Chapter XI
Tobira wa akeru....
Hahaa! Chos! Ano to? Ouran? xD
Okay. Ulit. Take two.
When the door opens...
Yes! Suspense ang peg! Pero di nga. Eto na talaga. Seryoso na to. Take 3 na direk! Hahahaa! XD
Nung bumukas yung pinto, nagulat ako.
Bip. Bip. Bip.
Biglang may tumunog na malakas na alarm! Tapos ang daming laser ang nakikita ko na nakatutok sakin! Ano to?! Waaaaa!! >.<
I don't want to die! Bata bata ko pa! Marami pa kong pangarap sa buhay! Ayoko paaaa!!! Hahahaha! Ang drama! Pero hindi nga, ikaw kaya laser-in! Buti kung fats ko yung ile-laser. hahaha! xD
"INTRUDER ALERT! INTRUDER ALERT!!"
BIP! BIP! BIP!
Tapos biglang nagsalita si Luke, "It's okay. She's not harmful."
Tapos tumigil yung alarm. Bigla syang tumingin sa akin at ngumiti sabay sabi ng, "well, partly."
BIP! BIP! BIP!!
"HARMFUL GIRL DETECTED!! HARMFUL GIRL DETECTED!!"
Ano ba tong bahay na to?!! Naguguluhan ako! Ang weird masyado! Kasing weird ng may-ari! xD
Napakapit na lang ako sa damit ni Luke. Mahirap na. Kung laser-in ako ng bahay nya, at least may shield ako. Hah! Use your head! xD
"Hoy! Ano ba tong bahay na to! Alien ka ba??! Patigilin mo nga yang alarm mo!", sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ko sya.
"Stop yugyuging me!", sabi nya habang natatawa na naman. Etong lalaking to, isa't kalahating weirdo e! Phew!
"Yugyuging?! Does that word even exist?", sabi ko. Pauso na naman to e.
"Yea. Ipapauso ko.", lumingon sya sakin. Tapos kinuha yung remote ng radio nya. Pinatay. Tumigil yung alarm.
"Huwaaat??! Radio lang yon??! Pinagtitripan mo talaga ko no!" sabi ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa kanya. Kainis talaga tong lalaking to. Kahit kailan talaga!!
"Pwede mo na kong bitiwan. Nalulukot damit ko. Paplantsa ko sayo to e.", sabi sakin. Bumitaw naman ako at pinagpag-pagpagan nya yung part ng shirt nya na hinawakan ko.
"Mahawa pa ko sa germs mo e.", pahabol pa nito.
"Ikaw! Ikaw lalaki ka! Ang arte arte mo talaga! Germs ka dyan! Ikaw naman bacteria!", sabi ko habang dinuduro sya.
Humawak sya sa tenga nya at nagsabi, "Sakit mo sa tenga! Napakaingay mong babae ka!"
Wala talaga tong kahit isang millimeter ng utang na loob. "Urgh!" na lang ang nasabi ko at tumalikod. Lalabas na sana ko ng pinto kaso naalala ko, malayo pala ko sa bahay, at wala akong kotse.
Lumingon ako sa kanya at nagsabi, "Pano ko uuwi?"
"Malaki ka na. Kaya mo na yan.", sabi nya habang tuluy-tuloy na naglalakad papunta dun sa mga sofang nakapaikot sa kanang bahagi mula sa pintuan. Medyo mabagal sya kasi nga nakasaklay sya.
"Hoooy!! Aba't ang bait bait mo talaga!", sabi ko sa kanya habang sinusundan ko sya.
Tumigil sya at lumingon sakin, "Well, thank you! Mag-commute ka na lang.", sabi nya at nagtuloy sa paglalakad papuntang mga sofa. Ang layo naman kasi ng sofa. Sus.
Parang ang sungit nito ni Luke ngayon. Tsaka ang tamlay. Psh. Bahala sya, tatalakan ko na lang sya ng tatalakan! Muhahaha! xD
"Haaaay! Commute talaga?! Di mo lang ba ako ipapahatid sa driver mo?", sabi ko. Kainis kasi e. Ang layo pa nito sa bahay. And besides, malay ko kung anong sasakyan ko pauwi. Tsaka gabi na kaya.

BINABASA MO ANG
The Music Hill (Ongoing)
RomantikMahilig ka ba sa music? Mahilig ka ba sa love story? Mahilig ka bang tumawa?! Eto na ang hinahanap mong istorya! Sundan ang nakakalokang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng kakulitan, pinagsama ng bangayan, mauuwi kaya sa pag-iibigan? Himig ng p...