7: Apple

157 8 5
                                        

Chapter VII

Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot at pumasok na ko sa loob. Pagdaan ko sa may guard, inawat ako.

"Ahm, Ma'am, mukhang marami po kayong dala ah? Pede pong i-check ko muna?"

"Sure. Wala naman po akong dalang bomba e."

"Eh Ma'am, por sipti lang po."

(He meant, 'for safety. xD)

"I understand, Kuya."

After 5 seconds...

"Okay na po. Salamat po Ma'am!"

"haha! Bilis kuya ah! Anyway, welcome po Kuya, have a good day!"

"Ma'am, huweyt!", sigaw ng isa pang sekyu.

"Ano po yun Kuya?"

"Marami po yang dala nyo, gusto nyo po tulungan ko na kayo?"

"Sure, Kuya. Thanks po!"

Inabot ko na yung ibang mga dala ko kay Kuya at dumiretso na ko sa loob. Bago ko nakalayo, nadaanan ko yung emergency room.

Nagkakagulo yung mga nurse.

"Kuya, anong nangyari don? Bat nagkakagulo sila?", tanong ko sa kasama kong security.

"Eh Ma'am, may naaksidente po kasing lalaki kagabi. Gwapito daw po sabi ng mga nurse kaya lahat sila pinag-uusapan yon."

"Aah, kaya pala. Well, pinay is pinay. Mahilig sa pogi."

Pumasok na kami sa elevator at dumiretso na sa ICU.

Pagdating namin sa ICU, hinanap ko si Daddy pero di ko makita. Bigla na lang may lumapit na nurse na lalaki sakin at nagtanong,

"Uhm, miss. Sinong pong kailangan nila?"

"My Dad was here last night. Car accident. Where is he?"

"Aah. Sya po ba? Inilipat na po namin sya ng room kasi stable na po sya."

"Gising na ba sya?"

"Not yet. But we're expecting that he'll come to, one of these days. Grabe po yung aksidente nya but he's suddenly showing good signs."

"Thank God. San po yung kwarto nya?"

"Sa room XXX po."

"Oh. Okay. Thank you!"

"You're welcome."

Pagkatapos nun, humarap ako kay Kuya Guard.

"O, kuya. Wala na pala dito si Daddy. Sakay ulit tayo sa elevator. Pasensya na po ah?"

"Okay lang po. Ang dami nyo naman pong dala. Dito po ba kayo titira?"

"Haha. Hindi po. Mas maigi na yung sure para di po ako pabalik balik sa bahay."

After 2 minutes,

"We're here. Pakipasok na lang po sa loob. Thank you kuya.", sabi ko kay Kuya Guard.

Naghihintay akong umalis si Kuya Guard pero nakatayo pa rin sya at nakatingin sa akin.

"Thank you po, kuya.", pag-ulit ko.

"E Ma'am, pamasko ko po?"

"Haha! Inaanak na po pala kita ngayon? Di ko po alam yon a?"

Kinuha ko yung bag ko at nag-abot ng konti kay kuya.

"Eto po oh, salamat po ha! And Merry Christmas!"

"Ay, thank you po ma'am! Merry Christmas din po!"

The Music Hill (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon