Chapter 17.

17 0 0
                                    

Sa Ynares Center Pasig ginanap ang dance contest na sinalihan ni Topher.

Nang makababa ako sa taxi na sinakyan ko ay nagmadali agad akong pumasok sa loob dahil naririnig ko na ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao. 'Naku! Ala syete y media na! Bakit naman kasi nasaktuhan pang brokenhearted si Rob sa araw ng dance contest ni Topher? Haaay!'

Natigilan ako sa pagtakbo ng makita ko ang pamilyar na lalaki na nakaupo sa may hagdan papasok sa loob ng Ynares. 'Si Topher ba 'yun? W-wala syang suot na shades? At bakit siya nasa labas?' Tanong ko sa sarili ko. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"T-topher?" Tawag ko sa lalaki na bahagyang nakayuko at nakasabit ang black leather jacket sa balikat.

TOPHER's POV

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Anne na pawis na pawis. Tumayo ako at tinignan ko siya ng masama.

"Dumating ka pa!" Sigaw ko sa kanya sabay lakad palayo sa kanya.

"Sandali Topher! Magpapaliwanag ako!" Tumigil naman ako sa paglakad at humarap sa kanya.

"Sige! Magpaliwanag ka!"

"'Wag mo naman akong sigawan!"

"Masisisi mo ba ako kung bakit ako ganito ngayon ha? Hinintay kita dumating at tiwalang-tiwala ako na tutuparin mo yung pangako mo! Pero anong ginawa mo? Pinaasa mo ako sa wala!"

"Dumating naman ako ah? Ano pa bang problema?"

"Anong problema? Nagback-out ako! Ano? Masaya ka na?"

"Bakit ka nagback-out?"

"Dahil lang naman sa'yo! Sinabi mo sa akin na pupunta ka para suportahan ako. Ako dapat ang unang sasayaw. Pero dahil sa wala ang taong susuporta sana sa'kin, nagback-out nalang ako. Para saan pa yung pagsayaw ko? Sabihin ko nga?" Lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagbigo niya sa pangako niya. Hindi niya alam kung gaano kahalaga sa'kin ang pagpunta niya sa contest na 'to.

"S-sorry." Sabi ni Anne habang nakayuko.

"Tsss! Sorry? Sorry lang ang sasabihin mo? Sabihin mo nga sa'kin kung bakit hindi ka nakarating ng maaga?!"

"A-ano— Ano kasi. Si... si.... si Rob—"

"Rob? Si Rob nanaman? Siya na naman ang dahilan mo?" Gigil na gigil na wika ko sabay bato ng leather jacket sa sahig.

"Puro ka nalang si Rob! Siya nalang ba ang dahilan kung bakit ka nabubuhay? Siya nalang ba ang nagpapaikotnng mundo mo? Wala kang ibang bukambibig kundi siya! Nakakairita na, Anne!"

"Bakit ka ba nagagalit?!"

"Iyan nga rin ang gusto kong itanong sa sarili ko, kung bakit nagagalit ako? Ha, sino ka ba para pagtuunan ko ng galit? Nababaliw na ako! Umalis ka nalang sa harap ko!" Taboy ko kay Anne. Nakita ko namang tumulo ang luha sa mga mata ni Anne.

"A-alam ko namang kasalanan mo eh. Pero sana 'wag ka namang magalit sa akin. H-hindi ko naman sinasadya na ma-late at hindi ko alam na ikaw pala ang unang sasayaw." Paliwanag ni Anne habang umiiyak. Tinitigan ko naman siya at nakaramdam ako ng kunsensya dahil napaiyak ko siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Nakakainis ka kasi! Sinisigawan mo ako. Ni hindi mo manlang pinakinggan ang paliwanag ko kung bakit ako na-late."

Huminga naman ako ng malalim at pinagmasdan si Anne na panay pa rin ang iyak na parang bata na inaway ng kalaro. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ako ng hindi ko siya nakita sa upuan ng mga audience. Malapit nalang matapos ang intermission kanina e hindi ko parin siya nakita. Nagsimula na akong mabadtrip non hanggang sa magsimula na ang contest. Pero bago pa man tawagin ng Emcee ang pangalan ko ay nagback-out na agad ako dahil sa sobrang inis ko at pagkadismaya na hindi manlang dumating yung taong inaasahan kong manonood at nangakong susuportahan ako.

Pakiramdam ko kanina ay gusto ko ng magwala dahil sa sobrang inis. Pinaghandaan ko ang contest na 'yon. Pinagpaguran ko ang mga steps pero bigla na lang lahat naglaho ang lahat ng effort ko dahil sa babaeng hindi ko alam kung bakit napakalaki ng pagkadismaya ko ng hindi ko siya  nakita sa upuan ng mga manonood. Nagpantig pa ang mga tenga ko ng dumating siya at si Rob pa ang dahilan kung bakit siya nahuli. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita sa tuwing binabanggit ni Anne ang pangalan ni Rob.

Pinulot ko ang leather jacket na ibinato ko kanina dahil sa inis ko. Kumalma na ako at nabawasan ang naramdaman kong galit kanina.

"Itigil mo na ang iyak mo dyan. Sige na, magpaliwanag ka na." Sabi ko na nasa mababang boses. Pinahid naman ni Anne ang mga kamay niya sa basang pisngi dahil sa kaiiyak. Tumingin naman siya sa'kin ng diretso.

"H-hindi ka na ba galit?"

"Hindi na. Pakikinggan na kita."

"Si Rob kasi... ng palabas na ako ng school para pumunta dito e bigla niya akong nakita at nakiusap sa akin kung pwede ko siyang samahan sandali. Pumayag namn ako dahil mukhang may problema siya at hindi ako nagkamali. Umiyak siya dahil hindi niya pa rin daw makalimutan ang ex-girlfriend niya. Kung pwede ko lang sanang hatiin ang katawan ko para mapuntahan ka e gagawin ko. Hind ko naman siya maiwan dahil naaawa ako sa kanya."

Lihim ko namang nakuyom ang dalawa kong kamao dahil sa inis. Dahil si Rob pa rin ang iniintindi ni Anne.

"Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Pinilit kong makahabol sa pag-aakalang maaabutan pa kitang sumayaw. Pero huli na pala ako ng dating. And nagi-guilty ako dahil nagback-out ka ng dahil sa kagagawan ko. I'm so sorry Topher. H-hindi ko talaga sinasadya. Gustung-gusto kong iwanan si Rob para makita kang sumayaw pero nahuli ako. Sorry!" Dugtong ni Anne sa sinasabi niya kanina. Sabay tulo ng mga luha sa mata niya at sinubsob ang mukha sa mga palad niya para humagulhol.

---------
Kamusta kayo guuuys? Haha. Sorry natagalan pag-update. Busy sa school e. :)

Sana nagustuhan nyo! ;)

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon