Chapter 52

449 22 5
                                    

"Gusto ko sumama sayo," sambit ni Xia.

"Hindi ka maaring sumama sa akin," tugon ni Dale at akmang lalabas ng kwarto nang hawakan siya sa braso ni Xia.

"Sasama ako sayo, may paraan ako para hindi nila ako makilala."

Napataas ng isang kilay si Dale at pinagmasdan si Xia habang hinihintay ang sunod na sasabihin nito. Binitawan siya ni Xia at nagpalit ng anyo sa pamamagitan ng magic.  Napalibutan siya ng itim na kasuotan kula ulo hanggang paa ta tanging mata lamang niya ang nakikita.

"Pwede na ba ako sumama?" tanong ni Xia.

Tinignan siya ni Dale mula ulo hanggang paa saka tumango.

"Simula ngayon ako si Xia ang bagong personal guard mo," sambit ni Xia.

"Xia pala ang iyong tunay na pangalan," nakangiting sabi ni Dale.

Natigilan si Xia sinabi nito saka nanlaki ang mata. Hindi pa naman niya sinasabi kung sino talaga siya kaya akala niya iniisip nito na siya pa rin si Rosa.

"Matagal ko na alam na nagmula ka sa hinaharap dahil sa nakasabit sa leeg mo," paliwanag ni Dale.

May pinakita si Dale na katulad sa pendant ng kwintas niya.

"Ano ba yan?" tanong ni Xia.

"Nilikha ko ito para dalhin si Rosa sa hinaharap ngunit hindi ko rin napigilan ang pagkawala niya," malungkot na sabi ni Dale.

Nanlaki ang mata ni Xia sa sinabi nito.

"Hindi ikaw ang vampire king sa panahon na ito?" gulat na tanong ni Xia.

Napangiti si Dale nang makita ang reaction nito.

"Nasaan ang vampire king sa panahon na ito? Wag mong sabihing patay na rin siya?" tanong ni Xia ngunit biglang sumagi sa kanyang isip ang vampire king sa alaala ni Rosa.

May panahon na mabait ito at may panahon naman na sinasaktan nito si Rosa.

"Buhay pa siya," sambit nito sabay hawak kay Xia nang maramdaman niyang may paparating. Nagteleport siya sa tagong lugar at tinignan ang dumating.

Walang iba kundi ang tunay na vampire king sa panahon na kinaroroonan nila. Nang makita ito ni Xia, laking pasalamat niya na hindi ito ang unang nakakita sa kanya dahil kitang-kita niya ang itim na aura nito.

"Sa panahon na ito mas nanaig ang demon blood na ginising ko upang maging isang demon lord. May pagkakataon na hindi ko mapigilang pumaslang at saktan si Rosa tuwing mawawala ako sarili."

"Totoong naging demon lord ka?" tanong ni Xia.

"Hindi mo alam?"

"Sabi nila oras na maging demon lord ka hindi ka maaring manatili sa mortal world."

"Tama ang iyong sinabi. Kaya nilikha ko ang vampire world upang hindi maramdaman ng nasa nakakataas ang tungkol sa akin."

"Bakit gusto mo manatili sa mundo ng mga tao?"

"Dahil sayo."

Tinignan siya sa mata ni Dale at nakita ni Xia ang pagsisi at paghihinayang na may halong kalungkutan.

Hinawakan siya sa mukha ni Xia.

"Balang-araw matutupad din ang pangarap mo. Maaring hindi pa ito ang panahon para sa atin pero balang araw  magiging tayo rin."

Hinawakan ni Dale ang kamay ni Xia na nakahawak sa mukha niya saka lalong lumapit. Konting galaw na lang nito ay magdidikit na ang kanilang labi. Sinubukang umatras ni Xia ngunit mabilis siyang hinawakan nito sa bewang.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon