CHAPTER 47

388 35 1
                                    

Sa ilalim ng karagatan, sa lupain kung saan naninirahan ang mga sirena may isang itim na nilalang na katulad sa isang anino ang nakaupo sa gitna ng mga sirena; nanginginig ang mga ito dahil sa takot sa nilalang na nasa harapan nila.

Sa harap ng nilalang isang pulang perlas ang lumulutang, napakunot ito ng noo nang makabalik sa kanya ang ipinadala niyang doppelganger. Dumilat siya at agad na nanlisik ang kanyang pulang mata.

"Vampire king!" galit na sigaw niya nang mapag-alaman niyang kinolekta ni Zander ang dugo na dapat para sa katawan niya.

Naglabas ito ng dark energy kaya mabilis na magsitakbuhan ang mga sirena sa tabi niya. Tinignan niya ang isa sa kanila.

"Nasaan na ang hinihingi kong dugo? Kung hindi niyo sa akin mabibigay ang kailangan ko, dugo niyong lahat ang kukunin ko. Maganda ding gamitin ang dugo ng isang serena," aniya at para mas lalong matakot sa kanya ang mga ito gimamit niya ang kapangyarihan niya sa pinakamalapit na sirena upang pwersahang dalhin ito sa tabi niya.

Isang itim na usok ang pumasok sa katawan nito at unti-unting kinain ang kaluluwa ng sirena hanggang naging isang katawan na lang ito na walang buhay. Pinalutang niya ang isang patalim at isinaksak sa puso nito, nang dumaloy ang dugo kinolekta niya ito katulad ng ginawa ni Zander sa mga dugo ng tao. Naging isang kulay asul na beads ito dahil na rin sa kakaibang dugo ng serena kumpara sa tao; ayon sa kwento kapag ininom ang dugo nila ay magiging immortal ito, kaya naman madalas na target nila ang mga ito. Subalit na rin sa ilalim ng karagatan ito naninirahan, hindi madaling makuha ang dugo nila.

"Ganito mangyayari sa inyong lahat kapag hindi niyo binigay ang gusto ko," pananakot niya dito.

Agad na nagsialisan ang mga sirena upang sabihin kanilang inang reyna ang mensaheng hatid ni Amon.

"Napakasama niya talaga! Hindi pa ba sapat ang mga taong dinala natin sa kanya?" galit na sabi ng reyna ng mga sirena na si Selena.

Madami na silang dinukot na mga tao sa karagatan para lang maibigay ang dugo na kailangan nito. Ayaw man nila ito gawin pero para sa kaligtasan nila kinailangan nila isakripisyo ang mga tao.

"Mahal na reyna, ano na gagawin natin? Wala bang paraan para mapaalis siya?" tanong ng isa sa kanila.

"Mahal na reyna! May balita ako sa inyo," sabi ng isang isda na nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Ano yun?"

"Narinig ko na pinaghahanap daw si Amon ng vampire king dahil sa kaguluhang nilikha nito sa itaas."

Nabahala ang mga sirena nang marinig nila ito dahil isa ang mga bampira sa gustong kumuha ng dugo nila. Oras na malaman ng vampire king na sa kaharian nila ang hinahanap nita, hindi kaya mas lalo silang mapahamak?

"Mahal na reyna, ano na gagawin natin? Kapag nalaman ito ng vampire king, sigurado pati tayo madadamay sa away nila," takot na sabi ng isa sa mga sirena.

"Bakit hindi na lang tayo nakipagtulungan sa mga bampira para mapaalis si Amon? Kung tutulungan natin sila baka hindi nila tayo saktan," suhestiyon ng prinsesa ng mga sirena na si Sirene.

"Naiisip ka bang plano anak?" tanong ng inang reyna.

"Ina, hayaan niyo pong pumunta ako sa lupa para makipag-usap sa kanila. May nakilala ako noon na mababait na bampira, maari ako magpatulong sa kanila para makauspa ko ang vampire king o sila na mismo ang magsabi dito," tugon nito.

"Mahal na prinsesa, delikado ngayon sa lupa. Saka walang kasiguraduhan kung makikita mo ang mga kaibigan mong bampira. Wala sila ngayon sa tinitirahan nila dahil sa kaguluhang nagaganap," sambit ng isda dahil minsan na nito nakita ang tinutukoy ng prinsesa ng mga sirena.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon