Kabanata 1

3 0 0
                                    


Pagkauwi ay naabutan ko ang nga kapatid kong naglalaro sa sala kasama ang mga yaya nila.

Si mama at daddy naman ay na company pa ang mga iyon. Samantalang ang kambal na sumunod sa akin ay nasa school pa panigurado.

Alexander and Alexandria is on their first year highschool while our youngest twin, Anderaide and Anitha is now on their kindergarten.

Ewan nga kina mama ang lalayo ng agwat namin. Well, naiintidihan ko pa ang saking dahil sa paghihiwalay nila noon. Pero I didn't expect that even with my siblings ay ganoon din.

Hindi na muna ako sumali sa laro ng bunsong kambal namin dahil gusto ko munang matulog. I want to rest before playing with them dahil panigurado ay mapapagod na namn ako mamaya sa kanila.

Nag half bath lang ako at diretso na sa kama. Hanggang sa hinila na ako ng antok.

--

Hindi ko namalayan na gabi na pala ng magising ako. Kundi lang ako pinuntahan ng kambal ay hanggang mamaya ay tulog parin ako.

"Ate, laro na po tayo." it's Anitha

"Ate, let's play na po." Ok. I guess I need to stand up. Dalawa na silang nangungulit.

"Ok.. ok.. wait ate here ok? I'll just take a bath and we'll go downstairs to play."

"Sige po ate." masayang sagot naman ni Anitha.

Naligo lang ako ng mabilis dahil nag half bath naman na ako kanina. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako kasama ang mga kapatid ko.

Pagkababa ay naabutan ko sina mama sa sala kausap sina Xander at Xandria.

"Nakatulog ka, Andie?" Tanong ni daddy samantalang si mama mukhang seryosong kinakausap ang dalawa

"Yes po. Medyo napahaba nga po."

"Daddy.. daddy.." sabay lapit sakanya ni Anitha

"Yes baby?"

"Sabi po ni ate we'll play daw po."

"Really baby?"

"Opo"

"Ok, baby. Play with your ate and Raide. After that we'll eat dinner."

Isang oras din kameng naghahabulang at kung ano ano pang larong ginawa namin bago mapagod ang dalawa.

Nagpahinga lang kame saglit at tinawag na kame ni daddy para kumain na.

Tahimik ang hapag hanggang sa magsalita si mama at mukhang hanggang ngayon ay seryoso parin.

"Ikaw Andie, kumusta pag-aaral mo?"

"Ok lang po mama. Pumunta po si daddy sa school kanina at sinabi kasama daw po ako sa top."

"Really? Congratulations." Sabi ni mama sa akin.

"Congrats ate.." parehong sabi ni Xander and Xandria.

Biglang bumaling naman si mama kay daddy. " You.. Bakit hindi mo ako sinabihan?"

"Nahh! I want to surprise you but your busy.. Busy with shouting and lecturing with Xander and Xandria." what happened?

"Pinangangaralan ko lang ang mga anak mong walang ginawa kundi ang magpasaway. First year highschool palang ay pasaway na."

"I know. Bata pa ang mga iyan. Hayaan muna natin hanggang sila na mismo ang matuto sa pagkakamali." Napabuntong hininga nalang si mama dahil sa sinabi ni daddy.

Pagkatapos ng diskusyon na iyon ay nanahimik na naman ang lahat at tanging ang mga kubyertos at tunog nalang ng pinggan ang naririnig.

Tinapos ko na agad ang pagkain ko ng nagsimula ng magusap sina daddy and mama about business.

MY FIRST, MY LIFETIME Where stories live. Discover now