9: Trip ni Luke :)

136 6 2
                                    

Chapter IX

"I'm a vampire".

O.o

Tinignan ko lang sya.

"Don't you believe me? I'm really a vampire. A pure one."

OKAY.

Makulit tong tao na to e. Ang kulit e! Kukutusan ko na to. Pigilan nyo ko. Pigilan nyo ko~

Ano daw? Vampire?!

"Yeah. I believe you. I wanna share a secret too....", sabi ko sa kanya habang seryoso akong nakatingin sa kanya at sya din pero halatang natatawa na sya.

"I'm a werewolf. Magkalaban tayo.", sabi ko sa kanya sabay tayo. Aalis na ako ng pigilan nya ako at hinila papunta sa kanya. Nabuwal tuloy ako sa kanya.

"Anak ng! Bitiwan mo nga ako!", sabi ko sa kanya sabay hampas sa kanya.

"Aaaw! Yung mga pasa ko!", sigaw nya.

"Buti nga sayo. Haharasin mo pa ko dito huh!! Napaka-perv mo talaga!!", sabi ko sa kanya.

Tumayo agad ako at inayos ko ang damit ko.

Aalis na ko nang hinawakan na naman nya ang braso ko.

"Don't touch me!", sabi ko sa kanya at inalis ko ang pagkakahawak nya sakin.

"Wait. Teka lang. Halika dito. May dumi ka sa mata.", hinila nya ko papalapit sa kanya at pinayuko ako. Pinunasan nya yung talukap ng kaliwa kong mata ko.

"Teka, bat ang tagal mo magpunas? Gano karami ba yung dumi?", sabi ko. Ang tagal tagal naman nito.

"Sangkaterba e!", sabi nya at nagpipigil na naman ng tawa. Ang daming trip talaga nitong lalaking to.

"Teka! Pinagtitripan mo na naman ako e! Bahala ka nga dyan! Nakakainis ka!!"

Walk-out syempre ako. Di ba nya talaga ako titigilan? Ang lakas ng trip nya! Vampire?! Nababaliw na ata talaga sya. Tapos dumi sa mata? Ang tagal tanggalin? Ano ba yun? Baliw na talaga sya! Naapektuhan na ang utak nya!! Kainiisss!! >.<

Isinara ko nang malakas ang pinto nya at pagkasara ko, narinig ko pang tawa ng tawa yung langaw na yon.

"Baliiiiiwwww!!!", sigaw ko sa kanya. Nagtinginan naman sakin yung mga tao at nurse sa hallway. Like seriously? Makatitig lang mga men!

Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa room ni Daddy.

Pumasok kaagad ako sa room ni Daddy at sumigaw ng,

"aaargh!!!"

"Oh, anong nangyayari sayo?", tanong agad ni Daddy.

"Sabi ko po sa inyo e. Bad idea na pumunta pa ko dun. Eh nantitrip lang yon e. Vampire daw sya?! Like duh!!"

"Haha! Ano ba yan! Para kayong mga bata! Ang kukulit nyo!", tumingin sa akin si Daddy at tumawa.

"Sya lang po yung parang bata dun. Para ngang baliw e. Kung ano ano pinagsasasabi!", asar na asar talaga ako. Bat ba ko naniwala dun. Napaka-best actor lang ah! Padrama-drama pa. Hay nakuuu!!

Umupo ako sa sofa at nagcross-arms.

"Ang lakas nya lang talagang mantrip Daddy. Di na ata kami magkakasundo.", sabi ko. Kahit gwapo sya, nakakainis sya eh. Natatakpan ng kalokohan nya ang kagwapuhan. Too bad. Haha! xD

"Hahahahhaahhaha!!", tawa pa rin sya ng tawa.

"Nakakatuwa po ba yun?!", pasungit kong tanong ko sa kanya. Tumigil naman sya pero nagpipigil ng tawa.

The Music Hill (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon