Chapter 13
Sofie's POV
Patulugin ko muna si Luke. Kelangan pa din nya magpahinga kasi may lagnat sya.
Habang naglalakad ako, napatawa ako bigla.
"Ang harot-harot nya. Hihi."
Dala siguro ng sakit.
Pero kung iisipin, ang hirap naman ng maysakit na mag-isa. Lalo kung mag-isa ka lang sa ganto kalaking bahay.
Kung ako siguro yun, pag kailangan kong pumunta sa kusina, pagapang na. Hahaa!
Pumunta na ko sa kusina at niligpitan na ang mga kinainan namin. Pagkatapos kong magligpit, pinunasan ko na lang yung mga plato at inilagay sa tamang lagayan. Bago ko iwan ang kusina, sinugurado ko munang malinis lahat.
Si Mommy kasi e. Kitchen-sensitive. Kailangan laging malinis ang kusina kaya ayun, nahawa ako. :)
Teka, anong oras na ba??!
Pagtingin ko sa orasan,
"Whuuut??! 9 na?!!"
"Ano ba yan. Gabi na. Kailangan ko ng umuwi."
Hinanap ko ang cellphone ko sa bulsa kaso wala.
"Hala! Nasan na yung phone ko??!"
Pinuntahan ko lahat ng dinaanan ko dito sa baba. Wala. Baka nasa kwarto ni Luke.
Pag umakyat naman ako, baka maistorbo ko eh 30 minutes pa lang yun na tulog.
Eh panong gagawin ko? Kelan ako uuwi? Pano ko tatawagan si Kuya e di ko naman kabisado number non kahit may telephone dito sa baba?
Haish.
Kaso kung umuwi naman ako, kawawa naman si Luke.
Hmmm. Mag-stay na lang nga muna ako. Text ko na lang si Kuya maya-maya. Malamang nag-aalala na yon.
Bumalik ako sa kwarto ni Luke at nakita kong mahimbing na mahimbing syang natutulog.
Tulog ka dyan, hanapin ko lang yung cellphone ko...
Sige, hanapan portion ulit.
Tingin sa may cabinet, wala.
Sa side table, wala.
Sa lamesang isa pa, wala.
Doon, wala.
Dito, wala.
...
Halaaaaaa!!! Nasan na yoooon???!!
Wag magpanic.
Breath in. Breath out.
Kailangan kong makita yon bago tumunog yon dahil tyak tatawag yon sila Kuya dahil gabi na. Pag tumunog yon, siguradong magigising tong si Luke dahil party-party yong ringtone ko eh! Hahaha!
Okay. Hanap. Sige. Iniangat kong konti yung unan ni Luke, baka nandon e. Pero wala.
Wala sa kama nya.
Wala sa kwarto nya.
Wala sa bahay nya.
Nasan na yooooon??!
*put my hands on my head and turn around
"NASAN NA YON??!", sinabi ko nang walang boses.
Waaaaa!! Nagpapanic na ko nang biglang...
Biglang tumunog!!
Waaaaa! Asan ka!?
Kailangan kitang makita bago magising si Luke!
![](https://img.wattpad.com/cover/3105561-288-k783169.jpg)
BINABASA MO ANG
The Music Hill (Ongoing)
RomansaMahilig ka ba sa music? Mahilig ka ba sa love story? Mahilig ka bang tumawa?! Eto na ang hinahanap mong istorya! Sundan ang nakakalokang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng kakulitan, pinagsama ng bangayan, mauuwi kaya sa pag-iibigan? Himig ng p...