Chapter 11
Topher's POV
"Oh, pare!" Bungad sa'kin ni Rob ng buksan niya ang pinto.
"Pare, kamusta?" Tanong ko sabay suntok sa dibdib ni Rob.
"Ayos lang. Pasok!"
"Salamat."
Pumasok naman ako sa kwarto niya at diretsong umupo sa couch na malapit sa pinto ng kwarto niya.
"Tagal mo na ring hindi napunta dito sa bahay ah? Buti naman at naisipan mo pang pumunta dito." Sabi pa ni Rob.
"Wala na kasi akong mapuntahan. Alam mo naman ang ugali ko. Lulubog, lilitaw."
"Oo nga naman. Ano na? Kamusta ka?" Bigla namang tanong ni Rob.
"Ayos lang. Ito, matigas pa rin ang ulo."
"Huwag mong sabihin na magkagalit pa rin kayo ng Papa mo?"
"Ano pa ba ang bago? Lagi naman kaming hindi magkasundo."
"Sundin mo na kasi ang gusto niya."
"Ayoko nga! Pangarap ko na ang pinag-uusapan."
"Topher—"
"Pare! Pwede ba? Ayoko pag-usapan si Papa." Putol ko sa sinasabi niya. "Nababadtrip lang ako."
"Ok, sige. So, bakit ka nga pala napadalaw?" Pag-iiba ni Rob sa usapan.
"Kakamustahin ka. Ni hindi manlang tayo nagkita sa school nung pumasok ka."
"Hinahanap nga kita e. Hindi naman kita mahagilap. Saan ka ba nagpupunta?" Usisa ni Rob.
Bigla kong naalala na kasama ko si Anne non. "Kahit saan." Nakangiti kong sagot.
"Ikaw talaga! Magbago ka na nga!"
"Ganito na ako Rob. Wala ng magbabago sa akin."
Tumawa naman si Rob. "Hindi ako naniniwala na ganyan ka Topher. Kilala kita. Isa ka sa mga maaasahang kaibigan ko at hindi ka iresponsable. Alam ko 'yun."
"Tss! Wala akong pera, Rob." Sabi ko sabay tumawa.
"Tarantado ka talaga! Totoo ang sinasabi ko. Ewan ko ba kasi sa'yo kung bakit ka ganyan."
"Masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Malaya."
"Mag-girlfriend ka na kaya?"
"Nako! Ayoko. Sakit lang 'yan sa ulo."
"Weh? Parang dati lang, kaliwa't kanan ang babae mo."
"Tarantado! Hindi ah? Mga fans ko lang ang mga 'yun."
"Ibang klase ka talaga! Bilib na ako sa'yo." Nagtawanan naman kaming dalawa.
"Naka-move on ka na ba talaga kay Trixie?" Bigla kong tanong.
Natahimik naman si Rob at napangiti. "Mahal ko si Trixie, Pare! Hindi basta-basta mawawala 'yun. Pero sinikap ko namang kalimutan siya at kahit papaano nasanay na ako."
Bigla naman akong natahimik at napatingin kay Rob. Mula pa man noong high school ay magkaibigan na kami at alam kong mabait siyang tao. Gusto ko mang bangasan ang mukha ng walang hiyang lalaking umagaw sa girlfriend niya ay pinigilan ako ni Rob. Ayokong nakikita na malungkot ang kaibigan ko.
"Pare, madali lang ang makalimot. Lalo pa kung gusto mo talaga. May ipapakilala ako sa'yong babae." Sabi ko habang nakangiti.
"Ima-match maker mo ako? 'Di ka pa rin ba tapos sa sideline mong 'yan? Aba! Lahat yata ng barkada natin e, ikaw ang nag-match." Natatawang sabi ni Rob.
"Gusto ko lang tumulong. 'Yun lang!"
"Ah. E, sino ba 'yang ipapakilala mo?" Tila naiintrigang tanong ni Rob.
"Tagahanga ko sa campus. At napakabibo niya. Siguradong matutuwa ka sa kanya."
"Ah sige. Mukhang ayos 'yan." Nakangiting wika ni Rob.
BINABASA MO ANG
One Love
Teen FictionHindi tayo pwedeng magmahal ng dalawang tao dahil isa lang ang puso natin. Kaya nga may sinasabing 'My One and Only' at tinatawag na.... 'One Love'