CHAPTER 23

1K 38 1
                                    

CHAPTER 23

Third Person's POV

"Chief Inspector, may ba--"

"May bago nanamang biktima?" putol ng isang matandang lalaki sa binata na nagrereport.

"Yes sir," tugon nito.  Pang-apat na report na ito sa kanila. Tatlong araw pa lang ang nakalipas simula noong namatay ang unang biktima at ngayon apat na namatay.

May kumatok muli sa pintuan ng opisina at isang pulis ang pumasok. May hawak itong folder. Sumaludo muna bago magsalita.

"Sir, may bagong report na pumasok. May natagpuan daw pong bangkay sa isang abandonadong paaralan. Katulad sa iba may kumalat din na video ng biktima habang pinapatay," mabilis na balita nito. Napakunot ang noo ng matandang pulis dahil sa magkasunod na report ang natanggap niya. Tumayo ito at agad na kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.

"Nasaan sila Trevor?" tanong nito.

"Nagpunta po sila agad sa abandonadong paaralan."

"Good, sumunod kayo sa akin. Pupunta din tayo sa crime scene."

Pagdating nila sa crime scene naabutan nila ang dalawang pulis na nauna na sa kanila na sinusuri ang bangkay. Agad na napatayo ang dalawa nang makita ang matandang pulis na mas mataas ang posisyon sa kanila. Sasaludo na sana ito pero agad sila pinigilan ng matandang pulis.

"Ano masasabi niyo sa bangkay?" tanong nito agad.

"Wala pa po tatlong oras nang mamatay ito. Pagkaubos ng dugo ang ikinamatay niya. Maaring nandito lang sa tabi ang suspect. Napag-alaman din namin na nag-aaral din ito sa paaralan ng naunang biktima," sagot ni Bliss.

"Tingin niyo konektado ang video kumakalat na video sa pagpatay?"

"Yes sir! Sa tingin ko lahat ng biktima napanood ang video. At hindi lang isang tao ang may gawa nito," tinuro ni Trevor ang foot print na nakita nila.

Bumakat ito dahil sa dugo. Dalawang bakat ng sapatos ang nakabakat. Parehong palabas ito ng abandonadong paaralan. Base sa laki ng foot prints, isang babae at lalaki ang suspect. Ang pinagtataka lang nila. Walang kahit na anong bakat pagdating sa labas ng pintuan.

Lumapit ang matandang lalaki sa bangkay upang suriin ito. May napansin itong dalawang tuldok sa bandang leeg na ikinangisi nito. Ngayon lamang niya natignan ng personal ang bangkay. Kadalasan sa report lamang siya bumabase.

"Hindi ito gawa ng tao," makahulugang sabi nito na ikinalaki ng mata nila Trevor. Wala sila balak sabihin sa pulis ang tungkol sa bampira.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon