CHAPTER 11

42 2 2
  • Dedicated kay Jhoana Aviso
                                    

 Photo of Jhoana, Jolina, Jamme, and Jhella on the side...

CHAPTER 11 ~~~ THIS GIRL

Piks' POV

Kinakausap ako ng Call Boys tungkol sa DOTA na ewan ko kung ano talaga pinag-uusapan nila kasi ewan ha, pero hindi ako marunong non, hindi ako naglalaro non. Ako nalang ata ang lalaki na hindi marunong maglaro ng dota ee. Ayoko din naman, wala sa hilig ko ang paglalaro.

"Guys, alis muna kami ah, girls' thing" sabi ni Miles sabay hinahatak niya na si Kikka. Siguro itutuloy niya na yung pagpapaliwanag dito, nahinto kasi nung dumating na ang mga asungot na ito. Hindi din naman nila pwedeng dito nalang pag-usapan iyon.

Gusto ko sana silang pigilan at sasama ako kaya lang. Baka isipin nitong mga lalaking 'to ay bakla ako kapag sumama ako sa kanila. Sabi nga ni Miles di ba? GIRLS' THING daw. Haixt. Bakit ba kasi iyon pa dinahilan niya.

Maya-maya nagkaayaan na rin ang Call Boys na umakyat na sa room dahil magtatime na para sa next class namin. Sumabay na din ako. Nasa bandang likod nila ako non kasi naOOP talaga ako sa usapan.

~~God gave me you to show me what's real, there's more to life..~~

"Sino 'to?" nasabi ko nalang ng makita kong may tumatawag sa phone ko.

"Sagutin mo para malaman mo." sabi ni Jonnie sa akin. Nakatingin na pala sa akin ang Call Boys. Nadinig siguro yung may tumatawag sa akin o baka yung boses ko, ay ewan.

"Ah," sabi ko nalang. Sabay sagot sa phone.

"Hello? Sino po ito?" sabi ko.

"Hello po, ikaw po ba si Pixel James?" sabi ng nasa kabilang linya.. Eh? Stalker ko ba 'to? Boses lalaki ee, or tibo, ganon.

"Ah, Yes, Why?" sabi ko nalang, kunwari pasweet.

"Ah, ako si Jhoana, friend ni Phine. Pwede ka bang magpunta dito sa kanila ngayon? Iyak kasi siya ng iyak ee, alam kong malapit ka sa kanya. Paki naman oh. Wala din kasi siyang ibang kasama dito sa bahay niya at aalis na din ako." sabi ni Jhoana daw? Jhoana? Ibigsabihin babae ito? Nagpasweet voice pa ako pero babae pala. Chos!

Teka, nawala na ako, ano ngang sabi niya? Friend siya ni Phine? Tsk. At magpunta ako doon? Iyak ng iyak?

"Ah, Guys!" sigaw ko sa Call Boys. "Mauna na kayo, may emergency sa bahay ee. Pakisabi nalang sa prof natin. Salamat!" sabi ko nalang sabay talikod na at pababa na ulit.

"Ah, hello?" sabi sa kabilang linya. Ay, shet, di ko pa nga pala napapatay.

"Ah, hello." nasabi ko nalang din =_=

"Ahm, pupunta ka na dito?" sabi ni Jhoana.

"Ah, oo. 'Wag mo nalang muna siya iwan hangga't di pa ako dumararing, mabilis lang naman byahe ko." sabi ko habang lakad-takbo na.

"Ah, Okay. Pakibilisan nalang po, 6pm kasi klase ko." sabi niya. At sinabi niya pa talaga oras ng klase niya noh? As if I care. Ang impportante ngayon ay si Phine.

"Okay." sabay baba ko na sa tawag.

Pagdating ko sa bahay nila Phine, nasa labas palang ako ay dinig ko na ang hagulgol niya. GOD! What the hell happened?!

Dumiretso na ako agad sa loob ng walang katok katok. Buti hindi nakalock yung pinto.

BOOGSH!

"Ouch!" sabi ng nakabunggo ko pagpasok.

"Ay, sorry Miss. Ikaw ba si Jhoana? Nasan si Phine? Bakit siya umiiyak?" sabi ko.

"Teka kuya, ang dami mong tanong. First of all, hindi ako si Jhoana, ako so Jolina. Pangalawa, nandun si Phine sa kwarto niya sa taas kasama si Jhoana. Pangatlo, ayoko na sagutin yung pangatlo dahil nakalimutan ko na yung tanong mo. Nagmamadali na ako kuya, padaan!" sabi nung babae na Jolina daw? Infairness, maganda yun ah. Tumakbo na din siya agad pagkatapos niya sabihin yan.

Napatingin akong maigi sa bahay, halos walang pinagbago. Ganon pa din.

"JOLINA!" sigaw ng isang babae galing sa loob ng kwarto ni Phine.

Tumakbo na agad ako papunta don at dirediretso na din sa pagbukas ng pinto.

BOOGSH!

"Ouch!"sabi na naman ng isang babaeng nakauntugan ko na naman. =_=

"Ay sorry Miss. Ikaw ba si Jhoana? Bakit umiiyak si Phine? Nasan siya?" sabi ko. Hindi ko kasi makita pa dito si Phine. Pagpasok kasi ng kwarto niya, parang another bahay pa.

"Ah, andun sa loob, pumasok ka nalang. At hidi ako si Jhoana! Ako si Jamme! Padaan nga! May hinahabol akong bwiset ee!" sabi nito at tumakbo na. Kaboses niya yung sumigaw kanina, malamang siya na iyon. Infairness, maganda din ha.

"JAMME! 'WAG MO KO IWAN!" sabi ng isa pang babae na naman. Yung totoo? Bakit pa ako nagpunta dito? Ang dami naman palang ibang tao. =_=

Pumasok na ako ng dahan dahan sa isang pinto kung saan nagmula yung sigaw. Medyo nagbago na itong kwarto niya. Mas lumaki ata? O baka nakalimutan ko nalang yung mismong itsura dati.

Kumatok muna ako. "Phine? Nandiyan ka ba?" sabi ko habang nakadikit yung tenga ko sa pintuan.

"WAH! Hindi po ako si Phine! Jhella is my name. Saka wala siya dito. CR po ito kuya, 'wag kang papasok!" sabi nung babae. Ay tungabels lang. CR pala iyon. Wala naman kasing CR dati ang kwarto ni Phine. =_=

"Ay, sorry po." sabi ko sabay lipat sa isa pang pinto.

"Ito na siguro iyon." sabi ko nalang nung nasa tapat na ako ng isang pinto na halos kamukha lang sa kanina. Hindi kasi mukhang pang CR yung pinto kanina, nagkamali pa tuloy ako.

Kumatok ako ulit para masigurado.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na naman? Pang-ilang babae na ito? Pang-apat? Ito na siguro si Jhoana.

"Ikaw si Jhoana?" sabi ko nalang muna.  Medyo nanghina na ako sa mga pinaggagagawa.

"Ah, oo, ikaw si Pixel James? Andun si Phine sa higaan. Paki nalang. Aalis na kami, sabiihin nalang namin sa prof na may sakit si Phine. Salamat." sabi nito at umalis na din kasama yung isa pang babae na galing CR.

Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto, nakita ko doon si Phine, nakadapa siya sa kama at humihikbi. Kaya pala nawala na yung ingay ng iyak niya nung pagpasok ko.

"Phine? Ako 'to, si PJ." sabi ko. PJ kasi tawag niya sa akin dati.

"hik. hik. hik." sabi lang nito. Eh?

Hinawakan ko ang balikat niya pero hindi pa din siya gumagalaw. Sinibukan ko na siya iikot, para makita ko ang mukha niya.

Humihikbi pa rin siya.

Madali ko lang siyang naiikot. Tulog siya. Nakatulog siguro kakaiyak. Kitang kita ko pa ang luha sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng galit. Inis. At awa ata ito? Ewan. Parang gusto ko nang malaman ang dahilang ng pag-iyak niya at ng maiganti ko siya.

Babantayan ko nalang muna siya sa ngayon. Hindtayin ko nalang siyang magising.

****************to be continue***************

N/N: Magiging matagal na po ako mag-update. Busy days na kasi para sa akin. Hell week pa. Sana maintindihan niyo ako. Pero I'll try my best na makapag-update kapag may time.

Pati..pati...sorry kung panget updates T_T kulang sa inspirayon si Nicole.

THANKS FOR READING!

IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon