Kabanata 5

1.5K 43 20
                                        


KABANATA 5.

Fun.




TRUE TO HIS words, Apollo really fetched me. It was already nine-thirty in the evening when we arrived at the pub.

It's just a simple bar that serves food and drinks. Walang dance floor doon dahil meant for chill gatherings lang talaga siya.

Apollo's teammates choose to celebrate here dahil sila-sila lang naman, plus their friends and girlfriends. Saka na raw ang club kapag bakasyon na.

Studious naman pala ang mga Atenean. I beg to disagree though. Some of them are really party animals.

“Iinom ka ba?” tanong ni Apollo nang makaupo kami sa table kung saan naroon din sina Lonzo.

Umiling ako at saka kumuha ng fries at d-in-ip iyon sa mustard.

“Baka uminom ka, eh. Sino nalang ang normal kung iinom din ako?” natawa siya sa sinabi ko. Kumuha ulit ako ng fries pero ibos na iyong nasa plato ko kaya sa plato niya ako kumuha.

“Hindi ako iinom,” napalingon ako sakaniya sa kalagitnaan ng pagnguya ko.

“Sure ka? Hindi nga ako iinom para maka-inom ka, eh. Have some fun naman! Champion kayo, oh!” 

Pinilit ko pa siya pero iling lang ang sagot niya saakin. Sinimangutan ko siya. Kaya nga ako sumama para makapag-celebrate siya na walang ibang iniisip pero ito ang ginagawa niya ngayon.

Ni hindi siya umaalis sa table namin. Nakabantay nanaman siya saakin na para bang ako lang ang kaibigan niya rito.

“Ayoko ngang uminom, Ading. ‘Wag nang makulit,” aniya at saka pinisil ang ilong ko.

I slapped his hand. Baka mamula nanaman ang ilong ko! Sinamaan ko siya nang tingin pero hindi na niya ako pinansin at nakipag-usap nalang kina Lonzo.

Ewan ko sakaniya. At tinawag nanaman niya akong Ading. Iyon ang tawag saakin ng mga pinsan ko sa Iloilo. Mga bata pa kasi iyon kaya nabubulol pa kaya Ate Ading nalang ang tawag nila saakin.

Nang malaman ni Apollo ang nickname ko na ‘yon ay tinatawag niya na akong nun kapag gusto niya akong asarin. Hindi naman ako naaasar kasi sanay na ako.

“Adi!” napaigtad ako nang nay tumawag saakin. Sa bandang likod iyon kaya kailangan kong lumingon.

Nang makalingon ako ay nakita kong si SJ ‘yon. Kumaway siya saakin kaya kumaway din ako pabalik.

Kaibigan ko si SJ na teammate naman ni Apollo. Bumalik na ako sa pagkain pagkatapos no'n. Pero ramdam na ramdam ko na may nakatingin saakin.

Akala ko si SJ ulit kaya lilingon sana ako sa direksyon niya pero nahagip ko si Apollo na nakatingin saakin kaya napatingin din ako sakaniya.

“Bakit?” I asked him.

“Iinom na ‘ko,” iyon lang ang sinabi niya at saka umalis sa table namin para sumali doon sa mga teammate niya.

It made me puzzled for a second pero nakabawi rin ako agad. Bumalik ako sa pagkain.

May mangilan-ngilan na lumalapit sa table namin para makipagusap o kaya ay magpa-picture kay Lonzo o saakin.

“Makakapaglaro ka na next season, ‘di ba?” Alonzo asked. Tumigil ako sa pagkain ng fries.

“Oo, next season pa naman. Malayo pa.” nanghihinayang ako, oo. Pero sa tingin ko ay ayos na rin.

“Buhay tambay ka ngayon, ‘no?” pang-aasar niya pa pero inirapan ko lang siya.

Tumabi sa'kin si Lonzo, do'n sa iniwang pwesto ni Apollo. Inakbayan niya ako at sumandal sa likod ng upuan. Wala naman ‘yon sa'kin pero kasi, maraming tumitingin.

Whispers of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon