Chapter VIII
Pagpasok ko ng room ni Daddy, nakita kong tulog pa ang aking ama. Hinayaan ko lang sya at kinuha ang laptop ko. Makapag-facebook. :)
Masyado kasi akong naging busy mula nung umuwi ako dito sa pinas.
Okay.
Logging in.
sofiegabriels@mehehe.com
Password: anggandako
Chos! Hahaa! xD
Uy! Daming noti!
"Hey Sofie! Nasa pinas ka pala? Paramdam!"
"Sofie! Pasalubong"
"Sofie! Musta? Amisyu girl!"
"Hey pretty! See you around!"
"Hoy! Magbayad ka na ng utang mo!"
Hala! Anong utang? May naliligaw na comment! Hahahaa! xD
Hmm. Reply reply~
Uy! Daming friend requests. 100! Gravy! Ang dami! Di ko naman kilala. Ignore. Ignore. Ignore. Scroll down.
Until...
Luke Schöner added you as a friend.
Hanep! Nagfe-facebook pala yung mga masusungit na tao?
Accept.
After a few seconds....
Biglang lumabas yung chatbox.
Luke Schöner: Hey!
Sofie Gabriels: Hey!
Luke Schöner: Bye!
Sofie Gabriels: Okay. :)
Ano yon? Papampam lang? Parang baliw lang ah! May pahey-hey pang nalalaman tapos biglang bye? Okay sya ah!
Anyway, manonood na lang ako ng anime. Tonari no Kaibutsu-kun for the win!! :))
Mga 3 hours din ako nanuod. Wala pa yung susunod na episode eh. On going kasi. Parang eto din. xD
"Hello Anak!", pagbati ni Daddy. Nagising na pala sya. Pinatay ko na muna ang laptop.
"Oh Daddy, nagising ka na po pala. Nagising po ba kita?"
"Hindi. Nagising talaga ako."
"Oh, I see. You hungry?"
"Oo anak e. Pero magsi-6 na naman kaya dadating na yung nurse na magdadala ng pagkain ko. Ikaw? Anong kakainin mo?"
"Hmm. Di ko po alam e. Pero dadating po si Amber kaya baka magpabili na lang po ako sa kanya."
"Aah. Osige."
"Na-ospital nga po pala si Luke. Andyan po sya sa kabilang room."
"Ooh?! Napano?"
"Nabangga po. Ang bilis kasi magmaneho kagabi e."
"Naku. E kamusta naman daw ang lagay nya?"
"Okay na po yun. Nakakapagsungit na nga e."
"Aah. Eh bakit may sugat yang daliri mo?"
Tinignan ko ang daliri kong may sugat at itinaas.
"Aah. Eto po ba? E pinaghiwa ko po ng apple si Luke. E dahil nakikipagtalo ako sa kanya at di ako nakatingin sa binabalatan ko, nahiwa po ako."
"Di ka kasi nag-iingat e. Eh san naman galing yang cute na band-aid na yan?"
Ngumiti muna ako at tumingin sa band-aid.

BINABASA MO ANG
The Music Hill (Ongoing)
RomanceMahilig ka ba sa music? Mahilig ka ba sa love story? Mahilig ka bang tumawa?! Eto na ang hinahanap mong istorya! Sundan ang nakakalokang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng kakulitan, pinagsama ng bangayan, mauuwi kaya sa pag-iibigan? Himig ng p...