CHAPTER 45

376 25 2
                                    

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Xia nang makita niya sila Primo.

"Dad, tulungan mo po si mommy," sabi ni Seven pagkalapit nito sa kanila.

Agad na naiintindihan ni Zander ang sitwasyon, binasa niya ang nasa memorya nila Primo at doon niya lang nalaman ang matagal nang nililihim sa kaniya ni Xia.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Zander.

Tinignan niya ng masama si Xia, ilang beses niya ito tinanong dahil alam niyang may parte siyang hindi makita sa isip nito; kahit ano basa niya dito, hindi niya makita ang tungkol sa totoong katawan ni Xia.

"Mahal..."

Napaiwas ng tingin si Xia dahil natatakot siya na magalit ito sa kanya.

"Ganito na lang ba palagi? Bakit ba lagi mo na lang sinasarili ang lahat?"

"Sorry," mahinang sabi ni Xia.

"Sabihin mo sa akin yung totoo, gaano na lang katagal kakayanin ng katawan mo?"

"Isang araw."

Humigpit ang pagkakahawak ni Zander sa kanya.

"Kapag binalik kita sa lugar na yun?"

"Huli na ang lahat. Matagal ako nawala doon, saka nabubuhay na lang ako ngayon dahil sa gamot na nakuha ko kila Red. Katagalan nawalan na ito ng epekto sa akin. Hindi na ako magtatagal kahit anong gawin natin."

"No! Hindi ako papayag. Sigurado ako may ibang paraan," sambit ni Zander. Hindi siya makakapayag na mawala ito muli sa piling niya.

Boom! Napatingin sila kila Hexa nang may sumabog.

"Si Hexa," sabi ni Xia. Gusto niya ito lapitan pero pinigilan siya ni Zander.

"Dito ka lang."

"Paano si Hexa?"

"Hindi siya pababayaan ni Phoenix."

Nag-aalalang tinignan niya ang dalawa habang patuloy na inaatake ng devil ang ice wall na nilikha ni Phoenix.

Tahimik lamang silang nanood hanggang sa tuluyang mabasag ang yelong pumoprotekta kila Phoenix, subalit kasabay nito ang pagkawala ng isang malakas na kapangyarihan.

Nang maramdaman ito ni Xia, una niyang naisip ang kapangyarihan niya noon na lumalabas sa loob ng katawan tuwing nanganganib ang buhay niya.

"Hindi maari!" sigaw nang devil nang biglang naging isang red mist at lumipad ito patunggo kay Zander.

Sinubukan niya ito pigilan ngunit tumalsik lamang siya nang may lumabas na malakas na pulang inerhiyang dito.

"Zander, ayos ka lang?" tanong ni Xia nang bigla itong pumasok sa katawan niya.

"A-ayos lang ako," sambit ni Zander habang nakahawak sa ulo niya.

"Sigurado ka?"

Hindi sumagot si Zander dahil sunod-sunod na pagpasok ng mga memorya niya bilang vampire king. Unti-unting bumalik sa pagiging pula ang kanyang kulay gintong mata at habang tumatagal palakas nang palakas ang aura   na lumalabas sa katawan nito.

"Mahal?" nag-aalalang sambit ni Xia dahil habang tumatagal nag-iiba ang pakiramdam niya.

Para bang nag-iiba ito subalit nandoon pa rin ang pamilyar pakiramdam. Nang tignan siya nito, bumilis ang tibok niya at biglang napabitaw dahil sa takot dito.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon