Anne's POV
Natigilan ako sa tanong ni Topher at tinitigan ko siya. Napangiti naman ako.
"Oo na oo!" Patili kong sagot.
"Inlove ka kay Rob? 'Di ba kapag inlove dapat blooming? Bakit ikaw mukhang naka-rugby?" Sabi ni Topher sabay halakhak ng malakas. Hinampas ko naman ang balikat niya.
"Aray!" Sigaw ni Topher pero nakangisi parin siya.
"Ang yabang mo talaga! Akala mo naman ang gwapo mo. Tss! Ni hindi mo nga matanggal-tanggal 'yang shades mo kasi ang pangit mo!"
"Wowwa? Ganda mo!"
"Talaga!"
"Pss! Saan banda?"
"Tanggalin mo kase yang shades mo ng makita mo!"
"Kahit hindi ko tanggalin itong shades ko, malalaman ko kung maganda ang isang babae."
"Weh?"
"Oo naman. Try ko sa'yo."
Hinawakan ni Topher ang baba ko at tinitigan ang mukha ko.
"Ano ba! Alisin mo nga yang kamay mo sa mukha ko." Nagpumiglas ako at pilit na inaalis ang kamay niya sa mukha ko.
"Sandali lang. Titingnan ko kung maganda ka ba talaga." Sabi ni Topher.
Nagulat naman ako ng nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Hmm..." Binitawan niya ang baba ko pero humaplos ang kamay niya papunta sa batok ko. At lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ilang ulit akong napalunok habang diretsong nakatingin sa shades ni Topher na kahit hindi ko nakikita ang mata niya ay alam ko na nakatingin siya sa akin.
'Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? At bakit hindi ako makagalaw?' Wika ko sa isip.
Ngumisi si Topher at nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin.
Bumaba ang tingin ni Topher sa labi ko. Lalo pang lumapit ang mukha niya pero bago pa man magkadikit ang mga labi namin ay lumihis ang mukha niya at bumulong sa'kin.
"Hopia!" Bulong ni Topher sabay tawa ng malakas.
Tinulak ko naman siya palayo.
"Aray! Ang sakit mo namang manulak. Kababae mong tao tapos mapanakit ka." Sabi ni Topher.
"Nakakainis ka kasi! Pervert!"
"Ano? Ako? Pervert? Tinitignan ko lang naman ang mukha mo sa malapitan ah?"
"Tinitignan? Halos maha— maha— ma.... Basta! Ang bastos mo!" Utal-utal kong sabi habang ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
"Parang 'yun lang? Alam mo, ilibre mo nalang ako."
"Ayoko!"
"Edi wag! Marami pa naman sana akong sasabihin tungkol sa mahal mo."
Natigilan naman ako at napatingin kay Topher. "Totoo?"
"Yup!"
"Sige. Libre na kita."
"Yun oh! 'Yan ang gusto ko sa'yo e." Sagot ni Topher.
BINABASA MO ANG
One Love
Teen FictionHindi tayo pwedeng magmahal ng dalawang tao dahil isa lang ang puso natin. Kaya nga may sinasabing 'My One and Only' at tinatawag na.... 'One Love'