagulgol nalang din ako at may konting mga lumalabas na ingay mula sa bibig ko na hindi ko talaga mapigilan.

"Phine! Bakit ka umiiyak? Nako! Nakakapanget 'yan!" sabi ni Jhella sa akin.

"Oo nga! Nako! Malapit na pa mag 6pm, hindi ka namin maiiwan mag-isa ng ganyan ka." sabi ni Jamme

"Ano bang nangyari?" sabi naman ni Jolina

"Si Jeth na naman ba?" sabi ni Jhoana.

Oo, ganyan yan! Kapag nagsalita ang isa. transition na at sunod sunod sila may sasabihin.

Ako naman, wala nalang nasabi, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko nasalita.

Tila nauubusan ako ng hininga kapag may sasabihin na ako.

Iniabot ko nalang kay Jolina yung phone ko. Alam ko naiintindihan niya na iyon.

Agad niya itong binasa.

"Jhoana, tawagan mo si PJ, sabihin mo sa kanya nalang itong si Phine." sabi bigla ni Jolina.

Hindi pa din ako makapagsalita. Mabigat na mabigat na talaga pakiramdam ko. Para akong lalagnatin na ewan.

"Sige, tawagan ko, siya na muna magbantay dito." sabi ni Jhoana.

At nakita kong parang may tinatawagan na nga sa phone si Jhoana pero saglit lang. Baka pinaglololoko lang ako nito.

Mga ilang minuto pa ang lumipas habang pinapatahan na nila ako na ewan ko ba, parang mas lalo pa akong naiiyak kasi naalala ko lahat.

Nag-aya na si Jamme na pumasok na. Sa UST kami nag-aaral. Malapit lang namann dito pero 5:45pm na kasi. Wala nna din namang dumating na PJ kaya pinilit kong tumahan nalang para hindi na nila ako alalahanin at makapasok na sila.

"Wait, CR muna ako. 'Wag niyo ko iwan ha." sabi ni Jhella dahil nagsisipag-ayusan na din sila ng gamit.

Maya-maya, pumasok si Jamme na may dalang marsmallows, galing sa ref, akin yun ee.

"Phine, penge ah."sabi ni Jamme sa akin.

"'Wag! " sabi naman ni Jolina sabay hablot dito at takbo palabas. "Alis na kami ah.. BYE!" sabi pa nnito habang tumatakbo.

"JOLINA!" sabi ni Jamme habang hinahabol niya ito.

Parang may narinig akong nag-uusap sa labas pero hindi ko nalang na pinansin, baka si Jhella lang yun nakisali sa habulan.

"JAMME! 'Wag mo ko iwan!" sigaw ni Jhella.

Haixt.. Okay, aalis na sila. Matutulog nalang na ako.

"Jhoana, salamat sa paghatid ah, ge, ingat kayo. Matutulog nalang na ako." sabi ko kay Jhoana na siya nalang na natira sa kwarto ko.

"Sige, Ingat ka ha. Higa ka na maayos." pagkasabi niya non ay nahiga na din ako agad. Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko.

Yung mata ko mabigat na din agad kaya pakiramdam ko ay makakatulog na din ako agad. Salamat naman.

************to be continue*************

N/N: I did it sa fast as I can para hindi masyadong pabitin yung naging pagputol ng pagkakahol ko muna dito.

So ayan yung part na habang papunta si Piks.

Next time ko na ieedit kapag mas marami na akong oras.

THANKS FOR READING!

IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon