CHAPTER 38

627 30 2
                                    

CHAPTER 38

Xia's POV

"Wala sila dito. Hideout ba talaga nila ito?" tanong ni Claude pagkatapos nila mapatay ang kalaban. Hindi namin nakita ang deathless killer kahit anino man lang nila.

"No.  Pero sigurado akong konektado sila sa deathless killer."

Parang may mali sa sitwasyon namin. Pakiramdam ko may nakalimutan akong importanteng bagay.

"Let's go home," pagod na sabi ko. Wala na kami kailangan gawin dito.

Bago kami umalis sinunog muna namin ang mga bangkay.

"Mommy!" salubong sa akin ni Seven sabay yakap sa akin.

"Bakit gising pa kayo?" tanong ko.

"Hinihintay ka po namin kayo."

"Bakit? May nangyari ba habang wala kami?"

Umiling sila bilang tugon.

"May itatanong po kami," sabi ni Primo. May kinuha siya sa bulsa at saka ibinigay sa akin.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang red pearl sa pendant ng necklace. Katulad ito ng nakuha ko sa isla kanina..

"Saan niyo ito nakuha?"

"Napulot po namin yan pagkaalis ng  kalaban namin kanina. Ano po ba yan? Kanina kamuntik na mawala sa sarili si Quinn dahil diyan."

"Blood pearl tawag dito. Sa susunod wag kayo hahawak ng ganito. Kung mahina ang mental energy niyo madali kayo magkokontrol ng may hawak ng mother bloodpearl."

Tinago ko ang kwintas. Mamaya pag-aaralan ko ito. Magpapatulong ako kila Kenji para mas mapadali ang lahat.

"Ganyan din yung nakita mo kanina diba?"  tanong ni Bliss.

"Oo. Kung sino man ang may hawak ng mother bloodpearl, sigurado ako siya ang mastermind."

"Devil?" tanong ni Phoenix. Tinanguan ko siya.

"Yup. Ayon sa nabasa ko. Para magkaroon ng katawan ang isang devil kailangan nila magsacrife ng mga taong may negative energy. Kung ako ang nasa posisyon ng mga biktima hindi maiiwasan makaramdam ng negatibong emosyon na magdudulot ng negative energy sa tao. Bukod doon kailangan din nila ng blood essence para mas lumakas pa sila lalo. Kung hindi ako nagkakamali kailangan ng limang daang libong tao para matagumpay siya. Kailangan natin siya mapigilang bago pa dumami lalo ang mga biktima niya."

"Tao sabi mo? Paano kung bampira ang isakripisyo nila?"

"Katumbas ng limang tao ang isang bampira dahil nabubuhay sa dugo."

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon