12: Harutan portion

119 9 7
                                        

Chapter XII

Luke's POV

Bago sya natapos tumugtog, nahihilo na talaga ako. Bigla na lang akong nawalan ng malay and everything went black.

Sofie's POV

Tumutugtog ako ng bigla ko na lang narinig na may nalaglag sa sahig. Pagtingin ko, si Luke!

Sinara ko kagad yung fall nung piano at pumunta agad sa kanya.

Nakita ko na lang syang nakahiga sa sahig.

"Hoy Luke! Anong ginagawa mo dyan! Matutulog ka na lang sa sahig pa!", sabi ko sa kanya. Hinawakan ko sya at itatayo ko sana.

"Nakoo! May lagnat ka! Ang init-init mo! Nakuuuu!!", sabi ko sa kanya habang binubuhat ko sya at iniaayos dun sa sofa.

Anong gagawin ko nito? Mas okay yata kung dun sya sa bed nya magpapahinga. Eh kaso malay ko kung san dito yon? Ang laki-laki ng bahay nya and besides, alangan namang buhatin ko to paakyat? Eh di lumabas ang mga lamang loob ko sa bigat nito? Panu to?? xD

Pasensya na po. Eksaherada much! xD

Tinapik-tapik ko sya, "Uy Luke. Gising ka muna. San yung kwarto mo?"

Nagising naman sya at nagsabi, "Bakit? Anong gagawin mo?"

"Malamang dadalin ka dun, may sakit ka kaya!", sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Okay lang ako. Wag ka na mag-abala.", sabi nya. Nauubo-ubo pa sya. Tong taong to oh!

"No. Kailangan mong magpahinga ng maayos.", sabi ko sa kanya.

Tumayo sya, kinuha ang saklay at naglakad.

"San ka pupunta?", tanong ko habang inaalalayan sya.

"Sa kwarto ko.", nagtuloy lang sya ng lakad at muntik nang matumba.

"Ooh, halika nga. Kumapit ka sa akin.", sabi ko at ipanalupot yung kanan nyang braso sa balikat ko at hinawakan sya sa bewang.

Inalalayan ko sya habang naglalakad kami paakyat. Ang slow-mo ng paglakad namin pero sige lang, go lang ng go! :)

Pag-akyat namin, dumaan kami sa isang corridor at yung pangalawang pinto, yun yung pinasukan namin.

Eto na yung kwarto nya. Agad kaming nagpunta sa may kama nya. Nung malapit na kami, nawalan na naman sya ng malay. Buti na lang nasa may kama na kami. Kaso dahil inaalalayan ko sya, nung natumba sya, napasama ako!

Kaya ayun! Pareho kaming nakatumba dito. Haaaay! Yung braso ko nadaganan na nya. Maghuhuramintado sana ako, kaso wala tong laban e. May sakit. Kaya dahan-dahan ko na lang inalis yung braso ko at iniayos sya ng higa.

"Phew!", grabe. Dapat may bayad to ah. Joke lang! xD

Panung gagawin ko ngayon? Iiwan ko ba to dito mag-isa? Wala ba syang kasama sa bahay? O kaya katulong? Laki-laki kaya ng bahay nya. Soloist masyado??

Tingin tingin lang ako around. Ang linis ng kwarto. Halatang maarte talaga yung may-ari. Hehe. Peace Luke! :)

Ooooh! Si Luuuke! Binatilyo pa sya dito sa picture na to! Bakit ang gwapo gwapo nya dito??

Tapos tinignan ko sya at nagsabing, "anong nangyari?!", hahahaa! Joke lang. Gwapo pa rin naman si Luke ngayon. Mas type ko lang tong nasa picture. Aysows! Lande! Hahaa! xD 

Bigla na lang tumunog yung tyan ko. Waaaa! Nagugutom na ko! Pano to?!

Mag-luto na lang kaya ako? Kaso, di ko alam kung nasan ang kusina nitong damuhong to.

The Music Hill (Ongoing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon