Chapter 16

33 2 0
                                    

Biyernes.

Nirolyo ko ang cartolina para walang makakita sa ginawa kong banner para kay Topher.

Matapos ang last subject namin ay nagpaalam na agad ako kay Mandy na hindi ako makakasama sa kanya mag-mall.

"Sabi niya alas singko magsisimula ang dance contest na sasalihan niya." Tumingin naman ako sa wrist watch na suot ko, maga-alas dos na. 'Maaga pa naman. Pero sige lang, baka mawalan ako ng upuan sa harapan. Nangako pa naman ako sa kanya na magpapakita at uupo ako sa unahan.' sabi ko sa sarili ko.

Nagsimula na ako maglakad para lumabas sa eskwelahan.

"Anne!"

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa'kin.

"Rob?" Gulat na sabi ko ng makita kong papalapit si Rob. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakangiti nanaman siya sa'kin.

"Anne, may pupuntahan ka ba?" Tanong  ni Rob ng makalapit siya sa'kin.

"H-ha? A-ano k-kasi..."

'Ikaw lang ang makakaalam sa dance contest na 'yon, okay?' Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin non ni Topher. Bigla naman akong napakamot sa ulo.

"A-ano—"

"Pwede bang samahan mo muna ako? Kailangan ko kasi ng kausap." tila malungkot na sabi ni Rob. Pati ang aura nito ay malungkot. Pakiramdam ko ay may problema siya.

"B-bakit? May problema ka ba?"

"Medyo. Gusto ko lang ng may makausap. Hindi ko kasi makita si Topher eh. Kaya ng makita kita, ikaw nalang ang nilapitan ko. Kung okay lang sa'yo, pwede mo ba ako samahan? K-kahit sandali lang." Pakiusap ni Rob sa'kin. 'Maaga pa naman. Hahabol nalang ako sa dance contest ni Topher.' sabi ko sa sarili ko.

Ngumiti ako kay Rob. "S-sige."

"Maraming salamat."

***

Napadpad kami ni Rob sa hindi kalayuang park. Maraming mga batang naglalaro, mga mag-nobyo at mga pamilyang pumapasyal dito. Pumunta naman kami ni Rob sa hindi mataong parte ng park. Naupo kaming dalawa sa bench.

"Ano bang problema, Rob?" Usisa mo agad ng makaupo kami.

Yumuko si Rob at pinaglaruan ang mga daliri niya bago nagsalita.

"Anne, nagkaboyfriend ka na ba?" Kalmadong tanong niya.

Nabigla naman ako sa tanong ni Rob. "H-ha? B-bakit mo naman natanong 'yan?"

Ngumiti si Rob at sumulyap sa'kin. "Kung meron, nasaktan ka na ba niya?"

Bigla naman akong naguluhan sa mga tinatanong sa'kin ni Rob. "A-ang totoo kasi, wala pa akong naging boyfriend." Pag-amin ko sa kanya. Sumulyap naman sa'kin si Rob.

"Bakit naman?"

"Tinatanong pa ba 'yon? Wala kasing nanliligaw sa'kin." Sabi ko at tipid na ngumiti.

"Ah. Mabuti naman at hindi mo pa  nararanasan masaktan."

"B-bakit mo ba natanong?"

"Mahirap magmahal Anne. Masaya ka nga pero may pag-aalinlangan ka rin. Nandyan ang takot kung hanggang kelan kayo tatagal, natatakot ka kung may aagaw o iiwan ka niya at kung ano man ang mangyari sa pagmamahal mo, dapat handa ka sa darating na unos sa relasyon niyo. Dapat marunong kang lumaban at manindigan."

Napanganga naman ako habang pinagmamasdan at pinakikinggan ko si Rob. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tila may pinanghuhugutan si Rob.

"Bakit mo ba sinasabi 'yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Na-realize ko kasi na masakit pa rin pala ang ginawa niya sa'kin." Garalgal ang boses ni Rob na parang naiiyak. Naalarma naman ako kaya binitawan ko ang hawak kong cartolina at lumapit kay Rob.

"O-okay ka lang ba?" Pag-aalala ko sa kanya. Nabigla naman ako ng makita kong tumulo ang luha ni Rob.

"Rob. A-ano ba ang problema? B-bakit ka umiiyak?" Hinimas ko ang likod niya. Ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak sa harap ko at ang tanong gusto ko pa iyon. Nakadama naman ako ng awa.

"Nakita ko kasi si Trixie nung isang araw, kasama niya yung lalaki na dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan. At akala ko, nakamove-on na ako sa kanya. Pero nasasaktan pa rin ako, Anne. Naiinis ako dahil nakikita kong masaya siya sa iba." Sunud-sunod na ang patak ng luha ni Rob. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.

Masakit parin pala kay Rob ang pakikipagbreak sa kanya ng ex-girlfriend niya. Abot-abot naman ang nararamdaman kong awa kay Rob habang pinagmamasdan siyang umiiyak.

Bigla namang yumakap sa'kin si Rob. Nanlaki naman ang mga mata dahil sa labis na pagkabigla. Mahigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Rob at damang-dama ko ng lungkot at pighating nararamdaman ngayon ni Rob kaya kusa na rin akong yumakap sa kanya para maramdaman ni Rob na dinadamayan ko siya sa pinakamalungkot na parte ng buhay niya. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Shhh! Tama na Rob. Makakalimutan mo rin siya. Hindi lang siya ang tao sa mundo kaya 'wag mong hayaan na siya lang ang taong magpapaikot sa mundo mo. Maraming nagmamahal sa'yo. Hindi lang siya. Siguro nga mahirap na kalimutan ng tao na binigyan mo ng malaking parte sa buhay mo pero makakaya mo rin siyang tanggalin at palitan kung gugustuhin mo, Rob." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinahid ang mga luha sa pisngi ni Rob.

"Masasaktan at masasaktan ka lang kung papairalin mo ang sakit dyan sa dibdib mo. Bakit hindi mo tanggapin? Isipin mong wala na kayo, unti-unti baka matanggap mo na 'yon." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ko siya.

"Siguro nga tama ka. Masasaktan at masasaktan lang ako kung papairalin ko ang sakit ng ginawa niya. Tama na siguro na nakalimutan ko na si Trixie, masaya na siya sa iba at kailangan matanggap ko 'yun."

"Tama! Makakahanap ka rin ng iba."

"Salamat Anne!" Muli akong niyakap ni Rob.

"Walang anuman. Kung kailangan mo ako, handa akong tumulong."

Kumalas si Rob sa pagkakayakap sa'kin at tinitigan ang mukha ko. Napangiti si Rob at hinaplos ang pisngi ko. Tila nakuryente naman ako sa ginawang paghaplos ni Rob sa pisngi ko kaya napalayo ako ng konti.

"Wag kang matakot. Gusto ko lang tandaan ang mukha mo. Ikaw ang unang babae na dumamay sa'kin. Kaya salamat Anne. Maswerte ang magiging boyfriend mo. Napakabait mo at masayang kasama."

Napayuko naman ako at tila sumaya ang puso ko dahil si Rob pa ang nagsabina swerte ang magiging boyfriend ko. Napakalaking karangalan ang sinabi niya sa'kin.

"Salamat."

"Dito ka muna, gusto pa kitang makausap." Pakiusap ni Rob sa'kin.

"H-ha?" Bigla akong napakamot sa batok. 'Naku! Si Topher pupuntahan ko pa.' Sumulyap ako sa wristwatch ko. Alas tres y media na pala. Naramdaman ko ang paghawak ni Rob sa kamay ko kaya nabigla ako at napatingin dito.

"Please Anne. Stay with me." Pakiusap niya sa'kin. Napapikit naman ako. 'Promise Topher, hahabol ako.' Nagmulat ako ng mata at nakangiting Rob ang nakita ko. 'Paano ba ako tatanggi sa taong matagal ko ng gusto?'

"Sige sige. Sasamahan muna kita." Nakangiti kong sabi.

"Maraming salamat Anne."

-----

Sorry kung matagal akong hindi nakapag-update. Mejo busy e. Hahaha. Yun lang.

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon