Chapter 1

3.3K 80 3
                                    

Inabot ako ng linggo bago lumabas sa aking silid. Laging pumupunta rito sila Judy at Ethan para kumustahin ako.

Umalis ako sa Mansion nila Ethan na wasak. I do not know what happened, why he left me without saying anything. I know that isa ako sa mga peste sa buhay niya, pero hindi naman yun excuse na umalis siya ng wala man lang paalam.

At first, Lagi ko sila pinapa-alis, Dahil na rin sa katigasan ng ulo ng dalawang 'yun ay hinahayaan ko nalang sila.

Judy's keep on saying that everything's gonna be all right habang si Ethan naman ay tinatawanan lang ako. Gusto ko siyang sapakin tuwing nakikita ko siya, buti nalang ay nand'yan si Judy para pigilan ako.

Huminga ako ng malalim bago binaba ang hawak kong relo. Ito yung binili ko na napakamahal para lang kay Yohan. Muntikan ko na nga mabato iyo noon, Buti nalamang ay pinigilan ako ni Ethan.

Kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko dito. Should i keep it? or ibebenta ko nalang kay Ethan, para naman masuli yung pera na pinangbili ko sa relo na yun.

I look at the mirror at inayos ang buhok ko bago lumabas. Ang sama naman ng ginawa ko sa school. I mean, Hindi man lang ako pumasok ng first week of class.

Freshman kami nila Judy. Samantalang si Yohan ay Third year na. Naiinis ako tuwing naaalala ko si Yohan, Until now, wala parin akong natatangap na explanation coming from him.

Ang sinabi sa'kin Ethan, Kaya raw umalis si Yohan dahil gusto niya na Makapagtapos sa Harvard at makakuha ng degree in Bachelor of Arts in Political Science.

Madali naman sabihin 'yon pero di man lang niya sinabi sa'kin! If he doesn't have enough time edi sana thru text, alam ko naman magbasa. I understand him naman if he really want to study there. Baka nga kumuha pa ako ng tutor para lang masundan siya sa Harvard at masamahan ko siya dun.

Minsan napapa-isip na ako kung bakit patay na patay si Yohan makapasok sa Politics? Wala naman sa family background nila ang nasa politics.

Sana ako nalang yung politics. Badtrip!

Ngumiti lang ako sa mga kasambahay na nakakasalubong ko. Dumiretso ako sa Dining Area para kumain ng breakfast. I saw manang preparing my food, I smiled at her.

"Manang....."

Ngumiti siya sa'kin at sinalubong ako ng yakap "Okay ka na ba?" tanong nito.

Dahan-dahan akong tumango at umupo. tinap ko naman ang katabi kong upuan, Umupo siya sa tabi ko at sinaluhan ako sa pagkain.

"sabi ng mommy mo ay nagiinarte ka lang daw" ani ni manang habang nilalagyan ng ng pagkain ang plato ko. Ngumuti lang ako ng pilit at nagsalin ng tubig.

Ano pa nga ba? Hindi siya ang mama ko kung hindi ganun ang tingin niya sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit niya pa ako pinanganak kung ganito lang ang trato niya sa'kin.

My mom wants to have a son, kaya nung nalaman nilang babae my mom is very disappointed. Sinubukan nilang gumawa ulit kaso, Wala na.

Hindi ko naman kasalanan if God want them to have a beautiful daughter. Pero bakit parang kasalanan ko everytime na nakakasama ko siya. She treats me na parang ampon sa bahay na'to.

Alam ko naman na gusto ako ipamigay ni mommy sa mga business partners nila as a bride. 'yon naman ang role ng mga babae sa pamilya namin. Gawing pang-alay.

Pagkatapos kong kumain ay hinalikan ko si Manang sa noo at nagpaalam na papasok na ako sa school.

I took my key out of my pocket at tinangal ang lock ng kotse ko. Maruonong naman ako magdrive, kaso pinagbabawalan ako ni Yohan.

Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon