Chapter 3.

39 2 0
                                    

"Pare!" tawag ni Rob.

'Toink! Ano daw? Pare?' hindi pala sa akin lumapit si Rob. Kundi sa likuran ko. 'Ah, okay! Hindi pala ako. Nag-panic ka lang talaga Anne!' pinakalma ko ang sarili ko at pasimple akong sumandal sa upuan. Nasa likod ko si Rob. Pagkakataon ko na 'tong magpapansin.

"Nandito ka lang pala. Natutulog ka nanaman ba?"

'Shit! Boses yun ni Rob. Hindi ako pwede magkamali.' muli akong nakinig sa usapan ng dalawa.

"Puyat lang. Alam mo namang may laban kami kagabi."

"Ah, oo nga pala."

"So, kamusta ka na?" Tanong nung lalaki kay Rob

"Ayos lang." Walang kagana ganang sagot ni Rob.

"Tss! Hindi nga? Kilala kita Rob."

"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa." Parang medyo galit na sabi ni Rob.

'Hindi ko masyado magets yung pinag-uusapan nila ah? Ano kaya ang topic nila?' Tanong ko sa sarili ko sabay umayos ako ng upo at tumagilid para mas lalo ko pang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Ano? Papaupakan mo ba ang lalaking iyon?"

"Ano ba! Hindi ko na gawain ang dati. Siya ang kusang lumayo, hindi siya inagaw sakin kaya wala akong dahilan para gawin pa yon." Kalmadong sagot ni Rob.

'Ah. Yung ex-girlfriend niya pala ang pinag-uusapan nila.' Lihim naman akong natuwa dahil nakakuha ako ng impormasyon tungkol sa tunay na kalagayan ngayon ni Rob.

"So, ano na plano mo?"

"Anong plano?"

"Maraming babae ang may gusto sayo, Rob. Bakit hindi mo sila subukan?"

"Ayoko na muna."

"C'mon Rob! Don't tell me magmumukmok ka?"

"Hindi naman sa ganun. Ayoko lang. Masyado pang masakit."

'Awwwe! Kawawa naman si Papa Rob ko. Brokenhearted nga siya.' Sabi ko sa sarili ko.

"Tss! Gusto mo bang hanapan kita? Marami akong kilala." Nakangising sabi nung lalaki.

"Tigilan mo nga ako Toph—"

"Sige na." Putol nung lalaki. "Kilala mo ako Rob. Never mo pa akong hinayaang tulungan ka sa buhay pag-ibig mo. Tignan mo nga sa Mac at Julie, ako ang nagpartner sa kanila non, tapos ngayon, ang tagal na nila. Si Rico at Melissa, ako rin ang tumulong sa dalawa para magbati. Si Yuri at Tyron, sila—"

"Tama na nga." Putol naman ni Rob sa lalaki. "Baka abutin pa tayo ng umaga dito. Uuwi na ako."

"Ayaw mo ba talaga?"

Mahinang tumawa si Rob. "Tarantado ka talaga! Sige na. Uuwi na ako."

"Sige, ikaw bahala."

Tumayo na si Rob at tinignan ko siya hanggang sa makalabas na siya ng campus.

'Ang swerte ko naman! Narinig ko yung pag-uusap nila. Masyado pala talagang nasaktan si Rob at ayaw pa niyang magkagirlfriend uli.' Wala na si Rob sa paningin ko. Sandali akong nag-isip ng plano. 'Aha! Ano kaya kung humingi ako ng tulong kay Mandy para magpakilala kay Rob? Ay! Pahamak ang isang yon. Wag nalang.' Muli akong nag-isip ng plano. Pero bigla akong natigilan ng maalala ko ang lalaki na kausap kanina ni Rob na nasa likuran ko.

Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng shades na kulay itim. Matangos ang ilong at mapula ang labi nito. Kung makikita ko siguro ang kabuuan ng mukha niya ay gwapo siya. Mohawks ang buhok nito at may kulay na pula. Bumagay naman ito dahil sa maputi siya.

"Eherm! Excuse me." Sabi ko sa lalaki.

Minulat naman ng lalaki ang mga mata niya ng marinig niya ang boses ko. Tinignan ako ng lalaki sabay nag-unat siya ng katawan pero hindi niya ako pinansin.

"Excuse me! I-ikaw yung kausap kanina ni Rob di ba?" Tanong ko sa lalaki pero matagal siyang nagsalita.

"Ano naman?" Simpleng sagot niya.

'Ang suplado naman nito. Akala mo kung sino.'

Pinilit kong ngumiti sa kaniya. "So, ikaw nga yon?"

"Bakit? May kailangan ka sa kaniya?"

"W-wala naman. N-natanong ko lang." Utal-utal na sagot ko sa kanya.

"Hmm. Nakikinig ka ba sa usapan namin kanina?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng lalaki. "Hoy! Hindi kaya!" Pagdedepensa ko.

"Sa tono ng pananalita mo, lalo mong sinabi ang totoo."

"Huuh?"

"May gusto ka kay Rob. Tama?"

Napanganga ako sa tanong niya. Naramdaman ko naman na umakyat lahat sa mukha ko  ang dugo. 'Hala! Pulang pula na siguro yung mukha ko. Shit!'

"What are you talkin' about? Are you insane?"

Ngumiti naman yung lalaki at umayos ng upo. "Wag mo nga ako daanin sa English English na yan." Ngumisi siya. "Kung hindi tama ang hinala ko. Huwag mong sabihing ako ang gusto mo?" Tumawa ang lalaki.

Bigla naman akong napatayo dahil hindi ko na matiis ang kapreskuhan ng lalaking to.

"Yuck! I don't even know you! Ang yabang yabang mo. Damn!" Bulyaw ko sa lalaki sabay talikod.

Narinig ko naman na biglang tumawa ng malakas ang lalaki.

'Bakit kaya siya tumawa? Tinawanan niya kaya ako dahil nag-blush ako sa harap niya? Nakakainis! Nakakapanggigil naman yung lalaking yon. Ang yabang yabang. Sana nga hindi siya ang kinausap kanina ni Rob dahil kung nakagkataon, Bad Influence siya kay Rob.'

-----
Don't forget to vote and comment. Thanks a lot. ;)
Anyways, follow me on IG. @marrydel25 Thanks again.

Madel xx.

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon