KABANATA 12Soulmate.
NEXT MONTH NA raw magsisimula ang taping ng mini series nina Apollo. Until now, I can't believe that he's really starting to have a name on the show business.
Last week ay may photoshoot siya. Nagpasama pa siya saakin dahil tapos naman na ang school year. Doon din namin nakilala ang magiging manager niya—si Miss Ailee.
She's a twenty-five year old woman na agad naming nakasundo dahil, well, sobrang daldal niya. And again, napagkamalan niya pa akong girlfriend ni Polo.
Aba, syempre we denied it. Medyo exaggerated nga ang reaction ni Ailee, gulat na gulat at agad na nagtanong kung bakit daw ba hindi kami mag-on. Tinawanan nalang namin siya. We get that a lot so… yeah.
Ngayon ngang linggo ay free time ni Apollo kaya nagbakasyon sila ng family niya sa Siargao. And yes, kasama ako. Actually hindi lang ako, pati na rin si Miss Ailee.
Apollo's parents immediately liked Miss Ailee so they invited her. And Ailee, being ‘so single' and always ready sa galaan, sumama siya.
Buti nga hindi kasama iyong mga matapobre at mayayabang na kamag-anak ni Polo sa mother's side niya. Kasi kung kasama sila, panigurado, hindi makakapag-enjoy si Polo.
I've been in one of their vacations na kasama iyong mga kamag-anak niya sa mother's side. And I swear, muntik na akong mawalan ng respeto sa matatanda.
Ginagawa nilang punching bag ni Apollo dahil sa mga sinasabi nila. Everytime they mention Apollo's name, criticism will follow. Nakakawalang-gana talaga. Kaya naman palaging ako ang kasama ni Apollo noon.
“Yamings pala ‘yong alaga ko, ‘no?” komento ni Ailee habang nagpapalit kami nh damit. Roommate ko kasi siya rito sa beach house.
“Hmm, successful na rin kasi ang mga kapatid niya. At saka nag e-earn na rin naman siya ng sarili niyang pera,”
“Sure ka bang hindi talaga kayo mag-jowa?” seryosong tanong niya saamin habang tinitignan ako sa salamin ng CR.
Mahina akong natawa sa sinabi niya. I pushed my hair into a bun and then I turned to her.
“Swear, Miss Ailee, friends lang talaga kami niyang alaga mo. Friends na kami simula nang mag-college ako, kaya siguro palagi kaming napagkakamalan,” paliwanag ko.
Ailee's lips pursed into a thin line. She looked like she doesn't believe me. Nagkibit-balikat nalang ako, maniniwala nalang siya nyan kalaunan.
Pagkatapos naming magbihis ay sabay na kaming lumabas ng kwarto. It's already nine in the morning kaya medyo mataas na ang araw. Pero sapat lang iyon para makapag-swimming kami.
Miss Ailee is wearing a sky blue one piece swimsuit at maong shorts. Ako naman ay white two piece swimsuit na pinatungan ko ng yellow seethrough.
Sa cottage ay nando'n si Ate Athena at ang fiancé niyang si Kuya Lucas. Kuya Niel—Apollo’s eldest sibling—is with his wife, Ate Tina. Nasa pampang na ang mag asawa, pati na rin ang parents nina Apollo ay dagat na rin.
Hindi ko mahanap si Apollo kaya dumiretso kami ni Miss Ailee sa cottage. Baka kung saan-saan nanaman siguro ‘yon pumunta.
“Oh, kumain na ba kayo?” tanong ni Ate Athena nang makita kami.
“Oo na, Miss Athena! Grabe, yamings kayo, ‘no? Ang mahal kaya rito!” Pag chi-chika kaagad ni Ailee kay Ate Athena.
Natawa naman si Ate Athena bago sumagot. Nag chismis-an na silang dalawa at kami naman ni Kuya Lucas ang hindi maka-relate kaya kami nalang dalawa ang nag-usap.
BINABASA MO ANG
Whispers of the War
General FictionWAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]