Chapter 13

20 2 0
                                    

Chapter 13

Pagkatapos ng last subject namin ay pumunta agad ako sa Covered Area para ilibre si Topher kahit na nakakaramdam parin ako ng inis sa kanya.

"Nandito na ako." Sabi ko ng makalapit ako kay Topher.

"Tagal mo naman! Tara na!"

Naunang naglakad si Topher. 'Mukha talagang ewan 'to' pabulong kong sabi saka ako sumunod kay Topher palabas ng campus.

Paglabas namin ng school ay nabigla ako ng magpara si Topher ng taxi.

"Sakay na!" Utos ni Topher.

"Huh? Saan tayo pupunta?!" Tanong ko.

"Sumama ka nalang! Ang dami mo pang tanong eh!"

"Ayoko nga!"

"Ang arte mo! 'Wag kang mag-alala, wala akong gagawin sa'yo."

"A—"

"Sumakay ka na!" Hinila ako ni Topher papasok sa loob ng taxi.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Naiinis kong tanong.

"Magugustuhan mo rin ang gagawin ko sa'yo."

"Anong ibig mong sab—"

Tinakpan ni Topher ang bibig ko. 'Bastos talaga 'tong lalaking 'to! Hindi manlang ako pinapatapos magsalita!' Wika ko sa sarili ko.

"Ang ingay mo! Manahimik ka nalang, okay?!" Tumango nalang ako at tumahimik.

Habang nasa loob kami ng taxi ay sobrang tahimik namin. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin sa'kin ni Topher. Gustung-gusto ko ng magtanong pero baka magalit na siya kapag nagtanong nanaman ako, kaya nanahimik nalang ako.

Ilang sandali pa ay huminto ang taxi sa tapat ng isang restaurant. Hindi manlang nagbayad si Topher. Tuluy-tuloy lang siya sa pagbaba.

"Bakit hindi ka nagbayad?" Tanong ko kay Topher.

"Gwapo kasi ako!" Nakangiting sagot ni Topher. Inirapan ko naman siya. 'Huuuchaaa! Napakayabang!'

"Nakakabanas ka talaga!" Sabi ko.

"Tss! Cute ko 'no?" Pa-cute niyang tanong.

"Letche ka! Ang yabang mo talaga! Siguro nung umulan ng kayabangan e nasa labas ka ng bahay niyo. Tapos may dala kang sampung timba, sinalo mo lahat e!"

Humalakhak naman si Topher at pumasok na sa loob ng restaurant. Kinabahan naman ako. 'Oh My Gosh! Dito ba siya magpapalibre? Ang mahal ng mga pagkain dito. Shet! Maso-short ata ako nito ah?' Sabi ko sa sarili ko. Kahit na nag-aalinlangan e pumasok parin ako.

"Wooow!" Hangang-hanga kong wika ng makapasok ako sa loob ng restaurant. Naramdaman ko agad ang lamig dahil sa lakas ng aircon at amoy na amoy ko ang amoy ng mga pagkain. 'Shit! Ang bango!'

May iilang kumakain na customer at tila nanliliit ako dahil mukhang mayayaman ang mga ito.

"Dito tayo!" Hinila ako ni Topher sa gilid ng restaurant. Doon kami naupo.

"Dito ka ba magpapalibre?! Siraulo ka ba? Wala akong pera!"

"Hindi naman kita pipiliting ilibre ako eh. Wait! Iwan muna kita jan."

"Saan ka ba pupunta?"

"Magbabanyo lang ako."

"Bilisan mo ha?"

"Sandali lang ako. 'Wag mo naman masyadong ipahalata na mami-miss mo agad ako." Sabi niya sabay kindat.

"Mukha mo! Kotong gusto mo?"

Tumawa naman si Topher at tumayo na. Sinundan ko naman siya ng tingin. 'Ano kaya ang binabalak ng lalaking 'yon? Kanina lang e hinalikan niya ako sa noo. Anong gusto niyang palabasin don? Argh! Nakakapraning ang lalaking 'yon!" Wika ko sa sarili. Nagpaikot-ikot naman ang tingin ko sa loob ng restaurant. Ang ganda ng interior design niya. 'Ang sosyal naman ni Topher para ipunta ako sa ganitong lugar.'

Lumipas ang ilang minuto. Inip na inip na ako sa paghihintay kay Topher dahil ang tagal niyang bumalik. 'Bwisit talaga yung lalaking 'yon! Saan na ba siya nagpunta? Bakit ang tagal niya? Pinagtitripan ata ako ng lokong yun ah? Argh! Kainis! Lagot talaga sa'kin 'yun!' Gigil na gigil kong sabi. Hinanap ko nalang ang cellphone ko para itext si Mandy.

"Nainip ka ba sa paghihintay?"

Natigilan naman ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng marinig kong may nagsalita.

"Ay hindi! Ang—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil pagtingala ko ay nakita kong hindi si Topher ang nagsalita. Napatayo ako dahil sa sobrang gulat at nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kagwapuhan ni ROB.

Ang lakas-lakas ng tibok ng puso dibdib ko dahil kaharap ko ngayon ang gustung-gusto kong lalaki. 'Wait! Anong ginagawa niya dito?!' Tanong ko sa sarili ko.

"Hi! I'm Rob. And you're Anne, right?" Nakangiting sabi ni Rob. Napalunok naman ako at napatingin sa kamay ni Rob na nakalahad. 'OMG! Totoo ba 'to? Nakikipagkilala sa'kin si Rob? Naku! At alam niya pa ang pangalan ko!!!' Gusto kong tumili dahil sa sobrang kilig.

"A—a—e—" Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-ahm. I'm Anne. N-nice to meet you Rob!" Nanginginig kong inabot ang kamay ni Rob.

"Nice to meet you too, Anne. Hm, wait. You look familiar."

"Ha?"

Tumango si Rob at tinitigan ako. Bigla naman akong nagbaba ng tingin dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ngayon si Rob at nakikipagkilala pa siya sa'kin samantalang ang kasama ko kanina e si Topher. 'Teka nga! Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Alam niya kayang nandito si Rob?'

"'Di bale. Maupo na tayo." Nakangiting sabi ni Rob.

Umupo naman ako. Magkaharap kaming dalawa sa mesa. 'Goosh! Date ba 'to? I'm not prepared!' Pinipigilan ko ang kilig ko. 'Dapat pala nag-re-touch manlang ako kanina. Ano na kaya itsura ko? Baka ang oily na ng mukha ko. Nakakahiya naman!' Kung anu-ano nalang ang naiisip ko habang nakatingin kay Rob.

"Mag-order muna tayo." Sabi ni Rob.

"S-sige."

--

Sorry natagalan pag-update! Daming ginagawa sa school e. :') #CollegeLife

Madel x.

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon