6: A dream

169 6 1
                                    

Chapter VI

Teka....

Parang.....

Si.....

Luke??!

Bumaba ako sa kotse ko at tumingin sa may burol.

Si Luke ba yon?

Eh hindi ko naman makita pano ko malalaman?

Oo nga naman. Tatanong ako sa sarili ko e di ko din naman alam.

Tama. Malay ko ba kung sino yon.

Sana inaalam ko noh para may sagot ako sa tanong ko ano?

Ano to? Monolog?

Hala. Sobra na yata pagod ko. Inaantok na ko. Magda-drive pa ko e. Wag ko na lang alamin. Alis na ko.

Ii-start ko na sana yung kotse ko nang...

"Aaaaaaaaaaaaaargh!!"

Tumingin ako sa buwan.

Bilog.

Full moon.

Hala. Baka nagta-transform na yung lalaki dun sa burol.

"Aaaaaaaarghhhh!!!!"

Creepy. Sigaw ng sigaw si Kuya. Nababaliw na ata. Lunatic yata yon e. Makaalis na nga lang talaga!!

"Waaaaaaaaaaahh!"

This time napalingon na ko.

Hala. Nagpagulong gulong pababa si Kuya. Anong trip yon?! Pagkatapos sumigaw, magpapagulong gulong? Lakas tama si Kuya a!

Pinakinggan ko.

Tahimik na.

"Hala. Baka kung napano yun. Oh man! Gusto ko na matulog e. Pambihira tong si Kuya o. Kung di lang ako mabait.", pagmamaktol ko habang papunta ako sa paanan ng burol.

Nakadapa si Kuya.

Lumapit ako.

*poke

*poke

"Buhay pa kaya to?"

"Kuya, uy. Okay ka lang Kuya?"

Pinatihaya ko sya mula sa pagkakadapa nya.

"LUKE??!"

Nako. Si Luke pala talaga tong nababaliw dito e.

Tinitigan ko lang sya.

May luha na tumutulo sa pisngi nya.

"Alam mo Luke, kahit masungit ka, nag-aalala pa rin ako sayo. Gusto sana kita tulungan kaso lagi ka na lang natakbo palayo. Nakikita ko na malungkot ka at may tinatagong sakit. Pero hanggang kailan mo plano itago sayo yan at solohin? Mabigat kaya yan."

"Lord, heal all his pain and give him joy."

"Siguro pogi to lalo kung laging nakangiti. Lagi na lang kasing nakasimangot, laging masungit. Maitim kaya ang kanyang singit??!"

"Hahaha! Monolog na naman ako dito."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya at tinignan pa rin sya.

"Inaantok na ko. Pero alangan namang iwan ko to dito. Eh lalong alangan naman na buhatin ko to e siguradong mabigat to? Tsaka di ko naman alam kung san to nakatira? San ko to dadalin? Oy, Luke, gisiiiiing!"

Haaaay. Tinignan ko na lang sya. Mukhang wala namang sugat to e. Malambot naman yung damuhan kaya wala tong bali. Baka nakatulog lang to sa pagpapagulong. Ano kayang feeling magpagulong mula sa taas??

The Music Hill (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon