Kabanata 6

1.2K 35 2
                                    


KABANATA 6.

Pals.

 

DAHIL TAPOS NA ang UAAP basketball finals ay back to normal na si Apollo. Bumalik nanaman siya sa routine niya, ang bwesitin ako araw araw.

Maliban kasi sa interview nila sa sports channel at pictorial na brand na ini-endorse niya ay wala na siyang gagawin. Nag-aaral naman siya kaso kahit ganoon ay panay ang pambubulabog niya saakin.

Nagtataka nga ako minsan kung pa'no siya nakapasa sa ACET. Naaalala ko lang na matalino pala siya kapag nagpapaturo ako sakaniya sa Marketing.

Iyon lang naman ang magandang katangian niya, matalino siya sa numbers at magaling siya mag-basketball. The rest, pangit na.

Pero syempre joke lang. Mabait naman siya at galante. Tulad ngayon, dahil December na ay malapit na ang Christmas break. Nagpasama lang akong mamili ng panregalo kina Rafa pero ang ending ay siya ang nagbayad ng pagkain ko.

Galante siya sa'kin pero kuripot siya sa iba. May favoritism talaga ang lalaking ‘to.

“Sa'kin ba, wala kang regalo?” he asked while we're eating.

Naitaas ko ang isa kong kilay. He looked at me like I just committed a crime. Aba, suntukin ko talaga ‘to.

“Hindi pa ba sapat ang presensiya ko? Duh, I'm the gift,” pagbibiro ko.

Nawala ang nanunumbat na mata niya at napalitan iyon ng malamlam na tingin para saakin. It amazes me how his expression swiftly changed. But I wonder why.

“Oo na, oo na. Ikaw na ang pinakamagandang regalo,” natatawang aniya. That made me chuckle too.

He gave up the topic and we just continued eating. I have a gift for him though. I bought it last weekend. It's just a new edition shoes that he likes.

Wala pa kasing ganoong sapatos dito sa Pilipinas kaya nagpabili ako sa kuya ko nang pumunta siya sa US last week. Buti nga nakabili siya, eh.

“Nga pala,” napatingin ako sakaniya nang magsalita ulit siya. “May nag-email sa'kin. Actually… last week pa ‘to,”

Kumunot ang noo ko. Normal lang naman na may mag-email sakaniya. Ba't niya ikini-kwento ngayon?

He looks hesitant. Ilang beses pa siyang lumunok bago uminom ng tubig. Halatang kinakabahan siya. The email must be important.

Whispers of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon