CHAPTER 10 ~~~
Miles' POV
"Uhm, Kikka, hindi pa kasi ako tapos sa mga dapat ko sabihin sayo ee, siguro magandang pagpatuloy muna natin itong pag-uusap natin sa ibang lugar." sabi ko kay Kikka na mukhang timang na namis-interpret ata yung sinabi ko kanina. Mukhang mas marami akong dapat ipaliwanag ngayon, sa itsura niya kasi ngayon habang nakatingin kila Piks my love ay parang nandidiri siya dito na super shock at parang gustong awatin ang Call Boys sa ginagawa nila.
"Ha?! Ano 'yon?" tanong niya. Tignan mo na (=_=) parang nawala na din siya sa sarili.
"Mag-usap tayo sa ibang lugar." sabi ko ulit.
"Ha? Bakit?" sabi niya ulit. Naknangteteng naman Kikka oh!
Dahil naiinis na ako na ako sa nagiging reaksyon niya, hinatak ko nalang siya.
"Guys, alis muna kami ah, girls' thing" sabi ko sabay kindat ko nalang kay Piks my love.
Tuluyan nalang na kaming umalis doon sa kinalalagyan ng boys at naglakad nalang kami papuntang oval. Doon ko nalang siya sa bleachers sa oval dadalhin at kakausapin.
Pagdating namin ng oval, pinili ko na sa bandang baba nalang kami. Aba! Paano kung bigla maghisterical 'to dito pagkatapos ng mga sasabihin ko diba.
"Miles, paanong nangyari na si ... si ... si Jeth ay pumatol kay Pixel? Pumapatol sa bakla si Jeth? Mukhang dapat ko na nga siyang layuan. Kahit kanino pala ay pinapatulan niya, I mean, hindi para sabihing dapat hindi patulan si Piks, pero kasi, alam mo naman di ba? Ang gwapo ni Jeth para---" sabi nito sa akin ng harap harapan, as in eye to eye kami at seryosong seryoso ang itsura at mukha pa ring na-shock talaga.
"Whahahahahahah. Whahahahaha.. PSSSHT. Whahahahahaha! PSSSHT! Whahaha. Psshh! PSSShtt!" tawang tawa na talaga ako ee, kanina pa ko pigil na pigil habang seryoso siya nagsasalita at nag-eexplain sa akin. Alam ko naman may pagkamalamya si Piks, pero I know, definitely know, HINDI SIYA BAKLA!
Napahinto nalang na siya ng pagsasalita nung biglang lumabas na sa bibig ko ang walang humpay na halakhak na pinipilit ko pa rin piinipigilan.
"Uy, namumula ka na! Bakit ka tumatawa?" sabi nito na mukhang seryoso pa din. Pinilit ko na ulit huminto sa pagtawa at pinunasan ko ang luha at luga na halos tumulo na sa akin. Chos lang yung luga >u<
"Ahm, ano kasi.. PSSHT. ano.. PSSHT.. kasi si Piks.. PSSHT.. Whahahahahaahahahah!" di ko talaga mapigilan pa.. Sorry. Alam ko naiintindihan niyo ako, hindi talaga buo ang barkada kapag walang tanga at tawa lang ng tawa.. Whahaahhaahahahhaha...
"OY! Ano ba! May sasabihin ka pa ba o tatawa ka nalang? Kulang isang oras nalang may klase na tayo oh!" sabi ni Kikka na mukhang naasar na. Syempre dapat sabihin ko na din mga dapat ko sabihin bago maghisterical pa ulit ito dito.
"Ehem! Ehem!" syempre inaayos ko muna boses ko, baka puro tawa na naman lumabas sa bibig ko ee. "Uhm, kasi nga Kikka, hindi naman bakla si Piks!" sabi ko nang mabilis.
"Ha? Eh akala ko ba biktima siya ni Jeth?" sabi nito. Gusto niya seryosong usapan, kitang kita ko sa mata niya. Kaya medyo sumeryos na din ako. Medyo lang. Hahahaha.
"Ahm, sa ibang way kasi yung tignan mo, lalaki sila pareho oh, binibigyan mo agad malisya ee." sabi ko. Mukha naman siya gustong makinig nalang.
"Tignan mo, tingin mo bakit mag-aaway ang dalawang lalaki?" tanong ko sa kanya.
"Dahil sa ... dahil sa ... dahil sa ..." sabi niya na patingin tingin pa sa kung saan saan. Tanga lang talaga. "Ah! Dahil sa GG! Yung pinag-uusapan kanina ng Call Boys!" sabi nito nung parang may kumislap sa ulo niya. Yung bumbilya.
"Whahahahhahaha..! Letse ka Kikka! Hindi na tayo makakapag-usap ng matino dito! Kay Piks ka nalang magpakwento, sumasakit na panga ko sayo! Whahahahahahhaha.. Basta 'wag ka nalang maglalalapit kay Jeth, he's definitely a jerk. Sigurado ako. Whahahahahaha!" sabi ko nalang sa kanya at akmang patayo na.
"HOYYYYYY!!!!!!!!" sabi ng isang lalaki mula sa oval, tatlo sila. Tumatakbo. "HOY! HINDI PA KAYO PAPASOK? MAGTA-TIME NA!" sabi ni JM ata ito? Hindi ako matandain sa pangalan ee, basta alam ko lang kaklase ko ito.
Napatayo nalang na kami ni Kikka at dali daling pumunta na sa kanila.
"Tara na! Salamat sinabi niyo. Masyado akong nadala sa kalokohan nitong si Kikka ee, parang tanga lang.. Whahahahahahaha.. Nag-aaway daw ang mga lalaki dahil sa GG! Whahahahha.." tawa pa din ako ng tawa habang si Kikka, poker face na. Naglalakad na kami ngayon papuntang room. 15minutes pa naman kaya lakad nalang. OA kung tatakbo na kami.
"Haaa! Para din pala iyang si Murray! Whahahahaahahaha.." sabi ni GM na tawa na din ng tawa. See? Hindi buo ang barkada kapag walang tanga at tawa ng tawa. GM 'to ee, nakalimutan ko mismong panglan, basta GM, Martin ata yung M, yung G naman hindi ko maalala. Hindi talaga ako matandain sa pangalan.
"Grabe! Ako ba?!" sabi ni Murray. Natawa nalang din ako. Alam na.
"Ay hindi! Sino bang Murray dito? Isip naman diyan!" sabi ni JM kay Murray pero hindi siya tumatawa. Infairness. Serious type ata siya.
Kwentuhan nalang kami ng kwentuhan hanggang makarating ng room, halos lahat nandun na. Professor nalang namain wala. Pagkaupo ko, tinignan ko relo ko, 1 minute bago mag 5pm.
"Andyan na si Ma'am! Andiyan na si Ma'am! Pasok na lahat kung ayaw miyo umuwi ng maaga at aabsent na naman!" sabi nung isa kong kaklase na akala mo bantay sa pintuan.
Dali dali naman nang agad nagsipasok ang lahat. Pero may kulang pa din sa room. Wala pa si Piks my love.
***************to be continue*************
N/N: @Murray, si @Gio may pakana niyang rolle mo XD
Sensya na at maikli pa din ang updates. Type ko yung mga ganyang nakakabitin ee. hahaha...
PS: wala akong maisip na title nitong chapter na ito. Comment lang kung may suggestin then, I will give chredit sa mapipili ko (~~^_^)~~
~~(^_^~~) THANKS FOR READING !
BINABASA MO ANG
IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?
Teen FictionA teenage love story? Pagkatuklas sa maraming bagay, LOVE, PRIDE, HAPPINESS, SADNESS, FRIENDSHIP.