Chapter 14 Part 2

18 2 0
                                    


Dumiretso agad ako sa kwarto ko at binagsak ang katawan sa kama. Niyakap ko ang unan at tumili para mailabas ko ang kanina ko pang pinipigilang kilig.

"Anne?!"

Bigla naman akong napabangon sa kama ng marinig ko na tinawag ako ni Mama.

"Ma, bakit po?"

"Ano bang nangyayari sa'yo at nagtitili ka riyan?" Usisa ni Mama.

"P-po? A-ano kasi... May nakita po akong ano... i-ipis. Pero wala na po. Napatay ko na." Nagkandautal-utal kong katwiran.

"Ganon ba? O siya, kumain kana ba?"

"Busog pa po ako eh."

"O sige. Bumaba kana lang kapag gutom kana, okay?"

"Opo, ma."

Narinig ko naman ang paglakad ni Mama palayo sa kwarto ko.

Muli naman akong nahiga at gumulong-gulong sa kama. Tumingala ako sa kisame. 'Bukas na bukas din, hahanapin ko si Topher. Magpapasalamat ako sa kanya ng bonggang bongga dahil sa ginawa niyang pag-match sa'min ni Rob. Pero sandali lang? Bakit ako ang pinili ni Topher para i-match kay Rob? E, hindi naman kami nagkakasundo kapag ang mahal ko na ang pinag-uusapan namin. Hmm. Ang lalaking 'yon talaga, nakakapraning siya. Ano kayang nakain niya? Tapos bigla nalang siyang nawala at iniwan ako. Saan kaya siya lumabas? Ni hindi ko manlang siyang napansing lumabas ng restaurant nila. Hah! At anak mayaman pa pala siya ha? Grabe! Ang misteryoso talaga niya. Shocking ang personality niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang utak ko na isipin siya.' Pinilig ko ang ulo ko.

'Erase, erase, erase! Si Rob dapat ang isipin ko at yung nangyari kanina. Ganda ko talaga, shit! Si Rob pa mismo ang naghatid sa akin at sinabihan niya pa ako na gusto niya akong maging kaibigan! Enebeyen! Nakakakilig!' Muli naman akong gumulong sa kama at pinagpapadyak ang paa dahil sa kilig. Mukha nanaman akong naka-drugs dahil panay ang ngiti ko.

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon