CHAPTER 35

858 39 2
                                    

CHAPTER 35

Xia's POV

Tinignan ko si Trace habang patuloy na nagsasanay. Sa una, nahihirapan siya pero hindi nagtagal medyo natuto na siya. Nakasiyam na subok  siya bago niya nagawang tunawin ang pinakamaliit na ice ball. Pagkatapos nun mga nakaisa hanggang tatlong subok lang siya para matunaw ang ibang ice ball. Masasabi ko na mabilis lang siya matuto.

"Mom, ubos na yung ice ball," aniya sabay tingin sa akin. Malawak ang kanyang ngiti dahil nagawa niyang tunawin ng maayos ang panghuling ice ball.

"Good. Kontrolado mo na ang kapangyarihan mo. Ang kailangan mo na lang panatilihing kalmado ang iyong sarili. Kung magpapadala ka sa emosyon mo balewala lahat ng natutunan mo. Gabi na. Umuwi na tayo. Sigurado hinahanap ka na nila Quade," sabi ko sa kanya saka siya hinawakan upang magteleport sa bahay.

"Tapos na kayo?" tanong ni Zander pagkakita sa amin. Ningitian ko siya saka tinanguan.

"Nakauwi na ba sila Primo?" tanong ko.

"Oo. Hinanap nila agad si Trace pagkauwi. Parating na sila."

Biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok sila Primo.

"Mom, bakit si Kuya Trace lang tinuturuan mo? Gusto rin namin matuto sayo," reklamo ni Seven.

"Oo nga. Sabi ni Daddy, umalis kayo para magsanay," dugtong ni Twain.

"Akala ko ba si Trace ang hinahanap nila? Bakit sa akin sila agad dumiretso?" tanong ko kay Zander.

"Si Trace hinahanap nila pagkadating pero pagkarinig nila na nasa training siya wala sila ibang sinabi kundi ang unfair mo daw."

"Mom, turuan mo rin ako!" sambit ni Hexa.

"Ako din!" sabay na sabi nila Quade.

"Okay. Tuturuan ko kayo lahat. Tuwing sabado tuturuan ko kayo gamitin ang mga ability niyo."

Balak ko naman talaga sila turuan para maprotektahan nila ang sarili nila. Tuwang-tuwa sila sa sinabi ko.

"Pumayag na ang mommy niyo. Lumabas na kayo at gawin ang mga dapat niyo gawin," pagpapaalis sa kanila ni Zander. Sumunod naman sila agad at isinama si Trace palabas.

Pagkasara ng pinto isang braso ang pumulupot sa bewang ko.

"Wala na magulo. Tayong dalawa na lang ang nandito," bulong ni Zander habang nakayakap sa likuran ko.

Umikot ako paharap sa kanya. Humawak ako sa batok niya. Humigpit lalo ang yakap niya.

"Mahal..."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinalikan na niya ako. Tutuusin hindi na namin kailangan mag-usap. Tingin pa lang alam na namin ang nilalaman ng isip ng isa-isa.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon