CHAPTER 31

929 40 4
                                    

CHAPTER 31

Primo's POV

"Kanina ko pa ito gusto tanungin. Bakit nandito si Miss Ailee?" tanong ni Twain habang nakatingin sa teacher namin. Nakaupo lito sa sala habang tahimik na kumakain ng cake.

"Doppelganger ko siya. Ginawa ko siya para alam ko kung ano ginagawa niyo sa school. Kumpara sa clone, iba ang personality nito," paliwanag ni Mommy habang nakangiti.

"Eh?"

"Tapos na ang oras ko. Salamat sa pagkain," sambit ni Miss Ailee.

"Salamat sa lahat. See you!" paalam ni Mommy bago ito mawala.

"Rose?" pinulot ko ang lantang rosas sa upuan.

"Gawa sa rosas ang doppelganger ko. Dipende sa tagal ng rosas ang tagal niya. Oras na malanta ito, mawawala siya," paliwanag sa akin ni Mommy.

Mula sa palad niya may tumubong pulang rosas. Pinitas niya ito at saka hinagis. Bago ito bumagsak sa sahig naging kamukha ito ni Miss Ailee.

"Cool! Gusto ko din ng doppleganger," sambit ni Quade.

"Bakit? Para doppelganger mo na lang ang papasok sa school?" tanong ni Mommy habang nakatingin ng masama kay Quade. Natawa na lang kami dahil tama ang hula ni Mommy.

"Hindi ah," pagsisinungaling nito.

"Kahit ano sabihin mo hindi kita tuturuan."

"Alis na ako," paalam ni Miss Ailee habang buhat-buhat ang pusang dala niya.

"Ingat ka."

Tumango lang ito saka umalis.

"Bakit mas mukhang matanda siya?" tanong ko.

"Dahil adult version ko siya," natatawang sagot ni mommy.

"Kunin niyo mga gamit niyo sa bahay nila Bliss. Babalik na ulit tayo sa bahay. Pauwi na yata sila. Sumabay na kayo sa kanila," utos niya sa amin.

"Susundiin namin kayo doon," singit ni Daddy.

"Okay," sagot namin.

"Hindi ako sanay na kausapin si mommy bilang matanda. Nasanay ako na kausapin siyang parang kaedad lang natin dahil kay Apple," sabi ni Quinn.

"Parehas tayo," pagsang-ayon naman ni Quade.

"Nasanay din tayo na wala siya kaya bago pa sa atin ang lahat," sambit ko.

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon