CHAPTER 34

897 35 2
                                    

CHAPTER 34

Cali's POV

"Salamat sa pagbabantay kay Baby Cali," pagpapasalamat ni Mama.

"Ma, hindi na po ako baby," nahihiyang sabi ko. Ikaw pa naman tawaging baby sa harap ng crush mo.  Kailan kaya nila titigilan ang pagtawag na baby sa akin? Hindi na ko bata para tawagin nilang baby.

"Bakit anak? Gustong-gusto mo ng na tinatawag ka naming baby. Saka kahit matanda ka na, baby ka pa rin namin. Diba Neil?" tugon ni Mama.

"Opo. Maiwan ko na po kayo. Puntahan ko lang si Mama. Magpagaling ka baby Cali," paalam ni Neil.

"Kita mo? Pati si Neil, baby na din tawag sayo. Bakit ang pula mo? Mataas ba lagnat mo. Uminom ka na ba ng gamot?" sambit ni Mama.

"Ayos lang po ako. Uminom na po ako ng gamot kanina," tugon ko sabay higa at tago sa ilalim ng kumot. Napahawak ako sa puso na tumibok ng mabilis nang tawagin ako ni Neil na baby Cali. Alam ko nagbibiro lang siya nang tawagin niya ako baby pero hindi ko mapigilang kiligin. Mabuti na lang lumabas siya agad .

"Pinapasabi ni tito Kenji mo na kailangan mo bumawi sa exam dahil madami kang absent.  Nag-aalala kami na baka hindi mo kayanin kaya kinuha kong tutor si Neil para makahabol ka sa lesson niyo. Magsisimula siya kapag magaling ka na."

"Po? Bakit po si Neil? Pwede naman sila Kuya Primo?" nabangon ako bigla nang marinig ko na magiging tutor ko si Neil.

"Hindi pwede sila Primo. Tuturuan sila ni Xia na gamitin ang kapangyarihan nila kaya wala sila oras para turuan ka. Si Neil lang ang pwede saka para mas madalas niya makita ang mama niya. Every weekends dito siya matutulog para maturuan ka niya," paliwanag ni Mama.

Ibig sabihin makakasama ko ng madalas si Neil. Mapapalapit na ako sa kanya.  Pero nakakahiya sa kanya na hindi ako matalino katulad niya.  Baka lalong mawalan ako ng pag-asang magustuhan niya. Ano gagawin ko?

"Cali, tung higaan mo! Umalis ka diyan dalian mo," sigaw bigla ni Mama. Pagtingin ko sa higaan ko kung saan ako nakahawak, natutunaw ito habang umuusok. Agad ako napatayo at tumabi kay Mama dahil sa takot.

"Ma, ano po nangyayari sa akin? Ako ba may gawa niyon?" natatako na tanong ko. Hindi naman ako bampira. Paano ako magkakaroon ng kapangyarihan? Pamilyar ako sa ability na kayang tumunaw ng mga bagay dahil ganun ang kay papa.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon