KABANATA 4.Cheerleader.
THE BASKETBALL FINALS came. Sabay-sabay kami nina Rafa na pumunta sa MOA Arena. Sumama rin ang friends nina Alonzo at Apollo.
Marami nang tao sa labas ng arena nang makarating kami kaya kailangan naming pumila. Ang init sa labas, buti nalang ay nakapasok kami agad.
I was wearing a puff sleeves green top na may ruffles sa baba at gartered sa likod. Hanggang pusod iyon kaya nagsuot ako ng faded high-waist denim jeans at nilagyan ng black belt.
Katulad ng sabi ni Apollo ay sinuot ko ‘yong bigay niyang jacket. Pinagtitinginan tuloy ako nang makapasok na kami.
Nasa may bandang gitna kami kaya halo-halo ang Atenean at La Sallian. My friends are wearing white and green. Ang friends ni Apollo ay white and blue.
Parang hati kami ng sinusuportahan, parang tanga. We were already on our seats when I received a text from Apollo.
Apollo:
Nasa loob na kayo?
I replied yes. Ilang minuto pa bago siya mag-reply.
Apollo:
Punta ako dyan saglit. Nagpaalam ako kay coach. Ikaw na maghawak ng phone at wallet ko. Wala akong tiwala sa locker room haha!
I rolled my eyes. Itinago ko ang phone ko sa suot kong sling bag. I faced my friends and told them that Apollo's coming here for a while.
Hindi pa man sila nakakasagot ay nakita na namin si Apollo na palabas. Naghiyawan iyong mga fans na malapit doon sa entrance galing locker room.
Apollo roamed his eyes so I raised my hand and wave it. Agad niya naman akong nakita kaya naglakad na siya papunta saamin.
Dahil nasa may itaas kami at pinababa na ako nina Lonzo para kunin ang phone at wallet ni Apollo. Bumaba ako hanggang sa malapit sa court.
Nakasuot na ng Blue Ateneo jersey si Apollo pero may nakapatong parin na sweat shirt sa jersey niya. Napansin kong medyo humaharang ang buhok niya sa mata niya.
Ang tanga, alam nang may game hindi nagpa-gupit.
“Oh, ba't ang sama ng tingin mo sa bangs ko?” natatawa niya pang sabi. I rolled my eyes. Tuwang-tuwa pa.
“Akin na phone mo, dami pang ebas, eh.” Inis kong sabi. He just chuckled and handed me his things.
Inilagay ko iyon sa sling bag ko. Nang inaayos ko iyon sa loob ng bag ay nakita ko iyong head band ko na ginagamit ko kapag may game.
Kinuha ko iyon at iniabot kay Apollo. It's a personalized head band, iyong head band na ginagamit ng mga volleyball player pero iyong akin ay half inch ang kapal at may nakalagay na pangalan ko—Adriana.
It was from my older brother's business. Mga sports equipments, apparel and accessories kasi ang negosyo niya, and gyms din. Kaya naisip niya na i-endorse ko ang business niya para marami siyang suki na UAAP players. Ang user!
“Oh, isuot mo. Kawawa ka naman, baka madapa ka,” I gave him the head band. He chuckled but still accept it.
Pabebe pa, eh. Sinuot niya ‘yon, pagkatapos ay humarap siya saakin na para bang proud na proud siya na suot niya iyong head band ko.
Inirapan ko siya.
“Sige na, sige na! Balik ka na ro'n. Baka hanapin ka na ni Coach Tab!” pantataboy ko sakaniya. I even pushed his back para mapilitan siyang maglakad.

BINABASA MO ANG
Whispers of the War
Ficción GeneralWAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]