CHAPTER 6

65 3 0
                                    

N/N: Natawa naman ako dun sa mga naglike nung Chap5 na walang kakwentakwenta.. hahaha.. At dahil dyan! Bigyan kayo ng jacket! Joke! Mag-a-update nalang ako palagi ng walang kwenta.. ahahaha. Joke lang ulit. Salamat nalang po.. Subaybayan niyo sana ito hanggang matapos ^_^

CHAPTER 6 ~~~ BOOGSH!

Kikka's POV

Ano ba yan! Nagawa ko pang magjoke sa sarili ko sa ganitong pagkakataon >_< As if naman I love this feeling. I'm just nervous. Sino bang hindi kinakabahan kapag may recitaion di ba? Yung mga nakapaghanda siguro. Nag-advance study. Eh ako? Ngayon lang ako nagbabasa.

"We'll be having an open book recitaion. Ahm,..." sabi ni Ma'am habang palingon lingon.

At biglang nahinto na ang tingin niya sa akin kaya nagkatinginan na kami bigla.

Sa sobrang kaba ko na baka ako ang matawag, inilipat ko nalang ang tingin ko sa libro at nagbasa ng mahina.

"Accounting is a service activity which ---"natigil na ako dahil narinig ko ulit si Ma'am.

"Miss Mauriello, please come here." sabi nito.

Kinakabahan ako ng bonggang bongga! Halos hindi ako makatayo mula sa upuan.

Nang makarating na ako sa harap niya...

"Please get my small red bag at my table in the faculty room."utos niya.

Nakahinga ako ng maluwag.

Uutusan lang pala ako.

Yes! Nakaligtas sa recitation! Yahooo!

Palabas na ako ng room nang muli ay may sinabi siya.

"You may bring you're book together with you so that you may be ready when I call you for recitaion." sabi niya sa akin na may mukhang parang nang-aasar.

What the??? Hindi pa pala ako nakaligtas T_T

"Okay Ma'am" sabi ko at sabay kinuha na ang libro ko at lumabas na nang room.

Naglalakad na ako papuntang faculty. Nasa pinakababa pa iyon, sa paikot na daan nalang ako dumaan para mas madali na makapagbasa ako habang naglalakad.

Wait. Parang may mali. Sa faculty? Di ba kapag faculty room, madaming iba pang professor dun? Ngayon palang ako makakapasok dun ah. May nakalimutan akong itanong dahil sa kaba ko siguro at disappointment...

"Saan kaya doon yung table ni Ma'am?" nasabi ko nalang habang naglalakad pa din. May pagkatanga tanga lang din talaga ako. Miski pangalan ni Ma'am hindi ko alam. Babalik ba ako?

Tama. Babalik nalang ako, I have no aother choice naman ee.

BOOGSH!!!

"Sorry, sorry."sabi ko habang payuko para pulutin ang libro kong nalaglag. May nakabunggo kasi ako nung pagkaikot ko.

BOOGSH!!!

"Ah!" sabi ko nalang ulit nung magkauntugan naman kami. Akmang ppulutin niya din pala yung libro ko.

"Sorry Kikka." sabi nung nakabunggo ko. Kilala niya ako? Sino ba ito?

BOOGSH!!!

"AH!"sabi niya ng mabilis. natamaan ko ata yung baba niya nung paangat na ako ng ulo ko.

"Sorry, di ko sinasadya. Sorry talaga." sabi ko nung hinihimas ko ang ulo ko. Nasaktan din kasi ako. Napakacareless ko naman T_T

Napagpasyahan ko nang tignan ang mukha ng nakabunggo ko ng hindi lang isang beses, kundi tatlo!

"Jeth?"nasabi ko nalang nang mahina. Siya pala.

***************to be continue***************

N/N: Maikling update lang muna.

~~(^_^~~) THANKS FOR READING!

IS THIS WHAT YOU CALL LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon