Chapter V.
"Hello?" - tanong ko pagkasagot ko ng phone ko.
"Hello?! Hello?! Sofie, Iha! Naku!! Ang Daddy mo!!!", sabi ng babae sa kabilang linya.
Di ko naman kilala to a? Bat nya ko kilala? At ano kayang nangyari? Nakakakaba naman tong si Ate.
"Ha? E bakit po? Sino po kayo at ano pong nangyari sa Daddy ko?" - tanong ko sa kausap ko. Nakatingin lang ako kay Amber na nakatingin din sakin.
Nag-aalala din siguro to dahil sa expression ng mukha ko. Hinihintay ko lang yung sagot nung babae sa kabilang linya. Ang tagal nya sumagot ha. Suspense. Ang bilis na kaya ng takbo ng puso ko. Para ng cheetah. Narinig kong bumuntong hininga yung babae.
"Ako si Nadih, kakambal ni Dinah. Yung churchmate mo?", sabi ni Ate. May kakambal pala si Ate Dinah?
"Aah. Hello po! Napatawag po kayo? Tsaka ano pong nangyari sa Daddy ko?" - nag-aalalang tanong ko kay Ate Nadih
"Aah, kalma ka lang ha Iha? Nasa ospital ngayon ang Daddy mo. Nasagasaan sya. Buti na lang nakita sya ni Luke, yung pamangkin ko? Tapos dinala sya sa ospital. Tinawagan kami ni Luke para ipaalam sayo, e etong si Ate Dinah mo, natataranta din kaya ako na ang tumawag sayo." - mahabang eksplenasyon ni Ate Nadih.
"Saan po yung ospital?" - tanong ko.
"Sa Medical City, iha. Nasa ICU sya ngayon."
Bigla na lang pumatak ang luha ko sa pag-aalala. Malubha ang lagay ni Daddy. Pinunasan ko ang luha ko at binaba ko kagad ang phone.
Naglakad na ko papuntang parking lot.
"Teka Sofie, anong nangyari?" - nag-aalalang tanong ni Amber.
"Nasagasaan si Daddy, malubha ang lagay nya. Nasa ospital sya ngayon." - sabi ko sa kanya habang tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. Kailangan kong bilisan. Kailangan kong makita si Daddy. Lord, I'll trust You. Please help Daddy.
...
"Sofie, dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Baka tayo naman ang mabangga. Calm lang. Your Lord is there." - sabi ni Amber sa akin.
"I know He is. I just want to see my Dad as soon as possible. Don't worry, I'll be careful." - sagot ko.
Kung kailan ka pa nagmamadali, saka pa traffic. Ang galing talaga. Naaasar na ako at naluluha. Pero hinde, kaya to. "Lord, help me to reach the hospital as soon as possible.", silent prayer ko.
And then suddenly, bumilis na ang takbo ng mga sasakyan. Assurance that God hears me.
"Thank you. :)" - mahinang sambit ko. Lumakas ang loob ko. Nawala ang takot ko kanina dahil alam kong nandyan si Lord.

BINABASA MO ANG
The Music Hill (Ongoing)
RomanceMahilig ka ba sa music? Mahilig ka ba sa love story? Mahilig ka bang tumawa?! Eto na ang hinahanap mong istorya! Sundan ang nakakalokang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng kakulitan, pinagsama ng bangayan, mauuwi kaya sa pag-iibigan? Himig ng p...