Nandito parin kami sa paboritong kainan ni Topher at ganon parin ang order niya, sisig at dalawang kanin.
"Oh? Ano ba ang sasabihin mo tungkol kay Rob?" Usisa ko.
"Ano ba gusto mong malaman?"
"Hmm. Bakit dalawang linggo siyang hindi pumasok?"
"Ah. Hindi ko rin alam e."
"Ano? Hindi mo alam? E kung ipalunok ko sa'yo lahat itong sisig? Kasama 'tong saucer." Banta ko.
Ngumiti naman siya. "Kalma lang! Binibiro ka lang e. Ang pagkakaalam ko, sumama siya sa Tita niya sa Quezon to take a break."
"Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oo naman. Bakit? Ano bang gusto mo?"
"W-wala. W-wala naman." Tipid akong ngumiti.
"Hm. Siguro iniisip mo na nagmumukmok siya noh?
"P-parang ganon na nga." Nakangiti kong sagot.
Tumawa naman si Topher. "Nakakatawa ka talaga. Lagi kitang nahuhuli na may tinatago. Para hindi ka na mag-worry, okay na si Rob. Tanggap na niya na wala na sila ni Trixie."
Tila abot langit ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Topher. "Totoo ba 'yan?"
"Yup! Nagpresinta nga ako sa kanya na hahanapan ko siya ng chicks e. Kaso, ayaw pa daw niya."
"Talaga?" Bigla akong nalungkot.
"O, bakit parang nalungkot ka?"
"Naisip ko lang kasi kaya siguro ayaw pa niya ay dahil nasaktan talaga siya." Malungkot na sabi ko.
"Sus! Hayaan mo siya. Lilipas din ang sakit na nararamdaman niya."
Sumimangot naman ako at tinitigan si Topher habang ganado parin sa pagkain.
"Ganyan ka ba talaga? Parang madali lang sa'yo ang mga bagay-bagay."
Tumango naman si Topher at ngumiti sa'kin. "Tama 'yon. Ayaw ko sa komplekadong bagay. Pwede mo naman kasi pag-isipan ang lahat bago mo gawin. Ayoko ng salitang 'Nasa huli ang pagsisi'. Kasi kapag nagawa ko ang kasabihang 'yon e feeling ko guguho na ang mundo ko."
Parang nanibago naman ako sa sinabi sa'kin ni Topher. Nararamdaman ko na mula sa puso ang sinasabi niya. Pati ang tono ng pananalita niya ay napakaseryoso, tila may pinanghuhugutan.
Habang tumatagal na nakakasama ko si Topher ay parang unti-unti ko na siyang nakikilala. Likas lang siguro sa kanya ang pagiging mapang-asar at barahin ako lagi, pero may tinatago rin pala siyang kaseryosohan.
"Hoy! Natulala ka na dyan. Bakit?" Puna sa'kin ni Topher.
"H-ha? Wala! Nagulat lang ako sa sinabi mo. Para kasing ang seryoso mo e."
Ngumisi naman si Topher. "Kapag matagal mo na akong nakasama, masasanay ka rin na may oras na magseseryoso ako."
"Bakit hindi mo gawin yan araw-araw? Para magkasundo naman tayo."
"Ayoko nga! Boring kapag seryoso. Likas na sa akin ang ganito. Balance lang, at saka gusto pa kitang asarin." Biglang humalakhak si Topher. Bigla namang nawala ang paghanga ko sa kanya kanina dahil bumalik nanaman siya sa pagiging abnormal.
"Nyenye! Mukha ngang enjoy na enjoy ka oh?"
"Naman!"
Inirapan ko naman siya.
"Siya nga pala, saan ka nagro-room?" Tanong ni Topher.
"Bakit? Pupuntahan mo ako?"
"Oo. Ayaw mo nun? May dancer na pumupunta sa'yo." Pagyayabang ni Topher. Gusto ko na siyang batuhin ng plato dahil sa sobrang kayabangan niya. Kumukulo nanaman ang dugo ko dahil sa kanya.
"Bawasan mo nga 'yang kayabangan mo! Nkakairita e."
"Masanay ka na, dahil kailangan mo ako. So, saan nga?"
"Sabihin mo muna kung bakit gusto mong malaman."
"Kailangan ba talaga ng rason?"
"Oo. Kasi, baka kung anong isipin ng mga classmate ko kapag pumunta ka sa room namin. Sabi mo nga dancer ka 'di ba?" Diniinan ko talaga ang salitang dancer para asarin siya.
"Para kapag gusto kong magpalibre, pupuntahan na lang kita."
"Yun lang?"
"Oo. Bakit? Ano pa ba ang gusto mo? Sunduin ka para sabay tayong umuwi?"
"Tse! Wala akong inisip na ganyan!"
"Oh? Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?"
"Oo na. Sasabihin na nga e. Sa St. Therese Building, room 301. Oh? Masaya ka na?"
"St. Therese Building 301? Ah okay. Got it!" Sabi ni Topher at muling kumain.
"Got it ka dyan! Sipain kita e!" Sabi ko sabay inirapan siya.
BINABASA MO ANG
One Love
أدب المراهقينHindi tayo pwedeng magmahal ng dalawang tao dahil isa lang ang puso natin. Kaya nga may sinasabing 'My One and Only' at tinatawag na.... 'One Love'