Kabanata 13

1.1K 53 21
                                    


KABANATA 13.

Different.




“SORRY, ADING, PACKED ang sched ko ngayon, eh. Next time nalang, ha?” ani Apollo sa kabilang linya.

I rolled my eyes before answering. “Okay. Galingan mo nalang,”

Iyon nalang ang nasabi ko bago ko ibaba ang tawag. Nakaka-stress, okay. Hindi nalang talaga dapat ako naii-stress. But because of Apollo, I am.

Nakakainis kasi. After that two-day trip in Siargao, naging sobrang busy niya na. As in, busy, mas busy pa kaysa noong nagt-training sila.

Nagsimula na kasi ang taping nila for the short movie na entry sa isang series. It's like a series of different stories pero nasa isang title lang.

I actually watched the other short movies na nasa series na ‘yon. It caught my interest dahil iba iba ang genres every movie. And I also like the production.

‘Di ko naman in-expect na masasali rin pala si Apollo sa line-up para sa next entry sa series na ‘yon. Barkada and high school life and theme ng short movie nina Apollo.

Nai-kwento niya rin sa'kin ang plot na medyo ikina-inis ko dahil sa spoil ako. Kilala ko na rin nga co-actors niya. Okay naman ang lahat pero, isang malaking pero, he keep on cancelling our plans (which is prior to his schedule).

I should understand it kasi late na dumating ‘yong schedula niya for the taping pero nakakainis parin. At ngayon nga ay nag-cancel nanaman siya.

We were supposed to visit Fita in Batangas today. Akala ko kasi day off niya ngayon kasi Sunday, pero biglang nagka-problem sa schedule niya. Kailangan nilang mag-shoot ng isang scene ngayon.

Ewan ko ba, pang ilang cancel niya na ‘to. Noong una naiintindihan ko kasi nasa proper schedule niya. Pero ito… hay nako. Ganito ata kapag may celebrity friend ka.

I drove alone to Batangas. Magkasama sina Spica at Rafa ngayon at pumunta sa kung saan kaya ako lang talaga mag-isa. Nagdala rin ako ng damit dahil mag-stay muna ako ro'n ng ilang araw.

Wala naman kasi akong gagawin sa Metro, hindi rin naman ako uuwi ng Canada. Mas mabuti na rin sigurong doon ako kay Fita kasi wala rin naman siyang kasama ro'n.

At saka mabuti na rin ‘yong makalanghap ako ng sariwang hangin sa farm nila. Marami roong mga kabayo, baka pwede rin akong mangabayo roon.

“Ay, mag-isa ka? ‘Asan si Apollo?” bungad saakin ni Fita pagkababa ko palang ng sasakyan. Ni hindi niya man lang nga ako tinulungang ibaba ang bagahe ko, diretso sagap na siya ng chismis.

Pagkatapos kong maibaba ang mga dala ko ay saka ko siya hinarap. Karga-karga niya lang si Blair, which is her second eldest cat. Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang iba niya pang mga alagang pusa na tinawag naming twelve dancing princesses dahil ang mga pangalan ng pusa ay base rin naman sa Barbie movie na ‘yon.

“Wala, may schedule raw,” sagot ko kay Fita at saka dumuko para makarga ko si Lacey, the youngest kitten.

“Oh? Akala ko ba free siya ngayon? ‘Nyare?” tanong niya ulit. Nagkibit-balikat nalang ako at saka ibinigay sa mga helpers ang mga gamit ko para makapasok na kami sa farm house nila.

Buti nga ay ‘di na rin nag-usisa ni Fita. Natural na chismosa siya pero marunong din naman siyang makiramdam. At ngayon, alam niyang naiinis ako.

Hindi naman ako mababaw at malawak naman ang pag-intindi ko. Pero paulit-ulit nalang kasi si Apollo. Medyo nakakainis na.

Nang makapasok kami ay agad kaming sinalubong ni Nay Cynthia, iyong katiwala nina Fita rito sa Farm at siya rin iyong nalalagi rito sa farm kapag wala ang parents ni Fita. Ka-close na rin naming si Nay Cynthia dahil na rin siya ang lagging umaasikaso saamin kapag pumapasyal kami rito sa farm.

Whispers of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon