CHAPTER 50

378 23 0
                                    

Katulad sinabi ng vampire king, dinala niya sa kanyang mundo ang lahat ng mga bampira at artificial vampire.

"Mom, kailangan ba talaga natin umalis?" malungkot na sabi ni Trace.

"Tanong mo ang daddy niyo," tugon ni Xia.

Napasimangot si Trace dahil alam na niya ang sagot kahit hindi niya ito tanungin.

"Ate Xia, mamimiss namin kayo," maluha-luhang sabi ni Kia.

"Ayaw niyo ba talaga sumama?" malungkot na tanong ni Xia.

"Ayaw po namin iwan ang trabaho namin dito," tugon ni Rain.

"Kayong bahala. Dadalawin ko kayo dito paminsan-minsan," sabi ni Xia saka niyakap ng isa-isa sila Rain.

Kung noon mga bata lang sila na tinulungan nila, ngayon malalaki na sila.

"Mahal," sabi ni Zander nang makabalik ito pagkatapos burahin ang mga aalaala  ng lahat ng tao tungkol sa nangyari.

Tanging sila Rain lamang ang hindi tinanggalan ng aalala dahil matagal na rin nila alam ang tungkol sa mga bampira.

"Ayos ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka," nag-aalalang sabi ni Xia sabay hawak sa mukha nito.

"Ayos lang ako. Naparami lang ang kapangyarihang nagamit ko kanina. Naayos niyo na ba ang lahat?"

"Oo, mahal. Pinauna ko na sila sa vampire world. Tayo na lang ang hinihintay doon."

Tinignan ni Zander sila Kenji.

"Kayo na bahalang magmonitor kung may bampira pang pakalat-kalat dito. Kung tahimik silang namumuhay dito, pagbigyan niyo na tumira pero oras na gumawa sila ng masama, patayin niyo agad." sabi ni Zander.

"Ito gamitin niyo para makausap niyo pa rin kami kahit na nasa vampire world kami. Ginawa yan ni Zander para sa inyo," sabi ni Claude sabay bigay ng tag-iisang cellphone kila Kenji.

Napatingin sila kay Zander.

"Ikaw may gawa nun?" tanong ni Xia.

"May nilagay lang akong magic para makatawag sila sa vampire world," tugon ni Zander.

Napatango si Xia bilang tugon.

"Nakapagpaalam ka na ba sa kanila?" tanong ni Zander.

"Oo, pero may problema tayo."

Napakunot ang noo ni Zander.

"Ano yun?"

Tinignan ni Xia ang mga anak nila at ang ama ni Zander.

"Ayaw nilang umalis," tugon ni Xia.

Napatingin si Zander sa maglolo na nagkukumpulan sa gilid.

"Reason?" tanong niya.

"Dad, ayoko umalis sa bahay na ito," sagot ni Quinn.

Saglit na napaisip si Zander.

"Okay. Dadalhin ko ito sa vampire world."

Natahimik si Quinn dahil wala na siyang idadahilan pa. Tinignan niya si Quade na isa pang nagrereklamo.

"Dad, paano ang pag-aaral namin?" tanong ni Quade.

"Tuturuan namin kayo. Maraming pwedeng magturo sa inyo, nandyan ang lolo niyo at sila Claude."

"Bakit ako? Ang dami mo na pinapagawa sa akin," reklamo ni Claude dahil nagmistulang assistant siya nito sa dami nang inuutos nito.

"Babayaran kita. Ano ba gusto mo?"

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon