Chapter 4.

39 3 0
                                    

Nababadtrip nanaman ako dahil isang linggo ko ng hindi nakikita si Papa Rob sa campus. Sabi pa sa'kin ni Mandy ay baka nagmumukmok pa din ito ngayon dahil sa nangyaring break-up. 'Kawawa naman yung mahal ko. Malungkot dahil brokenhearted. Gusto ko siyang damayan.' malungkot kong sabi sa sarili habang nakatulala.

TOPHER'S POV

Mag-isa akong pumasok sa canteen at umupo sa bakanteng upuan saka sinuot ang paborito kong shades. Kapag sinusuot ko ito ay walang nakakapansing tulog ako o kaya may pinagmamasdan. Nagpalinga-linga ako sa loob ng canteen. May ilang estudyanteng nandoon at kumakain. Iiwas na sana ako ng tingin ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae na mag-isa lang sa mesa sa hindi kalayuan sa mesa ko. Napakunot ang noo ko saka tinitigan ang babae na nakatulala sa kawalan. 'Tamaa! Siya yung babaeng nagtanong sa'kin tungkol kay Rob!' Lihim naman akong napangiti ng maalala ang pang-aasar ko sa kanya. Pikon na pikon siya nung sinabi kong may gusto siya sa akin. 'Nakakatawa yung babaeng yun.'

Bigla tuloy nawala ang antok ko kaya tumayo ako at lumapit sa kinauupuan ng babae na tulala parin.

"Eherm, eherm!" Tikhim ko.

Halata namang nagulat ang babae sa pagtikhim ko.

"Ikaw nanaman? Anong ginagawa mo dito?" Mataray niyang tanong sa'kin.

"Hindi mo manlang ba ako pauupuin?" Kunwari ay nagtatampo kong tanong sa kanya.

Tumaas naman ang kilay ng babae. "Ayoko! Hindi ka pwede dito."

"E paano ba yan? Gusto kong umupo." Umupo naman ako sa bakanteng upuan na malapit sa babae.

"Sige, umupo ka. Aalis na rin naman na ako." Umirap ang babae bago tumayo.

"Sige, umalis ka. Sayang! May sasabihin pa naman ako tungkol sa crush mo." Mariin kong sabi sa babae.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Wala. Tungkol lang naman sa crush mo."

"Huh? Para namang kilala mo yung crush ko? Bakit? Close ba kayo, ha?"

"Hindi. Pero sooner or later, ikaw mismo ang lalapit sa akin para maging close tayo." Puno ng kumyansang wika ko at sabay ngiti sa kanya.

Isang malutong na tawa ang binitawan ng babae. "Ikaw na yata ang pinakamahangin na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Hindi ko maisip na lalapit ako sa'yo. At hinding hindi mangyayari yun!"

"Sana hindi mo kainin lahat ng sinabi mo, Miss Taray. Pero kung magkataon na magbago ang isip mo. Don't worry, hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko."

"Naku! Nasayang nanaman ang oras ko sa pakikipag-usap sa tulad mo!" Makaalis na nga. Tss!" Sabi ng babae sabay inirapan ako bago tumalikod.

"Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko, Miss Taray. Ikaw din naman ang makikinabang sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya." Sigaw ko sa babae na papalayo na sa'kin. Gusto kong matawa ng ma-imagine ko ang mukha ng babae kanina. Mukhang nagalit nanaman siya sa'kin dahil ang sama ng tingin niya sa'kin. 'Nakakatawa siyang magalit. Parang siling pula ang mukha.'

Umayos ako ng upo at dinatnan na ako ng antok. 'Makatulog na nga muna. Wala na ang pampagising ko.'

-----

Okaaay! Topher ang pangalan ng lalaking mayabang. Haha.

Eto yung nabura kong chapter. Hahaha. So, don't forget to vote and comment. Thanks guys. ;))

Anyways, follow me on IG @marrydel25

Madel. xx

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon