N/N: Ayieh! Update nanaman ako ng another chapie ^_^
Sana may magread pa... Thanks!
Picture of Miles on the side...
CHAPTER 4~Part1~~ HE’S A JERK
Miles’ POV
Yipee! Gotcha Piks already! We’re having a date at SM Sta. Mesa! Akala ko nung una ayaw niya ee, para kasing tamad na tamad siya magsalita, yun pala kakagising lang. Anyway, ano ba magandang isuot? Hanap. Hanap. Hanap. Gotcha! Itong off-shoulder na brown nalang isusuot ko saka maong shorts. Makaligo na nga at mag-ayos!
***After 20minutes
“Dade! Punta lang akong SM, may bibilin lang para sa school.” paliwanag a.k.a. palusot ko kay daddy, at oo, ganyan ako magpaalam sa kanya, nakaayos na ako at lahat saka ko lang ipapaalam na aalis ako.
“Sinong kasama mo? Ito pera oh. Mag-ingat ha?” tanong niya habang nagsusuot ako ng sandals at abot sa akin ng 500 peso bill.
“Ahm, classmates ko.” palusot ko ulit, alam ko kasi hindi ako papayagan nito kapag nalamang isang lalaki lang kasama ko.
“Ah, sige po dade, alis na ako ah.” sabi ko sa kanya habang naglalakad na papuntang pinto at kumakaway.
“Sige! Uwi maaga anak ha?” habol niya. Daming bilin ni ama >_< pero salamat sa pera. Wuhahaha..
Hindi naman ako magastos na anak, kaya free lang siyang bigyan ako ng pera kapag meron. Alam ko naman limitation ng pera ko na dapat ‘wag ubusin lahat kapag meron, I have my savings account na nga ee, pero hindi nila alam iyon, hindi naman din kasi nagtatanong kung saan napupunta pera ko. He trust me that much pagdating sa pera.
That’s also why I took Accountancy as a course, yung tiwala ni Daddy ang puhunan ko at alam kong kapag nagging CPA na ako, hindi lang si Daddy ang magtitiwala sa akin ng ganoon ^_^ kundi pati na din ang pagtatrabahuhan ko.
“Mah! Para po dyan lang sa SM!” sigaw ko. Andito na pala ako sa SM. Nasobrahan ata ako sa daydream na pagiging CPA.
Bumaba na ako ng jeep. Papasok na muna ako SM, makatambay muna sa McDo at maitext na si Piks.
TO: CRUSHY
[Piks! I’m here na sa SM. Saan ka na? Intay nalang kita sa McDo ha.]
SEND
>>Message Sent!<<
TUGS!
Ooops.. May nabunggo akong babae at puntik nang matapon ang hawak niya. Nagtetext kasi habang naglalakad ee. >_<
“Ah, sorry po ate.” Sabi ko dun sa babae na nabunggo ko.
“Sorry? That’s how you say sorry? Paano kung natapon itong hawak ko?” galit niyang sabi sa akin.
Medyo nahiya naman ako. May pagkaiskandalosa pa itong nakabunggo ko. Oh no! “Sorry po talaga. ‘Di ko naman po sinasadya.” paliwanag ko ng mahinahon.
“Sorry sorry. Kung lahat ng bagay na hindi sinasadya ay madadaan sa sorry ---“ naputol niyang sabi dahil may dumating na gwapong lalaki. Oo, gwapo.
“Oh? What happened? Ang tagal mo kaya sinundan na kita.” Sabi nung gwapong lalaki doon sa babaeng magalit.
“Ahm, ito kasing babae na ito, binunggo ako.” Sabi nung babae dun sa gwapong lalaki habang nakatingin na akala mo ay pagkabait bait at siya ay apina-api.
“Ah, hindi ko naman po sinasadya” sabi ko.
“Okay” sabi sa akin ni gwapo. Yun na yon?
“Ah, ako na magdadala niyan” sabi niya dun sa babae sabay kuha nung hawak nito.
“Thanks Jeth” sabi nung babae with her ugly smile. Chos! Landi lang.
Ako naman, wala, natameme na ako dito. Nakakahiya lang. Sa Jolibee na nga lang ako.
Okay. Order muna cokefloat at dun na makaupo sa pinakaloob para medyo malayo sa kung ano mang kahihiyan sa labas.
~~~In the middle of the pouring rain, on a crowded subway train. When I’m just about to go insane, you make it go away.~~~
Ganda nung kanta. Medyo nawala na sa isip ko yung nakakahiyang nangyari.. Favorite ko yan ee, Better With You by Kris Allen.
~~~Monday morning in the traffic jam and I’m going to be late again. The world is getting underneath my skin, I see you smiling and everything will be okay…Wherever I go, whatever I do, stay by my side ‘cause baby it’s always better with you. Girl,---
Natauhan ako. Ringtone ko yun ah.. >_< Halungkat ng cp sa bag. Gotcha! Si Piks.
“Hello Piks, saan -–“ naputol ko nang sabi.
“Hoy bruha! Nandito na ako sa SM. Asan ba kayo? Andito na ako sa McDo, hindi ko kayo makita tapos ang tagal mo pa sagutin itong tawag! Nako!” irritable niyang tanong.
“Ah, sorry >_< di ko kasi narinig yung phone. Andito ako sa Jolibee, sa pinakaloob pa. Lalabas nalang ako.” paliwanag ko sa kanya.
“Bakit ka nandyan? Akala ko ba McDo? Saka bakit ikaw lang? Asan yung ibang gurls?” irritable niya pa ding tanong.
“Ah..Ah..Ahm,” di ko alam sasabihin ko. Nakakahiya yung kanina tapos ang alam niya kasi hindi lang kaming dalawa ang gagala ngayon.
“ANO?!” sigaw niya. Patay!
“Hindi daw sila pwede ee. May kanya-kanyang lakad. Lalabas nalang na ako dito sa Jolibee. Kita tayo sa labas nito.” yes! Basta palusot, ang galing ko.
“Hay.. Ano ba yan!” sabi niya ng mahina sabay end niya na ng call.
Inubos ko na muna yung cokefloat at lumabas na ako. Tingin tingin sa paligid. Hanap kay Piks. Nang may nakakuha ng atensyon ko. A man and woman kissing. Wow ha! PDA much. Pero teka, hmmn.. parang kilala ko yung lalaki na iyon ah. Ah! Siya yung kasama nung nakabunggo ko kanina sa McDo. Pero iba yung girl ee, hindi siya yung kanina.
****************to be continue****************
READ>VOTE>COMMENT>FAN> AT KAHIT ANO PA.. ~~(^_^~~)
thanks! (~~^_^)~~
BINABASA MO ANG
IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?
Teen FictionA teenage love story? Pagkatuklas sa maraming bagay, LOVE, PRIDE, HAPPINESS, SADNESS, FRIENDSHIP.