Kabanata 11

1 0 0
                                    


"Hoy, ikaw!" Tawag ko sa lalaking nakasandal ngayon sa lamesa dito sa kusina 'KO' oo, kusina ko, habang umiinom pa ng tubig.

"Me?" sabay turo sa sarili

"Ay hindi, yang katabi mo! Kung May nakikita ka. Malamang ikaw. Tsk."

"Tsk. Problema mo? Ang aga aga nagsusungit ka na naman." Ayba, himala. Diretso ang pagsasalita niya ng Filipino ngayon?

"Pake mo ba? Eh, sa gusto ko magtaray e."

"Bakit ba? Nu kailangan mo?" medyo naiirita na niyang tanong

"I'm hungry." Matapang kong sagot pero nakayuko naman ako.

"So?"

"I-I don't know.. wala! Nevermind. Sa labas nalang nga ako kakain. Kainis! Bakit ba kase walang maid dito e." Lumabas na ako sa kusina para makapagbihis sa kwarto ko. Pero bago paman ako makalayo ay narinig ko ang halakhak niya.

It's been a week mula ng dito na ako tumira sa Paris at laging ganyan ang eksena naming dalawa. Nakakainis kase siya masyadong presko akala mo kung sinong gwapo. Buti nalang next week na ang simula ng klase ko. Hindi ko na siya masyadong makikita. Naaalibadbaran na ako sa presensya niya e.

Nagtitiis na nga lang ako na makasama siya sa iisang bubong kahit na ayaw na ayaw ko.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sala na nakataas pa ang mga paa sa center table habang nanonood ng TV. 

"Aalis na ako." paalam ko. Kahit naman nakakainis ang impakto nayan e nagpapaalam parin ako sa tuwing aalis ako no. Mahirap na baka isumbong ako kay daddy.

"Ok. Let's go" tumayo siya at pinatay ang TV

Nakabihis din pala siya? " Anong let's go kadyan! Hindi ka sasama. Eepal kapa sa gagawin ko."

"Uhmm. No. Sabi kase ng daddy mo sa akin bantayan ka. Kaya whether you like it or not I'll follow you wherever you go. "

"Ughhh! I hate you!"

"Aww. Sakit noon." Umarte pa siya na parang nasaktan talaga

"Arte mo! Para kang bakla." biglang nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko. Natakot naman ako kaya sinubukan kong lumayo habang patuloy siya sa paglapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na na dingding sa likuran ko.

"H-hoy, a-anong ginagawa mo ah!" Kabado kong tanong

"Prove you wrong."

"W-what are you talking about?"

"That I'm not a gay." Shocks! Sobrang lapit niya na sa akin. Nangingilabot na din ako dahil nakatapat ang bibig niya sa tainga ko.

"HAHAHAHA" tinawanan niya lang ako pagkatapos at medyo lumayo na siya sa akin habang todo ang ngiti.

"Scared, baby?"

"NAKAKAINIS KA TALAGA, BENEDICT ! BAHALA KA NGA DIYA!N BWISIT!" nag walk-out na ako dahil panigurado ay pulang pula na ako ngayon dahil sa inis. Tinawanan pa ako ng gago!

Bakit ba kase kailangan ko siyang makisama sa iisang bubong? Sa dami ng pweding makasama dito ay siya pa. Nananadya ba talaga ang tadhana?

"Hey, Andie, wait for me." Tinakbo niya ang pagitan namin para maabutan niya ako.

"Don't call me, Andie, we're not close."

"Ah, yeah. Hindi mo nga pala ako maalala dahil nagka-amnesia ka." puno ng panghihinayang ang boses niya pero hindi ako nagpatinag. Hinayaan ko nalang siya..

Nang makarating na kame sa mataong lugar ay tila bumalik na naman sa pagiging maingay nitong si Lucian.

"Andie, dito tayo dali. Masarap ang seafoods nila dito."

MY FIRST, MY LIFETIME Where stories live. Discover now