Chapter 14
Pagkatapos naming mag-order ay namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. Oo, inaamin kong madaldal ako, pero pagdating kay Rob parang biglang umurong ang dila ko. Wala akong masabi dahil sobrang nahihiya ako at baka mairita lang siya kapag nagsalita ako.
"Hm. Pasensya ka na at naghintay ka kanina. Si Topher kasi biglaan na lang tumawag. Akala ko naman bukas pa tayo magkikita." Sabi pa sa'kin ni Rob.
"S-si Topher?" Ulit ko. Hindi ko ma-gets yung sinasabi niya.
"Oo. Si Topher ang may pakana ng pagkikita natin." Natatawang sabi ni Rob at umiiling habang nakatingin sa'kin.
"Siguro hindi mo alam ang mangyayari ngayon noh? Basta ka nalang hinila ni Topher dito? Pagpasensyahan mo na siya. Pilyo at likas na makulit lang talaga ang lalaking 'yon, pero natutuwa ako at hinahangaan mo ang talento niya."
"Hinahangaan?" Ulit ko.
"Oo, sabi niya kasi taga-hanga ka niya at napakabibo mong babae. Actually, nag-match maker siya sa atin."
"Ano?!!" Tumaas ang boses ko sa sobrang gulat sa mga sinabi ni Rob tungkol kay Topher. Pero bigla akong natigilan dahil pinagtitinginan ako ng mga kumakain sa loob ng restaurant. Napayuko naman ako at muling napatingin kay Rob.
"Totoo ba 'yung sinabi mo?"
"Oo."
"Haaay! Nakakahiya naman ang lalaking 'yon! Nakakainis talaga siya!" Gustung-gusto ko ng magtago dahil sa sobrang hiya.
Tumawa naman si Rob. "Nahihiya ka? Bakit naman?"
"K-kasi naman... W-wala akong kaide-ideya na gagawin ito ni Topher sa akin at s-sayo niya pa akong naisipang i-match. Nakakahiya talaga! Nakuu! Maniwala ka, hindi ko talaga 'to alam."
Humalakhak naman si Rob. "Huwag kang mag-alala, alam ko naman 'yan. Kilala ko si Topher, mahilig talaga siyang mang-sorpresa at gawain na niya ang mangialam ng love life ng iba."
"E-eh?" 'May ugaling ganun si Topher?' Tanong ko sa sarili.
"Marami na siyang tinulungang love life ng iba. Kaya ang laki ng pasasalamat ng barkada namin sa kanya, dahil to the rescue agad siya kapag may nagkakalabuan. Masanay ka na kay Topher. Mabait siya, loko-loko lang talaga.
Napatango nalang ako. 'Ang lalaking 'yon, pinapares ako kay Rob?! Pero bakit ako? A-anong dahilan?! 'Di bale, nagpapasalamat na rin ako sa kanya dahil magkalapit na kami ni Rob!!' Kinikilig kong sabi sa sarili at ngumiti kay Rob.
"Nasasanay na rin naman ako sa ugali niya eh."
"Mabuti naman."
Ilang sandali lang ay dumating na ang in-order ni Rob at natakam ako bigla dahil sa amoy ng pagkain.
"Kumain na tayo." Sabi ni Rob.
"Sige." Nagsimula na akong kumain.
TOPHER'S POV
Nandito ako sa labas ng restaurant at lihim kong pinagmamasdan si Rob at Anne. Napangiti ako ng makita kong panay ang sulyap ni Anne kay Rob.
"Para siyang engot! Pinapahalata lang niya na may gusto siya kay Rob. Nakakatawa ang itsura niya! Halatang kinikilig." Napailing nalang ako at natawa. Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Yumuko ako at naglakad palayo, parang ayoko na silang panuorin. Gusto ko ng umuwi, kaya pumara ako ng taxi at umalis sa lugar na 'yon.
ANNE'S POV
"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo? K-kanila Topher ang restaurant na 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
BINABASA MO ANG
One Love
Teen FictionHindi tayo pwedeng magmahal ng dalawang tao dahil isa lang ang puso natin. Kaya nga may sinasabing 'My One and Only' at tinatawag na.... 'One Love'