Kabanata 11

1.1K 32 13
                                    


KABANATA 11.

Imposible.



WE BECAME BUSY when the classes proceeded. Ako ay naglunod na sa school works at trainings. Even the girls aren't available for a few weeks because of school.

For the whole second semester of my third year, I became so busy. Ginagawa ko lang available ang sarili ko kapag may laro ang DLSU volleyball team, nanonood ako.

Wala akong pinalampas ni-isang game. Nakarating ang team sa finals. I was so happy watching my old and new teammates playing. Sayang nga lang at hindi ako nakapaglaro.

Our team won against FEU with five sets. I was happy and even happier when my teammates ran to me and gave me group hug. Our team captain and also my senior, won the Most Valuable Player award.

The party is held afterwards. Mga players and friends lang ang andito dahil may isa pa namang party na kasama ang couches and staffs.

"'Di ba pupunta rito 'yong jowa mo?" one of my teammates asked me.

Nilingon ko siya, she's giving me a teasing smile. Apat nalang kami rito sa couch kasi nagsasayaw 'yong iba. Kami namang apat ay chill lang dito.

"Gaga, wala naman akong jowa!" natatawa kong sagot. Nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko iyon.

Nag-text si Apollo. Hindi ko pa man nabubuksan ang message ay hinampas na ako ng teammate ko sa braso.

"'Di pala jowa, ah!" pang-aasar niya pa. Natawa nalang ako sakaniya. Sophomore palang kasi siya at hindi niya naabutan si Ate Athena-na Ate ni Apollo-sa team kaya akala niya ay boyfriend ko si Apollo.

Actually, halos lahat ata ng junior ko, pati iyong mga rookie, akala nila ay boyfriend ko si Apollo. 'Yong mga senior ko lang talaga ang nakakaintindi na magkaibigan lang kami ni Polo. Pero minsan, sumasali na rin sila sa tuksuhan.

Napabuntong hininga ako. Tinigilan na ng teammate ko ang pang-aasar kaya tinignan ko na ang phone ko. Apollo asked me where am I. Lumabas din daw sila ng teammates niya.

Nag-reply ako agad kung nasaan kami. I don't know if it's fate or what, but we actually ended up on the same bar. I told him my exact location.

Ilang minuto lang din ay narito na siya. Ang mga teammates ko na kasama ko na couch ay tumili ng impit. Buti nalang ay tinawanan lang sila ni Polo.

"Umiinom ka?" he asked as soon as he sat beside me. Nagulat pa ako sa tono ng pananalita niya.

It was so soft... too soft that I almost forgot that we're inside a bar and there's a loud music surrounding us. Masyado kasing mahinahon ang pagkakasabi niya.

"Ilang shot lang naman, uuwi pa ko, 'no," I answered. Tumango-tango siya.

"Sabay na tayong umuwi. 'Di mo naman dala sasakyan mo, 'di ba?" Umiling ako. "Hatid nalang kita. Magsabi ka nalang kung gusto mo pang umuwi."

Tumango ako. Maaga pa naman. Naisip ko, kung sabay kaming uuwi ay ihahatid niya pa ako sa Taft tapos babalik pa siya sa Katip. Kaya naisip ko na umuwi ng medyo maaga kaysa sa nakagawian.

Nagkwentuhan pa kami ng mga teammates ko habang si Apollo ay nasa tabi ko lang at paminsan-minsan ay nakikisali sa usapan. Apollo's sociable, kaya siguro ay nakapagpalagayn niya agad ng loob ang mga teammates ko.

"Ay? Sure na? Todo na? Hindi talaga kayo mag-on?" pabirong tanong pa ni Isha, teammate ko.

Apollo chuckled. Na-late ang reaksyon ko dahil sa tawa niyang 'yon. Malapit kasi ang bibig niya sa tenga ko, medyo kakaiba lang sa pakiramdam.

Whispers of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon