KABANATA 7.Lagi.
PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS ng Paskuhan sa UST ay lumipad agad ako papuntang Canada. Demanding ang parents ko, wala akong magagawa.
The girls have their own way to celebrate Christmas kaya panatag ako. Though I am aware about their shortcomings, alam ko naman na magiging maganda parin ang pasko nila.
I left the Philippines at ease. Maliban ata sa isiping ma s-suffocate si Apollo sa family gathering nila ay wala na akong iba pang binabahala.
Naibigay ko na rin ang gifts ko kina Rafa bago ako umalis. All is settled. Bibilhan ko nalang sila ng pasalubong pag-uwi ko.
Nag-aalala talaga ako kay Apollo. But all the worries washed away when I received a text from him, saying that he's okay and I should stop worrying.
“Bakit kasi ‘di mo nalang sinama si Apollo?” my brother, Kuya Ali, said.
We are currently sitting in front of the fire place. Alas onse na ng gabi pero umiinom parin kami ng hot chocolate at nagk-kwentuhan.
“Ayaw niya, eh. Alam mo naman ‘yon, masunurin sa magulang,” parang balewala kong sabi.
Pero deep inside ay gusto ko rin talagang isama si Apollo. Baka kasi kung ano ano nanamang masamang salita ang sabihin ng mga kamag-anak niya.
Alam kong ayaw niyang makaabala pero konti lang kasi kami na nakakaalam ng nangyayari sa loob ng pamilya nila. Yes, his parents and siblings are kind but I really can't with his relatives on the mother's side.
Mabait si Apollo kaya hindi siya kumikibo kapag sinasabihan siya ng masasamang salita. Hindi siya nagagalit kaya ako nalang ang magagalit para sakaniya.
“Dapat pinilit mo parin,” he sipped on his cup. He chuckled before talking again. “On the second thought, baka ma-issue nanaman kayong dalawa,”
Tumawa siya. Napasimangot ako dahil doon. Hindi lingid sa kaalaman ng pamilya ko na palagi kaming nal-link ni Apollo. Ang maganda lang sa lahat nang ‘to ay hindi nang uusisa ang parents ko. Pero ibang usapan na pagdating kay Kuya Ali.
“Tigilan mo nga ‘ko, Kuya,” medyo inis kong sabi. Baliwala kay kuya ang pagka-irita ko, tumawa pa nga siya.
“Alam mo, bagay kayo. Kung magiging kayo, wala naman akong tutol, pati sina dad. Ayan tayo, eh. Bestfriends turned to couples. Hashtag kelegs to the max!” pagkatapos ay humalakhak siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Whispers of the War
General FictionWAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]