Kabanata 2

1 0 0
                                    


"Anong mas maganda Lillienne? Red or black?" nandito kasi kami kina Joyce para magpalipas ng oras before party at para makapagbihis na din ng naayon sa dapat suotin namin sa party.

"How about me? Wala akong alam sa mga party na iyan e. This is my first time to attend a party." Ito nga ang unang beses na sumama sa amin si Ynna. Hindi nga din ako makapaniwala kanina ng sabihin sa akin ni Joyce na sasama si Ynna.

"Ako bahala sa iyo girl. Pagagandahin kita ng bonggang-bongga." Pumalakpak naman si Joyce sa naisip niya.

Sa totoo lang hindi na kailangang pagandahin pa si Ynna dahil natural ang kanyang ganda. Kulang lang sa ayos para mas mag glow ang kanyang ganda.

"Anong oras daw ba ang start ng party?" tanong ko

"I dont know. Basta ang sabi ni Margeline ay susunduin daw tayo ng mga boys later. Maghanda nalang siguro tayo para kapag bigla silang dumating ay aalis nalang tayo." paliwanag ni Joyce

"Ok. Pero kailangan before or at exactly 12am ay nasa bahay na ako."

"Chill kalang girl. Uuwi tayo sa oras na sinabi ng mama mo. Takot ko lang kay tita." nanahimik nalang ako pagkatapos naming pagusapan ang balak namin mamaya.

Si Joyce ay sinimulang mangalkal ng mga damit na isusuot namin ni Ynna. Wala kasing dala si Ynna, paalam niya lang ay malelate siya ng uwi dahil may group study kaming gagawin.

Ako naman ay hindi na umuwi dahil panigurado ay tatanungin pa ako ni mama. Kahit nagpaalam na ako ay hindi parin makakampate si mama hanggang hindi niya nalalaman kung sino ang mga makakasama ko.

At seven in the evening naisipan na naming magbihis ng mga napiling damit.

Napili ko ang isang black glittered fitted tube dress above the knee paired with silver stilleto. Hindi maliit pero hindi rin ganoon kahaba. Tama lang ito sa haba ng legs ko. Lumitaw ang hugis ng aking katawan. Hindi ako madalas magsuot ng ganito dahil hindi pa naman ako dapat magsuot ng ganito but it's fine. I'm confident.

Ang napili naman ni Joyce para kay Ynna ay isang fit na black jean and a crop top shirt and high heeled boots. Bagay sakanya. Napaka fierce ng kanyang mukha dahil sa make up niyang napaka taray ng dating.

Joyce is wearing a revealing outfit pero hindi naman malaswang tignan. Bagay nga sakanya e.

8pm. Nakarinig na kami ng busina sa labas ng bahay dala dala ang sarili at ang maliit naming bag na dala.

"Lilliennne! Wow! Napakaganda mo." masayang bungad saamin ni Margeline.

"Ganon te? Siya lang talaga ang napansin mo? Nandito din kami ni Ynna, FYI!" bara naman sakanya ni Joyce

"Che! Minsan lang mag-ayos si Lillienne kaya deserve niyang purihin. Ikaw lagi ka namang nakaayos nagsasawa na ako sa itsura mo."

"Tss. Shut up, Margeline!" natawa naman kami sa inasal ni Joyce dahil mukhang nainis. Si ynna naman nakikitawa lang saamin. Mukhang walang balak magsalita para hindi mapansin.

"Lika na nga. Exited na ako." Yaya ni Ynna na nagpalingon sa amin. Kakaiba talaga si Ynna ngayon. May bago. Something.

"Ah, yes! Lets go sakay na kayo sa loob Joyce and Ynna. Hinihintay na tayo nina Caleb doon."

"Tayo lang? Saan si Lllienne?"

"Kay kuya siya sasabay. May paguusapan daw sila."

Tumingin naman ako kay Joyce at humihingi ng tulong. NO.. Hindi pwedi.

"NO! Dito siya sa atin sasabay." pigil sa kanya ni Joyce

"Ano kaba naman Joyce. Bat ang KJ mo ngayon. Hayaan na natin sila. Ayan na pala e." napatingin kame sa sasakyang na bagong dating.

MY FIRST, MY LIFETIME Where stories live. Discover now